Kabanata 12

12K 252 248
                                    

Kabanata 12

"Girl, tell me, saang simbahan ang punta mo?" Natatawang tanong ni Janine sa akin nang makita niya ang kabuuan ng suot ko. 


 Napanguso na lang ako at pinagmasdan ang repleksyon ng salamin sa bintana ng kotseng dala niya. I was wearing a long white dress, covering myself. Simpleng dress lang iyon at maganda naman, medyo mahaba nga lang at mukha nga akong magsisimba. 


 "What? Okay naman ah? I look fine, sabi ni Manang," Sagot ko at umikot pa para ipakitang gusto ko ang suot ko. 


 "Oo nga, pero hindi sa simbahan ang punta natin! Sa bar! Gosh!" Napailing siya sa akin. 


Nagulat ako nang hilain niya ako at pinapasok sa kotse niya. Napailing na lang ako at nagpatianod dahil balak din naman naming sunduin si Charlotte sa condo niya. Pinauwi ko na rin ang driver namin dahil ihahatid naman na ako ni Janine pauwi at pumayag naman na si Kuya Federick kaya okay lang. 


 S'yempre papayag siya dahil hindi naman na siya makakauwi. Actually, since he left, he never came back again. Tanging tawag lang o text ang ginawa niya na hindi ko na rin namang ginawang big deal. Binigyan niya na rin ako ng phone kaya medyo natuwa na rin ako dahil nakaka-video call ko na sina Janine at Charlotte, at pati siya. Naenganyo na rin ako ng mga games na naroon. First time ko kasi magkaroon ng saeiling phone, kaya tuwang-tuwa ako. 


"Excited na ako! Late celebration ito ng birthday mo kaya dapat magandang-maganda ka! Dapat lahat ng lalaki, mapapalingon sayo!" Sinundan pa iyon ni Charlotte ng tili habang nagrereklamo ako kay Janine. 


 Nakarating kasi kami sa condo ni Charlotte na nagbibihis pa lang siya kaya sinabay na rin ako ni Janine. She offered me a very revealing dress that makes me so offended! Bakit ko naman ipapakita ang kabuuan ko sa ibang tao? Nang subukan ko kasi iyon ay kitang-kita ang dibdib kong bumubundok sa harapan at halos kalahating hita ko lang ang natatabunan, mas maikli pa nga! I was fine showing my bare skin with Kuya Federick, pero hindi sa iba! 


 "Hindi naman kailangan! Ayaw ko ng ganitong dress! Bakit sa inyo, hindi naman ganito ka-revealing?!" Reklamo ko. 


 Pilit ko namang binababa ang masikip na dress na fit na fit sa buong katawan ko. Napapamura ako tuwing sumisilip ang dibdib ko kapag binababa ko ang damit. 


 "You're so maarte! Okay nga e, you're so sexy! Girl, it's your debut kaya dapat mag-enjoy ka na! Show yourself to the world!" Sabi pa ni Janine sa akin na hindi ko tinanggap. 


I really don't like it. 


 "Iba na lang, Ja. Hanap ka na lang ng iba, please? I'm not used to it," Ngumuso ako at nagtingin-tingin sa mga damit ni Charlotte na nakasabit sa kaniyang walk-in closet. 


Puros maiikli iyon at halos kulangin na sa tela. In the end, napapayag ko rin ang dalawa na hayaan akong magpalit, but still, the dress still too tight for me. May pa-butas sa dalawang bewang at hanggang kalahati ng hita ko lang rin ang natatakpan, but this time, hindi na revealing masyado sa dibdib kaya ito na ang pinili ko. 


Lahat kasi halos ng damit ni Charlotte ay puros pakita ng dibdib kaya ayaw ko. Ayaw ko naman kasing ipakita sa iba ang katawan ko, kung pwede lang na 'yong suot ko na lang kanina e. I want my body reserved for my Kuya Federick. Siya lang ang gusto kong makakita ng buo kong pagkatao at katawan, kahit na ba alam kong hindi lang ako ang babaeng para sa kaniya. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heartless Billionaire's Possession (Dominante #1)Where stories live. Discover now