Chapter 34

343 13 3
                                    

Chapter 34

"Grabe ang dami na talagang pinagbago ng lugar na to no?"

"Ah opo halos buildings na nga rin po ang mga nandito eh" pagsang ayon ko.

Dumeretso na kami condo na kinuha niya nung nasa singapore palang kami.

Nagrequest siya saakin na samahan ko siya sa condo niya, at pumayag na rin ako bilang pasasalamat sa mga nagawa niya para sakin.

Nang makarating kami sa labas ipinapasok na niya ang mga gamit namin.

"Ah ate aalis po muna ako babalik ako mamayang hapon" sabi ko sakanya.

"Ah sure san ka ba pupunta?" Tanong niya.

"Sa bahay po isusurprise ko po sila hindi po kasi nila alam na nakauwi na ako eh" sagot ko.

"You want me to come with you? Para makilala ko rin ang family mo"

"Sure po kayo?"

"Yes wala din naman akong gagawin so.."

Sumangayon ako sa gusto ni ate, pumasok na muna kami sa condo para ilagay sa loob ng kwarto yung mga gamit namin.

Pagkatapos nun ay bumalik kami sa baba para dumeretso sa bahay.

Pagdating namin sa bahay, tinignan ko agad ang kabuuan nito, wala paring nagbago.

"Eto na pala bahay niyo, ang ganda ng pagkakagawa" puri niya.

"Salamat po"

Pumasok na kami at naabutan ko si kuya na nasa sala at nagcecellphone.

"Mamaaaa" sigaw niya.

"Paaaaaa" sigaw niya pa.

Niyakap niya ako ng mahigpit at dun ako binulungan.

"Pasalubong ko nasan na?"

Hinampas ko siya sa tiyan at dun siya tumawa.

"Eto naman nagbibiro lang"
                                                                    
"Ano ba yun ha bakit ka sigaw ng sig-"

"Anakkk!!" Nasasabik na sigaw ni mama.

"Hindi ka man lang nagsabi na uuwi kana, at may kasama ka pa"

"Hello po, im angel"

"Nice to meet you" sabi ni mama.

"Ah ma siya pala yung nagasikaso saakin sa ibang bansa, parang ate ko na nga eh, at siya rin ung teacher ko" bulong ko.

"Ay salamat ha at inalagaan mo ang anak ko nung wala kami sa tabi niya" pasasalamat ni mama

"Ah wala po iyon, mas malaki po ang naitulong niya saakin" sabi niya.

Nagkwentuhan kami ng sandali at nagpaalam na ako sakanila.

"Ah ma alis na po kami, sasamahan ko po kasi siya sa condo niya ng ilang araw"

"Oh sige magiingat kayo ha"

"Opo" sangayon namin.

Bumalik na kami sa sasakyan at pinaandar na ito ng driver papunta sa condo.

"Grabe ang bait ng family mo no?" Puri niya.

"Ah opo ganun po talaga sila"

"Kaya pala ang bait mo rin, napalaki ka nila ng maayos" sabi niya sakin.

Bago kami tuluyang bumalik sa condo, naggrocery muna ng iilan si ate para pang stock sa unit.

Nang matapos ay dun na kami bumalik sa unit.

"Thank you erica ha"

"Thank you po saan?"

"Kase dahil sayo makikita ko na yung kaptid ko"

"Ah wala po yun at tsaka nag text po sakin si nathalie, na may celebration daw po bukas si enzo dahil birthday niya"

_

To be continued...

Magic In A PhotographWhere stories live. Discover now