KABANATA 13

68 4 0
                                    

KABANATA 13

"Hoy incredible hulk!" Sigaw ni Charles kay Rufus. Binansagan nilang incredible hulk si Rufus dahil sa kakaibang lakas nito.

"Oh!?" Barumbadong sagot ni Rufus.

Wow hindi sila ganito nung unang pagkikita namin. Si phyra ay napakahinhin ngunit tignan mo naman ngayon hahaha! At si Rufus din! Ganun din ngunit ngayon! What happened hahahaha!

"Hatiin mo 'to!" Utos niya kay Rufus. Tinaasan naman siya ng kilay ni Rufus at ngumisi.

"Ikaw, hatiin kita." Lalapit sana siya kay Charles ngunit tumakbo papunta sakin si Charles kaya hindi siya nakalapit. Ewan ko! Simula nung nangyari kaninang madaling araw ay parang nahihiya siya sakin.

"Ay nahihiya, nakapagtanong nga. Pumayag naman, pero bakit!?" Humagalpak ng tawa si Charles sa tabi ko habang tinuturo si Rufus.

"Shut up dude!" Sigaw naman sakanya ni Rufus at binato pa ng unan. Nasapul pa siya sa mukha ngunit patuloy pa rin siya sa pagtawa.

Maya maya ay nagvibrate ang phone ko.

Rufus:

Balik ka muna sa kwarto mo tapos magbihis ka. Nararamdaman kong mawawalan na ng bisa ang antidote. Hintayin kita sa parking lot.

Napalingon naman ako sakanya at pinangunutan ko siya ng noo. Tumango lang siya tsaka sinenyas ang pinto. Tumayo ako at lumabas. Wala manlang nakapansin sa pag alis ko dahil busy silang magkulitan.

Pumunta ako sa kwarto namin at dumeretso sa banyo. Ano ang gagawin namin at saan kami pupunta?

Agad akong naligo at nagayos. Nagsuot ako ng cargo pants na dark green at white t-shirt at pinartneran ko ito ng white rubber shoes.

Hindi ko na hinubad ang necklace na ibinigay sakin ni Rufus.

Nagpatak na rin ako ng antidote at dalawang patak ang ginawa ko. Siya nga pala! Alam na ni Grandma ang tunay kong pagkatao dahil alam kong makakapagtiwalaan siya.

Paglabas ko ng banyo ay wala na pa rin sila Grandma. Siguro ay hindi sila dito natulog dahil hindi manlang nagulo ang bedsheet at ganon pa din ang ayos nito.

Paglabas ko ng kwarto ay dumeretso agad ako sa parking lot. Agad kong namataan si Rufus sa di kalayuan na may kausap sa telepono. Napalingon siya agad sakin at agad din niyang ibinaba ang telepono niya tsaka kumaway sakin.

"Kanina ka pa?" Tanong ko nang makalapit ako sakanya. Umiling siya tsaka ngumiti. Ayan! Ayan nanaman yang ngiting yan! Nakakatunaw! Diyan mo ako nakuha! Sa ngiting yan! Aish!

Agad din niyang binuksan ang pintuan sa passenger seat para sakin. Pumasok naman ako don tsaka umupo. Umikot siya papunta sa driver's seat at pumasok na din.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Tatakasan natin ang mundo." Sambit niya tsaka kumindat sakin.

Binuksan niya ang stereo ng sakakyan at tumugtog ang kanta ng The Devourers. Alam niyo kung pano ko nalaman? Kasi nakalagay doon. Hehe.

"Wow astig! Original composition niyo ba iyan?" Tanong ko sakanya at manghang tinignan siya. Unti unti naman siyang tumango.

"So don't be scared,
I'll be just right here.
I'm not going to leave, baby.
Not this time, but never."

Maganda ang lyrics. Hindi ko akalaing meron silang original composition!

"Sino ang nagsulat?" Tanong ko.

"Yours truly." Sambit niya. Lumipad ang kamay ko sa aking bibig sa gulat.

"Omg! Maestro!" Tumungo pa ako sakanya at tumawa. Natawa nalang din siya.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now