Chapter 2

11 0 0
                                    

Restday ko ngayon kaya naglaba muna ako, hays ito 'yong mahirap kapag malayo sa pamilya, imbes na restday-laba day. Binabrush ko ngayon 'tong basahan ng mag ring ang phone ko.

"Kamote! Tara gala! Diga'y RD mo ngay-on?" Bungad ng boy bestfriend kong si Topher.

"Ay wooow 'yan tayo! Sandali at ako'y naglalaba. Sunduin mo 'ko mga 1 pm!" Nakangiti kong sabi

"Ge! Dine sa bahay madame pang labahen ineng, baka ika'y sinisipag?" Tumatawang sabi nito

"Ewan sayo! Ge bye!"

Minutes later...

Nandito kami sa Waltermart.
Madami akong tinuro sakanya.

"Aba! Wala akong pera!"

"Ba'y sino bang ng istorbo sa laba-day ko ngayon? Baka naman? Kamote ka!" Yamot na sabi ko.

"Ewan sayo!" Sabi n'ya at hinila ako papasok sa Greenwich.

Tabing-dagat

Ito ang madalas galaan namin ni Topher. Malakas ang hampas ng alon ngayon, palibhasa'y alas kwatro na ng hapon.

"Oh ba't nakasimangot ang kamote ko?" Tanong ni Topher sakin.

"Alam mo 'yon Top? 'Yong sobrang bigat ng pakiramdam mo, wala namang dahilan pero- hays. Nevermind! Haha"

Tumingala siya sa langit tapos ngumiti.

"Kasi may mga bagay kang iniwan na hindi pa settled. Nage-gets mo ba? 'yong parang mantsa sa damit tapos binilad mo na sa araw?"

"Ewan sayo Kamote! Masyadong malalim... Dili ko masisid uy!"
Biro ko sakaniya.

"Tara na hatid na kita sainyo. Mag pray ka lang kamote! Walang mawawala sayo"

Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

I'm BlessedWhere stories live. Discover now