sls 38

443 9 2
                                    

'Tarranza Coffee. 8AM. Let's meet.'

Text ko kay Rash. Just like how I adviced to Isha, I need to face him too. Maybe it's time for us to explain our sides.

'Okay, see you there.'

Napahinga naman ako nang malalim ng pumayag siya. Am I ready to open my wounds again?

Nagbihis na ako para hindi malate. Kahapon oa umalis si Isha, pero hanggang ngayon hindi pa din siya nakakabalik. Mukhang okay na 'yong dalawa. Kasi kung hindi uuwing ngawa nang ngawa si Isha.

I picked my simplest clothes. White lace long-sleeved dress, that ends 1 inch before my middle thighs. I clipped my hair to make it look neat and get my white sandals.

The car was already at the garage when I went out. Akala ko hanggang ngayon hindi niya pa rin naibabalik sa akin ang mga gamit ko. Nasa loob noon ang mga gamit ko na hindi ko na pinakialaman. Hindi niya naman siguro ako nanakawan.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko. The drive to Tarranza Coffee took half an hour, since may traffic sa may highway, mabuti na lang at maaga akong umalis sa amin kung hindi ay late na ako makakarating. Pagdating ko doon ay ginala ko muna ang mata ko, nagbabakasaling nandoon na si Rash. Napahinga na lang ako nang malalim ng mapagtantong wala pa siya.

Tumawag na lang ako ng waiter para umorder habang hinihintay siya. I sip on my coffee as I patiently waited for him, kinuha ko muna ang cellphone ko at nagbukas ng mga account.

"Astra," inangat ko naman ang ulo ko dahil doon. Yanni is standing in front of me. Holding someone's phone.

"Why are you here?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Ano namang kailangan niya?

"Let's talk."

"I need to talk with-"

"Rash, right? Hindi siya pupunta. He gave me his phone para hindi mo na siya makulit," she smirked. So, kay Rash ang cellphone na hawak niya kanina.

"Why are you really here, Yanni?" nagtitimpi kong sagot sa kaniya.

"Stay away from, Rash," madiing banta niya sa akin. I scoffed, then smirked.

"Why would I?" I playfully said to her, but pain is striking in my chest. Umiling naman siya at umayos ng upo.

"My fiance would appreciate it, if you can stop pestering around him," she leaned on the table, still smirking at me. She surely likes to mock me, hindi ko alam kung bakit naging ganito na siya.

"Your fiance? Since when, Yanni. Are you really sure? Baka mamaya nagdedeliryo ka na pala," patuya ko pang wika para lang hindi mahalata na nasasaktan ako sa sinabi niya.

"Astra, since when did I lie to you?"

"Noong sinabi mong panghabang buhay ang pagkakaibigan nating dalawa," I coldly said. Nawala naman ang ngiti niya dahil sa sinabi ko.

Caught you, bitch.

"Do you think maniniwala ako sa 'yo? You practically flagged that you have Rash' phone. Sana naman hindi mo pinahalata para walang butas 'di ba? And Rash wouldn't kiss me if he's committed to you, my desr best friend," namula naman ang mukha niya sa sinabi ko. Mukhang siyang sasabog na bulkan.

I caught her on her own trap huh.

"Kailan ka naman niya hinalikan? I was always there kaya sure akong hindi ka pa niya nahahalikan," nanggagaliti niyang wika. Kinuha ko naman ang cellphone ko at pasimpleng pinindot ang record button.

This will be a big show.

"So you admit that you're guarding him?"

"O-of course not. Naninigurado lang ako," she stuttered. I smirked before continuing on provoking her.

Tingnan na lang natin kung anong tea ang kaya niyang i-spill ngayong araw. If Isha's conclusion is right, then I'll do everything to know the reason for it.

"So, wala kang tiwala sa 'fiance' mo?" pagdidiin ko pa sa salitang fiance. Kung kanina lang ay siya ang nakangiti nang tagumpay ngayon ay hindi na siya magkamayaw para lang maitanggi lahat ng conclusion ko.

That's how powerful words are. Konting twist lang, madami nang pwedeng masira sa buhay mo.

"T-that's not true! Sa 'yo ako walang tiwala!" mabilis niyang sagot. Napailing naman ako at muling ngumisi.

Sa akin pa talaga siya walang tiwala huh.

"Then... how did you know we didn't kiss. Are you really sure you guarded him well?" natawa naman ako nang magsimula na siyang magpanic. Oh god, ang tanga niya.

Naniniwala ba talaga siyang nakipaghalikan ako? Muntik lang naman e. Same old, Yanni, same old. She may look fierce, but she's gullible.

Pinanood ko lang siyang mag-isip. Ang tagal naman niya. Mukhang nagduda na siya sa sarili niya.

"Do you love him?"

"Of course!" mabilis niyang sagot sa tanong ko.

"Then why are you doing that?" paawa kong tanong sa kaniya. Mas lalo namang lumalim ang pagkakakunot ng noo niya.

"Did what?"

"Why did you cause thay fight? Don't you love him at all," mabagal kong binigkas ang mga salita habang unti-unting pinapasok niya sa utak niya ang mga sinasabi ko.

It was easy to get evidence from James, but it easy for her to deny it all. Lalo na kung wala kaming sapat na ebidensya. Facts can be easily twisted nowadays. Hindi naniniwala ang tao sa simpleng salita. You need something to back up your claim.

"What do you mean? Hindi ko naman sinasadya, I didn't know James sill provoke Rash. Bobo kasi ang lalaking 'yon, sabi nang kunin palayo si Astra, pero sinaktan niya ang fiance ko," tuloy-tuloy niyang paliwanag sa akin. Napangiti naman ako nang tagumpay at pasimpleng pinatay ang recording.

Huli! The big fish has been caught in the bait and is now ready for the grilling part.

"What did you just say?" painosente kong tanong sa kaniya. Napako naman siya sa kinatatayuan niya.

"Yanni, yanni, yanni. Sa lahat ng taong mas nakakakilala sa 'yo, ako 'yon. I grew up with you, but you prefer to steal my man. Sigurado ka bang masusuklian ng 'fiance' mo ang pagmamahal mong 'yan? If so then, think twice, because you aren't me," madiin kong pangungutya sa kaniya, "One more thing. Make sure na wala kang alam sa nangyari sa akin noon. I'll surely turn hell upside down just to find you, Yanni. Sa lahat ng taong pwede, huwag sanang maging ikaw."

Tumayo na ako at aalis na dapat ng bigla akong naalala.

"Before I forgot. I need to get my man's phone. Baka kung ano pang gawin mo dito," I flip my hair sith class before walking my way out of Tarranza.

Suot ang matagumpay na ngiti at hawak ang cellphone ni Rash ay masayang lumabas ako sa Tarranza. Siguraduhin lang niya na wala siyang kasalanan. Dahil hindi niya magugustuhan ang gagawin ko o ang gagawin ni Rash kapag nalaman niya 'yon.

Dinial ko na ang number ni Rash na ginagamit niya para i-text ako. I tried to contact that number kanina, pero hindi man lang nagring kaya ko nakumpira ang hinala ko.

"Let's meet. My apartment," mabilis kong wika at pinatay na ang tawag. Alam naman niya kung nasaan e. Siya na mag-adjust. Sinayang lang ng babaeng 'yon ang oras ko.

Shining Like StarsWhere stories live. Discover now