Chapter 23

316 18 0
                                    

Chapter 23

Eto na ang araw na pinakahihintay ko.

Nagdasal Muna ako sa kwarto ko para humingi ng gabay kay lord na bantayan ako mamaya.

Nang matapos ako magdasal agad naman akong bumaba para salubungin sila.

"Ready na!" Sigaw ni kuya

Habang si mama at papa nakupo sa sofa.

"Goodluck nak ha wag kalimutan mag dasal" payo ni mama.

"Goodluck nak, pagigihan mo!!" Sabi naman ni papa.

"Oo pa, team garcia to" sabay taas ng bisig ko.

Nagtawanan kami sandali at lumabas na rin ako ihahtid sana nila ako sa labas pero tumangi ako.

Pag labas ko may nakita akong isang bouquet ng bulaklak, hindi ko muna kinuha iyon bagkus lumabas ako ng gate at sumilip.

Pagsilip ko sa kanan ay may nakita akong kotse na parang kakadaan lang.

Kaya pumasok na ako at tinignan ung bulaklak.

Tinignan ko kung may card iyon, at meron nga.

Goodluck sa exam mo, galingan mo! Always here for you miss gorgeous

"Hindi man lang nilagay kung kanino galing" bulong ko.

Kinuha ko yung card at iniwan ang bouquet sa may upuan malapit sa pintuan.

Inilagay ko sa bag ung card at nagsimula ng maglakad papunta ng sakayan ng dyip.

Pero may isang itim na sasakyan ang huminto sa harap ko.

At hindi pang isang sasakyan ang dumating kundi dalawa.

Pagbaba ng driver ay nakita ko agad kung sino sila

"Jusqo po eto nanaman sila" sabi ko.

"Hatid na kita" sabay nilang sabi.

At dun sila nagkatinginan.

"Ah hindi na eto na yung dyip oh"

"Oh isa nalang isa nalang" sigaw nung driver ng dyip

"Oh ikaw miss sasakay ka?" Tanong sakin nung driver ng dyip

Nag-alinlangan ako pero sa huli ayun parin ang desisyon ko.

"Ah opo sasakay po ako sandali" sabi ko sa driver.

"Ah sasakay na ako ha" paalam ko sa kanila

Tumangi ako sa kanilang dalawa dahil ayaw kong magkagulo

Dahil kapag nagpahatid ako sa isa sa kanila tiyak na may magaganap.

Ako ung huling sumakay ng dyip kaya ako yung nasa may pintuan ng dyip.

Nakita kong unalis na si renz kaso si enzo hindi pa rin sumasakay sa kotse niya.

Pinatunog na ni manong yung dyip nang biglang humawak si enzo sa hawakan ng pintuan at dun nagsalita

"Manong ingatan niyo po itong pasahero niyo ha! Mahal ko po yan" hirit niya

Nagtinginan saamin yung mga ibang pasahero na may kilig sa mukha nila

At ang iba naman nagbubulungan pa habang kinikilig.

"Tumigil ka nga!" Bulong ko sakanya.

Napangisi nalang siya.

Umandar na ang sasakyan at sumakay na rin siya sa kotse niya.

Kumuha na ako ng pera sa bag at dun magaabot ng bayad.

"Manong i love y-, ayy mali" napakamot nalang ako sa batok ng masabi ko yun.

"Manong bayad po" suyo ko

Nagtinginan sakin yung mga pasahero nang nakangiti.

Napangiti nalang ako ng maisip ko ang mga nangyare.

Pumara sa ako sa driver at dun bumaba, nasa tapat na ako ng school at pumasok na.

_

To be continued...

Magic In A PhotographWhere stories live. Discover now