Chapter 20

368 16 1
                                    

Chapter 20

Nagising ako nang may tumunog sa cellphone ko kaya agad kong tinignan dahil narinig ko na parang may nagtext.

"Goodmorning beautiful" text ni renz

"Goodmorning gorgeous" text ni enzo

Napa-iling nalang ako ng mabasa ko yun.

Grabe kailangan pala talagang sabay sila magtext?

Agad naman na akong bumaba at naabutan sila mama at kuya na nasa sala.

Tila ba may ibig sabihin ang ngiti saakin ni mama

"Goodmorning ma"

"Goodmorning kuya" bati ko sakanila

Pero ni-isa sakanila walang sumagot

Nagtataka akong tumingin sakanila dahil ba parang meron silang nalaman saakin na tinatago ko or...

"Maa?" Nagtataka kong tanong

"Anak magtapat ka nga saakin" malambing na tanong ni mama

"??" Senyales ko

"Anak may pumoporma na ba sayo?" Dahan dahang tanong ni mama

Habang si kuya ay nasa gilid at tila ba nang aasar gamit ang mukha niya.

Nang marinig ko naman ang tanong ni mama ay agad naman nanlaki ang mga mata ko.

At kasabay nun ang pagkagulat sa mukha ko

"Ahh ma" nag aalangan kong sabi

Pano ko ba kasi sasabihin na dalawa ang nanliligaw saakin

"Ah ma kase ano.. dalawa kasi sila na umamin" nahihiya kong sabi

Tumawa lang sila at tila ba parang walang pake.

"Ok lang yan kapatid" sabi ni kuya

"Oo ok Lang yan...alam narin naman namin" sabi ni mama

Bakas sa mukha ko ang pagkagulat dahil hindi ko inaasahan na malalaman nila ng Hindi ko sinasabi.

"Ha?! Pano nyo po nalaman"gulat kong sabi

"Kaninang umaga nagpunta dito ung dalawa at nagpaalam saamin ng papa mo"

Habang nangaasar parin si kuya sa likod

"Gigisingin ka sana namin pero sabi nila wag na kase mukhang puyat ka kagabi" sabi ni kuya

Natulala nalng ako dahil sa nalaman ko

Hindi ko inaasahan na sila ang magsasabi sakanila pero wala na nasabi na eh

Nang matapos kaming kumain ay lumabas muna si mama.

Si kuya naman ay inaya na magbasketball ng mga tropa niya.

Kaya naiwan ako mag isa sa bahay at tatlong araw nalang din ay exam na namin

Kaya kahapon palang ay puspusan na ako sa pag-rereview.

Tinaggal ko muna ang mga problema ko para makapag-focus ako sa ni-rereview ko

Sa sala na ako nag-review tutal wala namang tao kundi ako Lang

Halos dalawang oras na rin ako nag-rereview ngayon kaya nag-pahinga muna ako kahit sandali.

Nagpunta muna ako kila nathalie para makipag-kwentuhan

"Psst" sitsit ko sakanya

"Oh kala ko nagrereview ka? Malapit na exam mo ah" tanong ni nath

"Ah katatapos lang" sagot ko

"Ah ganun ba eh lovelife mo?" Tanong niya sabay tingin saakin ng nakakaloko

"Ano nanaman ba yang tingin na yan?" Tanong ko

"Wala"

"Eh ikaw kamo kamusta lovelife mo!" Pasigaw kong sabi dahil wala namang tao

"Ah wala....wala na"

"Weh"

"Oo hindi na marupok toh" sabay turo niya sa sarili

Nagtawanan lang kami hanggang sa may dumaan na ice cream

"Ice cream!!" Sigaw niya na parang bata

Bumili kami ng tig-isa naming ice cream sa nagtitinda at tsaka bumalik sa inuupuan namin.

Nang may humintong puting sasakyan sa harap namin

Sabay kaming napatayo kaming dalwa ng may bumaba doon.

Tinaggal niya ang shades niya at dun ko nkita ang mukha niya

_

Magic In A PhotographWhere stories live. Discover now