CHAPTER 53
Saan ba kasi tayo pupunta?-kanina ko pa tinatanong yan pero hindi naman nila ko sinasagot, wag sana kayo sagutin ng mga nililigawan nyu hmmmp
Mga parang tanga kasi, ayaw pa sabihin, hirap na hirap ibuka ang bibig tsssk
Tinatawanan lang nila ko kahit na nagpapapadyak padyak nako, di nakakatuwa, kala mo naman!
Napahinto naman ako sa pagmamaktol ko ng huminto kami sa malaking bahay, wait familiar ah, nakapunta na ko nito noon eh, kailan bayun? Tama!!! Oo! Yung party, sa bahay nina ice!! Putekkk anong ginagawa namin dito,
Wait! yung daddy nya, mafia lord diba?o m g Gagi natatakot ako, ngayon pako natakot? kala ko ba self di ka natatakot? Bakit parang natatakot ka na ngayon
Bumaba na kami sa sinasakyan namin
Ng makababa na kami, napahawak ako sa braso ni kuya red, papasok ako sa bahay ng isang mafia lord
Hey?-kuya red
Natatakot po ko-mahina kong bulong, pero napatingin naman sila saking walo, bulong lang yun bakit narinig parin nila? /pout
Don't worry, walang mananakit sayo dito, ligtas ka-kuya tim
Napatango nalang ako kahit kinakabahan parin ako
Naglakad na kami papasok, dumiretso kami sa kusina nila, buti Hindi sila naliligaw dito, ang laki kasi eh, yung sa amin naman, sakto lang, eto naman sobrang laki
Ng makarating kami doon, nakita na namin sila at.
.
.
.
.
Nannyyy dadaaa!!! Whaaaa-sigaw ko at patakbong lumapit kina nanny at dada, niyakap ko sila ng mahigpit, tawa naman ng tawa sa akin sina kuya kasi muntik nakong matumba, eh bakit ba!Nakauwi na po pala kayo?bat hindi nyu sinabi? Whaaa!! Andaya naman!-nagtatampo kung sabi, ngumit lang sakin sina dada
Biglaan din ang paguwi namin princess-nakangiting sabi ni dada
Di nako nagsalita, at nakayakap lang ako kay nanny, ng tignan ko ang nasa harap nina dada, nakita ko yung daddy ni ice, napahigpit yung yakap ko kay nanny
Mafia lord sya!!
Ano kayang gagawin namin ditoAsan kaya si ice? Bakit ko ba hinahanap yun? Tsk
Napatingin naman sya sakin, Alahhh kaa
Napayuko ako, ayokong salabungin yung nga tingin nya, nakakatakot
May kasama syang dalawang lalaki, Hindi ko kilala pero parang kaedad lang ni kuya zac
Nung una kong punta dito, di ko akalain na mafia lord sya, muka naman syang mabait noon, kaya ngayon! Talagang naniniwala nako sa, don't judge the book by its cover,
Tinignan ko ulit sya, at nakangiti na sya sakin ngayon
I know na alam mo na-paninimula nya, goshhh nakakatakot, sasaktan ba nya ko? Kasi nalaman ko?
Niyakap ko si nanny na sobrang higpit, yung parang ayaw kong mahiwalay sa kanya
Tumawa naman ito, ganun din ang dalawa nitong kasama
Don't worry, di kita sasaktan, masaya ako at nandito ka-sabi nya
Hindi nya ko sasaktan?
Weeee
Akhira ikaw na bayan?laki mo na ah-sabi nung isang lalaki
Eh kilala mo po ko?-tanong ko
Syempre naman,lagi nga kayong magkasama noon ni ice-sabi naman ng isa
Huh? Lagi? Noon? Ni ice? Ano ba pinagsasabi nila
Hindi mo na ba natatandaan ang kuya carlo mo?-sabi nung unang nagsalita, ngumiti ito at nagpout pa na parang nagtatampo dahil di ko ito nakilala, hindi ko naman kasi sya kilala eh
Eh si kuya krist?di mo ba naaalala?-sabi naman ng isa, ngiti din sya sakin
Eh? Di ko naman talaga sila maalala eh
Btw, akhira sila ang dalawa ko pang anak, mga kuya sila ni ice-pakilala nito sa mga anak nya
Kuya pala sila ni ice, bakit kilala nila ako? Ano ba kasi ang dapat kong malaman?