TWELVE

2.2K 91 9
                                    

(DEXTER'S POV)

Andito kami ngayon sa pribadong opisina ni Sandro sa Mansion nya, dahil kahit ayaw nya man, wala syang ibang magagawa kundi magexplain....

"Who is the woman named Dominica??" Pakawala ko kaagad ng tanong. Habang ang dalawa na sina Vanilli at Exael ay nanatili lang na tahimik.

"My wife." simpleng tugon lang ni Sandro na parang yun na ang pinaka-obvious na sagot sa lahat.

"Seryoso? Ikinasal ka na talaga?" Di makapaniwalang tanong ko ulit. Grabe.. grabeng rebelasyon to.

Hindi na kumibo si Sandro kundi ipinakita nya lang ang kanyang ring finger na may suot suot ngang gold ring. T*ngina seryoso na ba talaga sya. Okay lang na inlove sya pero yung ikasal? Goodness.. Its not good for us, actually. To costa nostra, because having a queen means a weakness for a Mafia Boss.

Love is the reason why other Mafia Family just vanished.

"Pano? Paanong nangyari?" Biglang nasambit lang ni Vanilli. Napansin ko kanina pa sya balisa.
Simula ng makaharap namin ang asawa ni Sandro.

No doubt about her beauty, sobrang ganda talaga neto.. Pero there is something more about her. and she looks familiar, very familiar. Saan ko nga ba ito nakita... hmm.

Napansin ko namang nagtititigan lang sina Sandro at Vanilli.. As if they have there own language na sila lang nagkakaintindihan.

"I save her life... a year ago."

a year ago? save? si Alesandro Estevan nagawang magligtas ng isang tao? This woman must be something more talaga.

"Eh bakit mo sya itinago, Sandro? Bakit? hinahanap na sya ng pamilya nya.. at alam mo yan. alam na alam mo yan." Napatayo na si Vanilli sa kanyang kinauupuan at naging mataas na rin ang boses neto. Omo. Wait..

"Do you know her, Van?" Biglang tanong ko na lang na ikinatikim ko ng pagbatok kay Exael.

"She is Dominica Falcon, the missing daughter of Sen. Falcon" Sambit naman ni Exael na may himig pa na parang obvious na obvious na yun, at ang tanga ko lng para di malaman yun. Pero shit!

Bigla kong kinuha ang phone ko and I looked for it in the internet. And shit talaga! Oo nga. Magkamukha sila, the Dominica, Sandro's wife and the Dominica, Sen. Falcon's daughter.

Kaya napatingin ako kay Sandro na napadako din ang cold stares neto sa akin.

"You abducted her?" ewan kung bakit yun na lang ang lumabas sa bibig ko. Pero inirapan lang ako ni Alesandro at binatukan ulit ni Exael.

"Tanga ka ba o sadyang tanga ka lang talaga, Dex? Sandro saved Dominica Falcon a year ago, I think its the bombing in Falcon University, right dude?" Sambit nito sa akin at napatingin naman sya kay Sandro pertaining to him his last question.

"Yeah.." simpleng naging tugon lang ni Sandro kay Exael.

Okay, its getting clearer and clearer.

"Eh bakit kailangang pakasalan mo pa sya, dude?"

At hindi ko na naman napigilan ang bunganga ko na sumabat. Kasi diba? Gets ko na yung kung bakit andirito sa puder nya ang babae. Pero bakit kelangan may maganap na kasal? Lalo na at alam na alam ni Sandro na magiging kahinaan lang nya ito para sa mata ng ibang Mafia Family.. Ngayon pa na hindi lang ang grupo ni Sen. Fontanilla ang kalaban namin kundi marami pa, dahil ang Costa Nostra na ngayon ang leading group not just here in England, Britain and Russia but also in North America and now we are getting back again in Asia kaya gusto na ni Sandro na pabagsakin ang La Familia, so that he can rule the world.

"Oo nga Sandro.. Why need a ring? And is she....." Dugtong pa ni Vanilli pero hindi na nya natapos ang sasabihin dahil sumabat na kaagad si Sandro.

