sls 36

421 11 1
                                    

Nag-unat naman ako nang mapansin lagpas na namang oras ng kain ko. These past few days, lagi na lang ganoon ang nangyayari sa akin. It's either late ako kakain o hindi na ako kakain.

"Eat first," nagulat naman ako biglang nasa harap ko na si Rash na may hawak na food container. Kinuha ko naman 'yon at binuksan.

"Carbonara!" bulalas ko nang makilala ang amoy ng nasa loob. It's been so long, ang tagal na noong huli akong kumain nito.

"Luto mo?" excited kong tanong sa kaniya at mabilis na sumubo. His carbonara was really the best except form my mother's dishes. Tumango naman siya at pinanood lang akong kumain.

"Pero seryoso, ano ngang gagawin mo kapag naikwento ko na sa 'yo lahat?" hindi ko talaga mapigilang hindi itanong sa kanya 'yon, "Can you handle it?"

Ako nga halos maluka na noon e. Siya pa kaya, ano kayang gagawin niya? Will he fight for me or he'll deliberately ignore me? What if pandirihan niya ako? What if hindi niya ako matanggap? What if hindi na ako ang mahal niya at gusto niya lang malaman kung bakit nagkaganoon kami? What if sila talaga ni Yanni?

There's so many what ifs running into my mind now. Countless of question that I can't seem to ask him directly, 'cause I'm a coward. I'm afraid I will crumble again when I hear his answers.

Matapos niya akong tawaging baby ulit last time, ganoon ba siya lagi? Did he really mean it, o ginawa niya lang 'yon para kumalma ako.

"Bakit ba ayaw mong sabihin. Ano ba kasing pinagdaanan mo noon. Nag-aalala si Yanni sa 'yo," pains struck my chest when he mentioned Yanni. Iyon ba ang dahilan kaya gusto niyang malaman? Kasi hindi matahimik si Yanni?

"Iyon ba ang dahilan? Kaya gusto mo akong magpaliwanag?" mapait kong tanong sa kaniya. Umiling naman siya ngunit walang salitang lumabas sa bibig niya ng mga oras na 'yon na kumukumpirma sa tumatakbong ideya sa utak ko.

Baka nga totoo. Hindi na ako ang mahal niya, pero heto ang puso kong tanga. Patuloy pa din sa pagtibok, pagtibok na paulit-ulit nagpapasakit ng puso ko.

"Wife," napako ako sa kinatatayuan ko nang makilala ang boses na 'yon. Mabilis kong naramdaman ang pagnginig ng mga kalamnan ko.

"Wife, get ready."

"You really smell good, Astra. Napakasarap."

"Akin ka lang, Astra. Hinding-hindi ka na niya tatanggapin pang muli."

Paulit-ulit na bumalik sa utak ko lahat. Hindi maari, matagal na akong nakipaghiwalay sa kaniya. Paano niya ako nahanap. Napaangat ang tingin ko nang maramdamang may humawak sa at pumisil sa kamay ko.

"R-rash," nanginginig kong bulong, pero wala akong narinig na tunog mula doon. Ngumiti naman siya sa akin, ang ngiting dati nang nakapagpaalis ng nga problema ko.

"Who are you talking to, Mister?" Rash coldly asked at tinago ako sa likod niya. Mabilis kong dinukdok ang ulo ko sa likod niya para hindi na magtagpo pa ang mata naming dalawa.

"My wife. We're going home today," rinig kong wika ng demonyo. Sa ngayon paniguradong nakangisi na siya. Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa mga kamay ni Rash. Walang salita nang kayang lumabas sa bibig ko ngayon, puro luha lang. Luha dahil sa paulit-ulit na bumabalik ang mga pambababoy niya sa akin.

"You're wife isn't here, Mister. Pwede ka nang umalis. You're trespassing," madiin wika na Rash na para bang pinapahiwatig kung ano ang kaniya.

Kasali ba ako doon? Kaniya din ba ako at akin pa din ba siya?

"Rash, right? Do you think she's as pure as what you think she is?" doon na sumabog ang pasensiya ko.

I've been putting up with him for almost all of life. Hindi na ako papayag na maapektuhan niya ako ng ganito. He's a demon, but a demon can be slain.

