Chapter 3

170 13 9
                                    

Dana's POV

KINABUKASAN

"You seriously told her that?." Sabi ni Sela. Maingay parin ang team. Kumakain kami ngayon at katabi ko si Sela. Malayo si Jem samin nakaupo pero wala akong pake kung marinig niya. Sino ba siya?.

"Oo. Witness ka naman diba? You saw her staring at me since day one. Pag uwi ni Tito di nako magdadalawang isip na ireport siya  para matanggal na siya dito. She's making this summer even worse than the previous ones."

"Grabe naman. Tinitigan ka lang may gusto na agad sayo?. Siguro ganun lang talaga siya."

"So kasalanan ko pa ngayon na maganda ako?."

"Oo naaa, maganda ka. Nasa lahi natin yan. Pero--"

"Ampon ka lang." Of course I'm kidding.

"Ay grabeee, ang sakit nun couz ah. Ang ganda ko kaya. San ka pa, not everyday makakakita ka ng ganto kaganda. Mula ulo hanggang paa." Flip nya pa sa buhok niya.

"Hindi. Dapat mula ulo mukhang paa."

"I hate youuu." hampas niya sakin. Napalingon ako at ayan na naman siya. Si Jem, nakatingin na naman siya sakin. I smirked at lumihis na siya ng tingin. Kunwari pato.

..

Jem's POV

"Ayan ka na naman. Bakit mo kasi tinitingnan? Yan tuloy napagkamalan ka pa. I heard pa naman na bawal yang ganyan dito. Jem, di ka pwedeng matanggal." sabi ni Ella.

"Alam ko naman yun."

"Si Kyla?." Nag-aalalang tanong ni Abby.

"Andun sa CR. Nagsusuka na naman." Sagot ni Gabb.

"Hindi kaya bunti--" sabi ni Ecka.

"Sira. Sinong ama? Si Jem?. Baka may nakain lang talaga yang masama or nalamigan lang." Sabi ni Sheki.

Pero mali si Sheki. Nalaman naming inaapoy ng lagnat si Kyla hanggang sa nahimatay na nga siya kaya dinala na namin siya agad sa hospital at tinawagan namin si Coach Rams. Dumating naman siya agad. Kausap niya ngayon ang doctor. Then mag-isa niyang kinausap si Kyla.

Sakay ng van ni Coach Rams ay hinatid nila kami sa bahay. Di niya kami kinausap buong biyahe.

Sa bahay.

"So I got a very important announcement for all of you. Kyla's condition is very risky right now because of her pregancy and fever." sabi ni Coach Rams.

"B-buntis po siya?." Gulat na tanong ni Belle.

"Oo. 2 months na. Kahit na gumaling pa siya sa sakit niya ay di narin siya makakabalik sa camp dahil sa pagbubuntis niya. Kaya may new rules sa team. Mahigpit kayong pinagbabawalan na magboyfriend. We can't take another risk that may iba pang mabuntis sa inyo. Bawal magpadalaw ng lalaki. Hindi narin kayo pinapayagang lumabas labas maliban sa pagogrocery. You can all go home on friday night and come back here on monday morning. And no phones allowed. Dana, I'll let you keep all their phones. Ibibigay mo lang to sa kanila kung may tatawag o magtetext, make sure it's not from a guy. Since wala na si Kyla sa team, mag-aassign ako ng bagong team captain. And Dana, ikaw narin yun. Saka since aalis na rin si Kyla ikaw na ang magiging bagong roommate ni Jem."

"A-ano?. P-pwede po bang iba nalang?. Kahit si Ella nalang po Coach." sabi ko.

"Well, patakaran na rito na makakashare ng team captain ang isa sa newbies ng room. Baka kasi pag si Ella ang roommate mo ay magkaroon ng sabwatan. The purpose of that is for advices and para masanay kang gumising at mag-ayos on time, to discipline you. Don't tell me may problema ka ukol dun."

"W-wala naman po."

"Then that's it. Sige na, I have to go. See you all in two days." Sabi ni Coach Rams at umalis na.

Andito nako sa kwarto, dinala narin ni Dana ang mga gamit niya at inayos ito sa lalagyan. Sobrang organized niya sa lahat ng bagay, at saka ang bango bango niya pa.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang naglabas ng measuring tape at sinukat ang kama namin.

"A-ano yan?. Anong ginagawa mo?."

"May mata ka naman diba? Don't you see?. I'm measuring the bed para equal ang distribution of space para satin." kumuha naman siya ng electrical tape at dinikit ito vertically sa bedsheet para magsilbing guide.

"One simple rule, pag lumampas ka dyan you're dead. Nagkakaintindihan ba tayo Caldejon?."

"O-oo. G."

"G?."

"Gets hehe. Remember? Kaw pa nga nagturo sakin nyan. Sige, goodnight." Sabi ko sabay higa facing in the opposite side.

Kaya lang biglang pinatay niya ang ilaw, including the lamp in her side of the bed. Napasigaw nalang ako.

Binuksan nya ito,

"What's wrong with you?." Tila naiiritang sabi ni Dana.

"P-pwede bang wag mo na munang patayin ang ilaw? Kahit yan nalang lamp shade buksan mo." Pakiusap ko sa kanya.

"Why?."

"Ano kasi eh ano uh--"

"You're scared of the dark? Tsk. Ano ka ba ha? Bata?."

"Bakit? Lahat naman ng tao may kinakatakutan ah."

"Sayang ang kuryente. We can't keep this on all night."

"E-edi patayin mo nalang pag tulog nako."

"So, ako pa ang mag-aadjust ngayon?. I can't sleep with the lights on kaya papatayin ko to sa ayaw at gusto mo."

Hindi ko na nga siya napigilan. Pinatay nya ang ilaw, dahil dun ay hindi naman ako nakatulog dahil sa sobrang takot.

KINABUKASAN

Kumakain palang kami inaantok nako hanggang sa di ko namalayang tuluyan na pala akong nakatulog.

"Jem wuy, gising." Gising ni Ella sakin pero sobrang pagod talaga ng buong katawan ko at pakiramdam ko malalaglag na ang mga mata ko dahil sa sobrang antok.

"Jem, gising. Ayan kasi, nagpuyat ka ba kagabi?." Sabi ni Abby.

Pero hindi ko na nasagot kasi nakatulog ulit ako.

..

Dana's POV

This girl is pathetic.

Nagjajogging na kami ngayon sa labas ng iba habang pinipilit parin gisingin nina Abby, Belle, Ella at Rans si Jem.

Sakit naman talaga sa ulo yung babaeng yun.

"Ikaw ah, pinuyat mo si Jem. Anong ginawa nyo ha?." Nang-iintrigang tanong ni Sela.

"Wala."

"Sure kang wala?. Baka naman nilason mo yun at kaya siya nagkakaganyan ngayon kasi she's slowly dying."

"Baliw. Oo, ayoko sa kanya pero di naman ako mamamatay tao no."

"So ano nga kasing nangyari kagabi?."

CONFLICTED (PIKABABE)Where stories live. Discover now