Chapter 27
Wipieeee ang sayaaa, babasahin ko lahat toh
Nagenjoy ako ng sobra,ang saya din kasi talaga kasama ni angel eh, di ko nga namalayan na medyo late na, jusmeyoo paktayy akoo netoooo
Sabi ko sa inyo,wag nyu ko tinuturuan ng kung ano ano eh, ayan tuloy lagot nanaman ako
Nasa gate nako ng bahay namin
Huhu
Papasok ba ko? Natatakottt akooo huhu nanny hellppp meeee
Pero mukang tahimik, wala akong naririnig na murahan eh, kasi kadalasan gantong oras, nag lalaro sila ng mobile game, tas murahan pa sila
Like
Tangi***** wag kang tangaaa
Hay*p bilisss ang bangal
Mga ganern, ewan ko ba pero di ko alam nilalaro nila eh
Pagpasok ko,dumiretso ako sa sala, at pagdating ko doon, andun silang lahat at may isang babae na umiiyak, shittt sinoo syaaa?????
Parang kaedad lang sya nina kuya ewan ko peroo bakit sya umiiyak??? Baka may ginawa sila kuya???
Nilapitan ko sila at seryoso silang lahat
Tila di nila napansin na andito ako, nag hahantay lang ako sa kung ano ang mangyayari
Tim i love you, di ko kayang mawala ka-umiiyak na sabi niya habang nakatingin kay kuya tim na parang naluluha din
Ngayon ko lang nakita na ganto si kuya tim? Sino ba sya sa buhay nya? Bakit? Ano bang nangyari?
Pleasee clarisse, stop it, di ko alam kung maniniwala pa ko sayo-sabi ni kuya tim
Shit nasasaktan ang kuya ko, iniwan nya yung clarisse daw na name, at dumiretso sa kwarto nya, alam kong nasasaktan si kuya
Tinapik naman ni kuya red sa balikat yung babae
Next time nalang kayo magusap, clarisse, wag muna ngayon, nasaktan sya eh,
Sabi ni kuya red at umalis na silang lahat, lahhh di nyu ko napansin??? Grrrr
Nilapitan ko naman yung babae at tinabihan sya
Hi po-sabi ko at pilit na ngumiti
Tinignan naman nya ko at nagpunas ng luha
Ikaw ba yung kapatid nila?akhira right?
Tanong nya tumango naman ako, ngayon ko lang napansin na ang ganda nya,
Ang ganda mo nga, alam mo bang lagi kang nakwekwento ni tim sa akin?-sabi nya at medyo umok na sya
Naiilang naman akong ngumiti, kinekwento pala ako ni kuya, kahiya naman, baka kung ano ano sinasabi non,
Bigla naman syang napatulala nanaman,
Ayaw na nya sakin-sabi nya at ayan nanaman ang mga nagbabadyang mga luha,
Kasalanan ko toh eh-sabi nanaman nya
This time, niyakap ko na sya, ayoko na nakakakita ng babaeng umiiyak, naaalala ko sila nanny at lola kung sila ang umiiyak sa malayo, Sino ang yayakap sa kanila?
Ate ano po bang nangyari, pwede ka pong magkwento,
Sabi ko habang hinahagod ang likod nya, umiyak na talaga sya lalo,
Nakita nya ko, may kasamang iba huhu, akala nya niloloko ko sya, kaya lang naman ako sumama, kasi sabi ni dave titigilan na nya ko, si dave may gusto sya sakin noon pa, pero ang kuya mo ang mahal ko, akala nya niloloko ko sya, hindi man lang nya ko pinakinggan, di ko na alam, huhuhu di ko na alam ang gagawin
Umiiyak na sabi nya, so sya pala ang girl friend ni kuya,,,
Shhhh tahana ate, tutulungan po kita,
Sabi ko at patuloy na hinahagod ang likod nya
Umiyak lang sya ng umiyak, sige iyak mo lang yan, bukas ngi ngiti at tatawa kana sa piling ng kuya ko, pinapangako ko yan! Ayoko ng may nasasaktan kaya hanggat maari, kung may maitutulong, kahit na sa maliit na bagay, ay itutulong ko, sabihin nyu ng pakielamera, pero kagustuhan ko talaga ang tumulong