"She had an amnesia.. and I need her.. I need her as my ace card to ruin Sen. Fontanilla.."

And after he said that.. di ko alam kung anong nangyari, ang bilis. Pero isa lang ang obvious... Vanilli just punched Alesandro in the face. T*ngina!

Susuntukin pa sana ulit ito ni Vanilli ng pinigilan na namin siya ni Exael. Hindi umilag si Sandro kaya napuruhan talaga ito sa panga.

"Gago ka! T*ngina mo, Sandro! Pinaglalaruan mo si Dominica dahil lang sa paghahangad mo na makapaghiganti kay Fontanilla! You are using her!" Bulalas pa ni Vanilli, he's mad.. Kaya pinilit namin syang mapalayo kay Sandro.. Sandro is a mad beast afterall. He is the devil in diguise, kaya mahirap syang mapuno. He can do things that no one can handle.

Nang mailayo namin ng kaunti si Vanilli ay ganun din ang pagtayo ni Sandro. He looks at us with his cold eyes and deadly stares.

"You dont know anything. So you better get out of here. And don't you ever meddle again between me and my wife. I will handle everything about Dominica Falcon..... Estevan."

And after he said those words, lumabas na sya ng kwartong iyon. Leaving us hanging there... with a rope of questions...

********************************

(VANILLI'S POV)

She looks happy... very very happy. Parang sobrang gaan ng mukha nyang nakangiti habang nasa bisig sya ni Sandro. They are playfully talking in the garden while me over here just looking to how happy she is with him.


Gusto kong malaman ang totoong plano ni Sandro kay Dominica at sa relasyon nila. I feel it, it's not just to use her as an ace card against Fontanilla's games, cause there is more like.................. a feeling? Is he also inlove with her?

Para akong mababaliw sa mga tanong na tumatakbo sa aking isipan... I want answers but I know Sandro too well, He is not an easy man to read with. He keeps his emotions like a dark secret that no one should know nor discover. Ganyan sya ka-komplikadong tao sa lahat.

Nakatayo pa rin ako dito habang nakatanaw sa kanila nang maramdaman ko ang pagtapik ng isang kamay sa aking balikat, it's Exael. He also stand by my side and looked straight to the couple in front of us.

"You love her, right?"  Biglang sambit neto na ikinatahimik ko lang. I dont want to admit it to him. But yes, I love Dominica Falcon since the day I first met her.

"Paano mo naman nasabi?" Tanging naisagot ko lamang.

"Sino bang gago at tanga na uutang ng pera kahit di naman kailangan para lang magkaroon ng communication sa taong mahal nya?" nagulat ako sa isinambit ni Exael. T*ngina paano?

"How did you?" 

"Dude.. ganun ako kagaling sa analysis. Kaya nga ako ang utak ng Costa Nostra eh. si Dexter lang talaga ang di ko alam kung may utak nga ba yung hunghang na yun." Natatawang sambit lang nito. hayss.

"Pero no offense, dude. Mukhang mas malalim pa ang dahilan ni Sandro kaya nya itinatago rito sa lungga nya si Dominica. And I know you already knew it." dugtong pa nya.

Oo, di ko lang ramdam kundi nakikita ko pa sa mga gestures nya. How he caress her hair with tenderness, how he kissed her forehead with respect, and How he look at her with love. It's visible to his actions na naipapakita lang ni Sandro kapag sila lang ang magkasama at nagagawa nya lang para kay Dominica. Hindi nya siguro ramdam ang presensya namin kaya nailalabas nya ang mga bagay na iyon.


"It's bad, man.."

Yeah, masama talaga ito dahil ako dapat ang source ng happiness ni Dominica at hindi sya. But damn it! I cant just hate my bestfriend lalo na at nakikita ko ang saya sa mukha nilang dalawa.

"I think our Cold Hearted Mafia Boss.. Alesandro Estevan already found her precious treasure, that we should also protect, dude."


CRY OF RELEASEWhere stories live. Discover now