CHAPTER 84
AKHIRA POV
lola kailan tayo lalabas dito?-mahina kong bulong kay lola habang yakap yakap ito
Pinauwi ko na satin ang tiya April mo, di muna tayo aalis ajang ah, mas ligtas ka dito
Nakangiti nyang sabi, tumango naman ako kahit Hindi ko naiintindihan kung bakit mas ligtas ako dito
Ayaw kong kumalas ng yakap kay lola, akala ko di nako mabubuhay
Akala ko katapusan ko na yun
Yung pagbagsak ko ng mga oras nayun, iniisip ko sila
Silang lahat
Mga kaibigan ko
Sila jejemon
Sila beshie
Sila kuya
Si nanny at dada
Si ice
Dapat ko pa ba silang patawarin? Gusto ko na ding yakapin si nanny, kahit di ko sya tignan, alam ko na umiiyak sya
Parang meron sa puso ko na gusto syang yakapin at sabihin nanny, tahan na andito ako pero meron din sa puso ko na, Hindi! Wag muna! Masakit pa eh. Masakit pa dito oh, sa puso ko
Kanina nung umalis sina kuya, parang gusto ko silang pigilan, parang gusto ko na andito lang sila
Parang gusto ko nasa tabi ko lang sila at protektahan ako
Parang may mangyayari at gusto ko kasama ko sila,ganon? Haysst
.
.
.Naiwan dito Si lola at sina nanny at dada
Alam kong pagod na sila kakabantay sakin
Tas parang nagbabantay sila ng hangin, kasi di ako nagsalita eh, di din ako namansin, si lola lang nag kinakausap ko tas pag kakausapin ako ni jejemon tumatango lang ako
La pahinga muna kayo-sabi ko dito at umurong onti, para makahiga sya
Ngumiti naman si lola at tumabi din naman
Sinilip ko Si nanny at kita ko din ang pagod nya, ganon din si dada
Ano ba Kasi ang dapat kong gawin?naguguilty na ko
Parang ang sama sama ko na
Masama na bako sobra?
Haysst bahalana
Umusog ulit ako ng onti, dahil ang kama sa kwartong ito ay malaki, diko alam pero iba ang laki ng kwarto ko , sa iba naman tama lang, sa akin parang kwarto ng ilang tao eh
Ng makausog nako, tinignan ko saglit si nanny at tinignan ang kama ko
Pahinga ka po-mahinang sabi ko at alam kong rinig nya yun
Ng tignan ko ulit sya nakita ko ang maikling ngiti nya at sabik na tumabi sa akin. Parang gusto talaga nya na gawin toh kanina pa, pero parang nahihiya ganon, kasi kanina nung asa tabi ko sya, di ko pinansin eh
Sama ko
Ng makatabi nasi nanny
Kita ko naman ang pagngiti ni dadaMay gusto ba kayong kainin?-tanong ni dada na nakangiti
Naiilang ako, pero alam kong pagod talaga si nanny eh
Ramdam ko ang yakap ni nanny sa akin
Shit narurupok ako
Nanny ko naman sya diba?ano ba kasi dapat kong gawin
Tumingin ako kay dada
Gusto ko po chocolate-mahinang sabi ko, rinig ko ang mahinang tawa ni dada
/pout; ano ba ginagawa ko?
Princess itatanong muna namin sa doctor mo kung ano ang pwede mo munang kainin ah-sabi ni nanny at hinayaan kong haplusin nya ang buhok ko
Ang sarap sa pakiramdam ang pag haplos ni nanny sa buhok ko, parang ang tagal kong Hindi naramdaman toh
Sumandal ako ng onti sa kanya, habang yakap yakap nila kong dalawa ni lola,
Nangiti naman si dada at lumabas,
Gusto ko talaga chocolate eh
Sana bumili sya non...