Chapter 4

13 0 0
                                    

Isang costumer ang pumasok, kaya binati ko agad ito.

"Mas maganda ka sa araw miss"

Tss bolero!

"Haha si sir talaga! Ano pong order n'yo?"

"Ano bang masarap kainin dito sa restaurant n'yo?" Tanong nito habang nakatingin sa menu board.

"Masarap po ang Straberry fries pizza namin Sir." Tugon to dito.

"I want something heavy sana..." Sabi nito pagkatapos tignan ang relo n'ya.

"Okay... Meron po kaming pork choriso sir, barbeques, chicken finger, and also inasal po." Polite kong sabi

Nag order ito sakin spicy inasal.

"Thank you miss- wow! I like your name! Blessed!"

"Welcome sir, binobola n'yo naman ata ako eh! Wala po kayong discount." Biro ko dito.

After 15 minutes...

"Maria! Tawag ka no'n ni Sir na naka stripes." Tawag ni Leslie sakin, isang dining crew

Si mister bolero?

Nagpaalam muna ako sa mga kasama ko. Nadatnan ko s'yang may kausap sa phone. Napansin ko din na merong dalawang halo-halo sa table nito.

Wala naman siyang in-order sakin halo-halo ah? Ay baka nag pa-order...

"Ye-yes. Okay. Oo na oo na! I gotta go. Hi Blessed." Nakangiting sabi nito sakin...

"Sir bakit po?"

"I'm inviting you to eat dessert with me." Deretsong sabi nito sakin.

Wala man lang tanong-tanong?

"Ay sir bawal po kasi, on-duty po ako."

"It's okay I already talk to your manager."

My ghaaad... Lakas eh no? Ano to BAAAR???

Tumingin ako Kay sir Alfie, binigyan lang ako nitong 'umupo kana or else look'

Wala naman akong magagawa brother s'ya ng twin sisters na may ari nitong restaurant.

Umupo ako sa harap ng mokong na ito.

I'm BlessedWhere stories live. Discover now