Chapter 9

4 0 0
                                    

5 months later...

Napadalas ang pag labas-basas namin ni Xavier.
Sa mga araw na nagdaan, hindi naging mahirap sakin na pakisamahan sya.

***

"Okay na ba ang lahat?"
Sabi ng supervisor kong si Leslie.

Um-oo naman ang lahat kaya nag patuloy na ang Van na sinasakyan namin.

Pupunta kami sa isang exclusive beach dito sa Batangas para sa Team building.

20 mins lang ang layo nito kaya mabilis kaming nakarating dito.

"Bago ang lahat mananghalian muna tayo." Sabi ni Ma'am Leslie.

Madaming pagkain ang nakalagay sa mahabang dahon ng saging. May inihaw na tilapia, barbecue, adobong pusit, fried chicken, merong kare-kare, at inihaw na hipon. Meron ding pakwan at hilaw na mangga.

Whuuuuu! Mapapalaban ako nitoooooo!

Agad kaming kumain, pagkatapos nag swimming ang mga kababaihan at nag-inuman naman ang mga kalalakihan.

"Alexa, Gissele, Mae! Ikutinn natin tong resort. Mukhang magandang mag selfie-selfie do'n sa dulo.
Aya ko sa tatlo kong ka trabaho.

Nasa may bandang batuhan ako ng mapansin ko ang pigura ng isang lalaki.

Burn? Bakit siya nandito?

Bakit kaya nandito yang ex ko? Tatalikod na sana ako ng bigla nya kong tawagin.

"Burn, anong ginagawa mo dito?" Walang ganang tanong ko. Nawalan ako bigla ng gana at bumalik ako sa nakaraan. Naninikip ang dibdib ko.

"Kamusta ka na?" Tanong n'ya sakin. Nakikita ko sa mga mata nya ang pagmamahal sakin.

Gusto kitang halikan, yakapin at kausapin... I'm sorry...

"Okay lang ako. S'ya nga pala mauuna na 'ko."

Aalis na sana ko ng hilahin nya 'ko at mahigpit na niyakap.

"Handa kitang patawarin sa lahat Blee... Bumalik ka lang sakin." Umiiyak na sabi n'ya sakin.

Gusto ko syang yakapin pabalik at sabihing mahal na mahal ko sya...

Pero paano si Xavier?

I'm BlessedWhere stories live. Discover now