"You! Dirty shit! Shut the fuck up!" malakas kong sigaw. Ngumisi naman siya nang nagtagpo ang aming mga mata. Tinaas niya pa ang kamay niya na para bang inaaya ako sa isang yakap na talagang nagpainit ng dugo ko.

"Astra, don't akong bahala sa kaniya," mahigpit akong pinigilan ni Rash habang nakatingin nang masama kay James. Malungkot, pero mapaglarong binaba ni James ang kamay niya at hinintay na makarating sa harap niya si Rash.

Nagtatakang tumingin naman ako sa kanila ng biglang mau binulong si James kay Rash na lalong nagpalaki nang ngisi niya. Nagulat na lang ako nang makitang tumilapon na papalayo si James dahil kay Rash.

Nagngingitngit na sumugod si Rash kay James at pinaulanan siya ng suntok.

"Putangina mo! Hayop ka!" madidiin at paulit-ulit na sigaw ni Rash habang nagpapakawala ng malalakas na suntok sa mukha ni James. Hindi naman nakalaban si James doon, lupaypay lang niyang tinggap ang mga suntok.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita si Rash na nagngingit sa galit. I can't move my feet, para bang ako ang susunod niyang sasaktan kapag ginalaw ni isa man sa daliri ko. Hindi ko alam kung ilang oras bang sinuntok ni Rash si James hanggang sa umawat na 'yong mga trabahador sa kanilang dalawa.

Napahakbang ako pabalik nang biglang tumingin si Rash sa akin. Hingal na hingal siya habang may mga dugo pang nakadikit sa kamao niya. Unti-unti siyang lumapit sa akin, dahilan para mapahakbang din ako pabalik.

Pain flashed through his eyes as he watch me walk my way away from him. Hindi ko alam ang gagawin ko. Siya. 'yong ginawa niya kanina, kayang-kaya niya 'yong gawin kahit kanino kapag galit siya.

"Astra," nagsusumaong niyang bulong sa pangalan ko, pero umiling lang ako at inipit ang hikbing gustong kumawala sa mga bibig ko. Humakbang lang ako nang humakbang palayo sa kaniya.

"Astra," mabilis akong tumakbo nang makilala kung sino ang tumawag sa akin. Hindi ko alam kung bakit nandito si Isha, pero siya ang kailangan ko ngayon.

"Isha," nagsusumao kong tawag sa kaniya. Mahigpit niya akong niyakap at pilit na pinapatahan.

"What happened? Iniwan lang kita saglit, duguan ka na agad," dinig kong tanong ni Yanni na mas lalong nagpahigpit sa pagkakayakap ko kay Isha.

"Fuck off," madiin at malamig na wika ni Rash bago ko narinig ang mga galit niyang yabag palayo sa amin.

"Shh, ipapakulong natin ang hayop na 'yon, Astra. Akong bahala," masuyong bulong ni Isha sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang paglamon ng kadiliman sa akin.

"Will she be okay?" nagising naman ako sa mahinang pag-uusap na narinig ko sa aking tabi.

"Don't worry, she just fainted. Matagal na din kasing iniinda ni Astra ang lahat. I just really hope, na huwag mo siyang sasaktan, Rash. Sapat na ang pinagdaanan niya noon. Huwag mo nang dagdagan pa," nagsusumaong turan ni Isha pagkatapos ay naramdaman kong may pumisil sa mga kamay ko.

"I never knew. Ang tanga ko, dapat hinanap ko siya noong nawala siya. My pride eat me up," regret laced in Rash' tone when he said those words.

Alam na ba niya? Sinabi siguro ni Isha sa kaniya.

"Isipin mo lang sanang mabuti. Hindi naman biglang dadating si James out of nowhere. Ilang taon na silang hindi nagkikita ni Astra, imposibleng bigla na lang siyang magpapakita ng ganoon. Thankfully Astra's assistant called and told me what happened kaya nakadating ako kaagad."

So, that's why. Kaya siya nandoon kanina, pero anong pinag-uusapan nilang dalawa? Does it mean may nagpapunta talaga kay James doon, pero sino?

Please not her, please not Yanni.

Shining Like StarsWhere stories live. Discover now