Chapter 1

173 10 0
                                    

Jem's POV

Andito na kami sa loob ng sinasabi nilang bahay. Tumutulong na ngayon kami sa paglilinis. Medyo maingay at magulo kasi nagsidatingan narin ang teammates daw namin na nakilala na namin. Matagal na silang lahat dito. Every summer silang sumasali, ibig sabihin kami lang dalawa ni Ella ang baguhan dito. Kulang nalang daw ng dalawa at yung coach namin. 2pm narin pala.

"Salamat talaga dito Ella ha, hindi ko alam kung pano kita mapapasalamatan. Sobrang dami mo nang naitulong sakin."

"Sus, walang anuman yun. Syempre, future cousin in law kaya kita."

"Sira haha." Hampas ko sa kanya.

Bigla kaming may narinig na bosina ng kotse sa labas.

"Sila na ata yan. Laney! Pagbuksan mo nga please." Sabi ni Kyla. Nagmadali namang lumabas si Laney para pagbuksan ito.

Isa isa na silang pumasok. Tinulungan naman sila ng girls sa mga bagahe nila. Pero nakuha ng babaeng wala sa mood ang attention ko.

"You must be the newbies, nice to meet you. I'm Coach Ramille. Pero you can call me Coach Rams. Here is Dana and Sela. Magiging teammates nyo rin." Nag-shake hands naman kami sa kanila, maliban dun sa isa na wala sa mood. Medyo maattitude sya ah. Unang araw palang.

"Andito naba lahat?." Sabi ni Coach Rams.

"Ah opo Coach. Kayo nalang po ata ang hinihintay." Sabi ko.

"Good. Okay, girls! Gather up!." Sabi niya, at nagmadali namang nagsilapitan ang girls sabay form ng two horizontal lines facing to Coach. Dito ko talaga nakita kung gaano sila ka disciplined lahat.

"I have here the list sa magiging roommates."

Sela
Abby
Sheki

Belle
Ecka
Gabb
Rans

Ella
Gia
Dana

Kyla
Jem

It's a relief na hindi ko magiging roommate yung Dana. After nun ay dinala na namin ang mga gamit namin sa kanya kanya naming kwarto.

"Ganun ba talaga yung Dana, Kyla?. Ang attitude."

"Ah oo. Pero masasanay ka rin. Pamilya sila ng mga militar kaya don't you dare. At dahan dahan ka sa pananalita mo, isang ding ding lang ang pagitan natin sa kanya."

"Hala oo nga."

"Sya nga pala, ayan."

"Ano to?."

"House rules. Sauluhin mo. Since nakikitira lang tayo dito dapat pangalagaan natin ang kalinisan at kaayusan ng buong bahay."

"Ah okay. Eh si Coach ba dito rin magsistay?."

"Hindi. May tutuluyan siyang kamag-anak. May out of town business trip din siya kaya madalas iniiwan nya sakin yung pagtetrain sa girls. Dumadalaw lang siya once or twice a week to monitor us and see if there's some improvement na."

"Ganun pala yun. So talagang tayo tayo nalang ang laging magkasama?."

"Exactly. Sige ah, baba lang ako." Sabi niya.

..

Dana's POV

Nagbabasa ako ng book pero nagtatawanan parin yung dalawa kong roommates. Tsk.

"Ano ba? Don't you see? I'm trying to read here."

"Wala naman kaming ginagawang masama ah." Sabi ni Gia.

"Well you're both annoying. Ang ingay ingay nyo. Lumabas na nga kayo, distorbo tsk." Kaya ayun lumabas na sila. Pwede naman silang mag-usap sa labas, dito pa talaga.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nako mga bandang 6pm. Pagbaba ko nakahanda na silang lahat ng pagkain.

"Buti naman gising ka na. Halika, kakain na tayo." Sabi ni Sela. Lumapit nako sa kanila. Yung space nalang na natitira is sa katabi nung minion, hindi si Sheki yung bagong teammate namin. Nakalimutan ko na ang pangalan niya, well who cares diba?.

We prayed and kumain na. Ilang summers na kaming pabalik balik dito pero wala paring nagbabago, maingay parin silang lahat. Para kaming nasa palengke. Pinakaayaw ko talaga yung maingay, lalo na ang mga nagsisigawan.

I only want to talk to my cousin Sela kahit madalas wala siyang kwentang kausap.

Ano ba namang buhay to oh? Tsk. Dapat kasi di nako sumama dito eh, kung may ibang choice lang sana ako.

After dinner. I brushed my teeth and then went for a swim. Alone.

..

Jem's POV

Pinanood ko lang siya while having a me-time sa pool.

"Are you also bothered by her attitude?." Napalingon ako, si Sela pala.

"Honestly?. Yes."

"Well, you just have to face the thick walls and castle guards before you meet the Queen. The question is, do you have enough patience and courage for that?."

"If that's what it takes to meet the Queen that you're talking about."

"I can't wait to see you give up just like the rest of us."

"Ikaw din?."

"Malapit na. Pumasok ka na, maraming lamok dito."

11 pm di parin ako makatulog. Di rin kasi ako sanay ng may katabi at nakapatay ang ilaw.

Bumaba muna ako para uminom ng tubig nang maabutan ko si Dana na kumakain ng apple sa counter habang ginagamit ang phone niya.

"Hey, ba't gising ka pa?." Kuha ko ng tubig sa ref. Pero di nya lang ako pinansin.

"Di karin makatulog?. Ako din eh. Naninibago talaga ako. Sa bahay, sa mga tao. Alam mo, kung kailangan mo ng kausap andito lang ako ah--"

"Mukha ba kong gustong makipag-usap?. Tsk." Sabi niya at umakyat na sabay dala ng isang basong tubig at apple niya.

Jem, don't worry. Walls pa yan.

KINABUKASAN

Naglinis kami ng bahay at nagjogging papunta sa court habang ginaguide kami ni Abby. Ngayon nagpapahinga nalang kami saglit bago magsimula sa training.

"Kagabi pang ganun si Kyla, nag-aalala na nga ako eh." Sabi ko.

"Baka kung may anong nakain." Sabi ni Sela.

"Parepareho lang naman tayong lahat ng kinain kahapon, eh wala namang nangyari satin." Sabi ni Abby.

"Feel ko talaga panis yung honey." Sabi ni Sheki.

"Sira, hindi napapanis yun." Sabi ni Rans.

"Baka naman yung mata ng isda." Sabi ni Ella.

"Di rin napapanis yun--" Sabi Ecka.

"Malay natin, di lang natin napansin na may sore eyes pala yun." Sagot ni Ella. Naku naman. Napakamot nalang kami.

"Hay naku, ewan ko sayo Ella. Last mo na talaga yan ah." Sabi ni Sela.

Napatingin nalang ako kay Dana na tahimik lang sa gilid habang nakikinig ng music with her earphones on. Tila walang pakialam sa mga nagaganap sa mundo.

"Hay naku, mabuti pa magsimula na tayo. Andito na yung list of positions.." announce ni Abby.

CONFLICTED (PIKABABE)Where stories live. Discover now