sls 21

318 9 0
                                    

Ewan ko kung anong mayroon ngayong araw, pero nakatambay ngayon sila Rash sa harap ng room namin. Walang klase since may meeting ang mga teacher. May mga hawak na musical instruments 'yong iba kaya mukhang may mini concert sila ngayon.

"Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang
Tulad mo ba akong nahihirapan
Lalo't naiisip ka
Diko na kaya pa pa kalimutan
Bawat sandali na lang"

This was the first time that I heard them sing in tagalog. Nasanay ako ng english ang kinakanta niya. Nakapikit si Rash habang kumakanta, but his body is facing my direction. Nagsilapitan naman ang mga kaklase ko para manood sa kanila.

"At aalis magbabalik
At uuliting sabihn na
Mamahalin ka't sambitin
Kahit muli'why masaktan
Sa pag-alis
Ako'why magbabalik
At sana naman"

"'Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at nang makita mo
Ang tamis ng sandali ng kahapong 'di magbabalik"

Halos mapanganga ako noong nag-iba ang kanta. Mashup. I didn't know na kaya nila 'to. The two songs that they used are my favorites.

"Hanggang kailan pa ba magtitiis?
Nalunod na sa kaiisip
Huling kapiling ka'y sa aking panaginip
Ikaw mula noon
Ikaw hanggang ngayon"

He looks calm kahit ang taas na noong notes nang kinakanta niya. Nakatitig lang ako sa kaniya. Watching him sing soulfully, with his eyes closed and his lips slowly moved as he sang the lyrics. I didn't know my heart could play the rhythm too. Every beat of it, pounds with the way Girbaud plays the beatbox.

"Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang maramdaman"

"At aalis magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman"

Woah. Iyan lang ata ang kaya kong sabihin ngayon. Pagkatapos ng kanta ay nagmulat na ng mata si Rash. It pierced directly through my eyes. He's still breathing deeply that made his mouth open slightly. He looks so ethereal. He looks like a dream, he feels like a dream.

Malakas na palakpakan ang ginawad ng mga kaklase ko sa kaniya. They deserve it.

"Okay ba, Astra?" tanong sa akin ni Creon. He even raised his two thumbs.

"It's good. Very good," I breathlessly said. Nagasi-apiran naman 'yong dalawa dahil sa sinabi ko.

In the midst of the crowd. With so many people clapping for them. They ask for my word. And when I answer, their faces made me overwhelm. They made it feel like none of them matters, that my word is more powerful than those claps.

"Verilla! Sino may sabing pwedeng magconcert ngayon? Hindi porke may meeting kami, nag-iingay na kayo diyan!" the moment of delight faded as soon as we heard that vicious shout.

Napangiwi na lang ako, sa lahat ng makakahuli talagang siya pa. Si Mrs. Sambe ang pinaka-kj na teacher dito sa buong G10. Ewan ba naman, pero kahit may asawa't anak na, parang laging menopause ang teacher na 'yan.

"Ma'am! Minsan lang naman e. Gusto niyo po bang kantahan namin kayo?" paawang wika ni Creon.

"Sorry, ma'am," two words from Rash, Mrs. Sambe's brows relaxed. Kung kanina ay halos magsalubong na sila, ngayon ay biglang naghiwalay. Biglang umamo ang mukha niyang kanina ay mukha nang mangangain ng kung sino.

One fact about Mrs. Sambe, despite of her vicious attitude. Rash is the only student who can tame her. Walang nakakaalam kung bakit, pero 'yon talaga ang napapansin ko. Ilang beses na din kasing nahuhuli ni Mrs. Sambe sila Rash, pero tuwing si Rash ang magsasalita magiging relaxed na siya.

Kumuyumos ang noo ko ng biglang lumingon si Rash sa akin at kumindat. He even flew a flying kiss. Mabilis naman siyang tumalikod na ikinanganga kong talaga.

Wtf? He? Did he really — Oh God!

"Did he just —" he leaves me dumbfounded. Wtf?

"Kyaahhhh!" nagsigawan naman lahat nang nakakita.

"Sissy, ano 'yon? May hindi ka talaga sinasabi sa akin e," alog sa akin ni Yanni.

"Sanaol, Astra. Sanaol!"

"Yanni, could you please?" mahina kong turan. Nahihilo na ako sa ginagawa niya. My mind can't even process Rash' action, tapos biglang aalugin niya ako ng ganito?

"Sorry, pero sissy. Bakit may pa-flying kiss? Kayo na ba?"

"I don't know," iling kong sagot sa tanong niya.

She pursed her lips into a pout. He even shot me glares that looks like I'm betraying her or something. Anong magagawa ko? Sadyang hindi ko naman alam kung anong mayroon sa amin dalawa.

He asked me to date, pero 'yon lang ang napagusapan namin. Wala na naman siyang ibang sinabi. Hindi ko naman kayang itanong sa kaniya ng diretso. Ayokong sabihan na assuming ako, but heck — that kind of action will really put me into delusion.

Sinong matinong lalaki ang biglang kikindat at mag-pa-flying kiss?

Maghapon akong bothered dahil doon. As much as I want to forget it, paulit-ulit siyang nag-pe-play sa utak ko.

"Sasabay ka?" tanong ko kay Yanni nang mag-uuwian na.

"May pupuntahan kami ni Tryon e. Next time," mabilis niyang sagot.

Hindi niya pa naayos ang mga gamit niya nang mabilis siyang tumakbo sa pwesto ni Tryon na kanina pa naghihintay sa kaniya. My eyes met Tryon's eyes. Ngumiti siya nang matipid bago tumalikod kasabay si Yanni.

Napahinga na lang ako nang malalim. Akala ko okay na. She seems okay, a while ago. Tapos ngayon bigla na lang siyang tumalikod sa akin.

"Astra."

"Hm," I answered bago humarap doon. Si Rash lang naman ang kilala kong tatawag sa akin gamit ang ganiyang boses.

"Let's go?" aya niya. Tumango ako sa alok niya at lumapit sa kaniya. Mabilis niyang inagaw ang bag ko. I was too mentally drained to fight with kaya hinayaan ko na sa kaniya.

"Something's wrong," he deeply said. Umiling lang ako kahut halata naman.

"Tara na. I want to rest," ngiti kong wika. I know my smile didn't reach my eyes this time.

"Galit ka ba... dahil sa ginawa ko kanina?" alanganin niyang tanong. Mabilis naman akong umiling.

"Hindi... may nangyari lang pagkatapos," iling ko.

"Uhuh. Then, rest later. Hatid muna kita," I'm glad he didn't push me to open up. Siguro dama niya din na hindi ko pa kayang mag-open up sa kaniya kaya hindi na niya pinilit. Guess, I feel somewhat grateful to that.

Hindi ko alam kung anong ikukwento sa kaniya. It just happened. Bigla na lang siyang nawalan nang gana na sumama sa akin. She just left me like that. Without any words left, only broken and empty promises.

Shining Like StarsWhere stories live. Discover now