XII

547 30 3
                                    

KABANATA 12

“Kakaiba talaga, kung pano ka magsalita ngayon, Amara.” papahina ang boses sabi nya. Nakangiti sya habang sinasabi iyon na parang kakaiba at bago sa pandinig nya, na ikinatutuwa nya.

Nahulog sya sa malalim na pagiisip at parang naging palaisipan sa kanya ang sinabi. Nawala ang tawa ko at napatulala sa kanya.
Nasa butaka chair pa rin kami at naguusap. Naging magaan agad ang loob ko sa kanya at muntikan ko na ring masabi na ako si Arene sa susunod naming buhay. Naikwento ko na rin ang halos mga nakakatawang childhood memories ko sa kanya pero laging ibang pangalan ang sinasabi ko at ginagawang kwento-kwento lang iyon at katatawanan para hindi nya mahalatang ibang tao ang kasama nya.

“Ahh ehh kasi…..” pangiwi ako ng walang pumapasok sa isip ko. Ano ba ang pwedeng maidahilan. “Wait lang natae ako bigla, este nababanyo, HUH!.. Napapalikuran!” natataranta kong sagot. Napatayo ako at mabilis na tumakbo. Hawak-hawak ang laylayan ng barot saya ay pumasok ako ng bahay. Dumaan ako sa likurang bahagi na ipinagtataka ko kung panong nalaman ko iyon. Basta na lang ako tumakbo at dito ako dinala ng mga paa ko. “Hoo! Ano bang kabaliwan ito, Arene?!” tanong ko sa sarili. Napasandal ako sa hamba ng pintuan at napapikit sa pagod. Nakakapagod tumakbo lalo na at mabigat ang suot-suot ko.

Nasa hamba ako ng pintuan ng maalala ko na hindi ko alam ang parte ng bahay na pinasukan ko. Napaayos ako ng tayo at binitawan ang laylayan saya ng suot ko. Nilibot ko paningin ko sa buong paligid. Nasa kusina ako! Ang lupit ng mga gamit nila halos lahat ay gawa at galing sa inang kalikasan.

"Amara!” napatalon ako sa gulat at agad na napalingon sa labas, sa pinanggalingan ko. “Ngayon na nga lang tayo muling nagkasama ay pinagtataguan mo pa ako!” maginoong reklamo nya. Meron palang ganun? Maginoong reklamador.

Diba dapat ay galit na sya, kung alam nyang pinagtataguan ko na sya? Sa panahon ko ay simpling bagay, ang init na agad nang ulo ng mga lalaki, sarap balibagin. Well, may mga babae rin namang ganoon.

Napatayo ako ng maayos at humarap sa kanya. Tinitigan ko sya ng mabuti, maamong muka. Maginoo at maunawain. Lahat ng babae ay nanaisin ang ganitong klase ng lalaki. Sa panahon na ito ang pag-ibig ay hindi lang pagmamahalan kailangan. Kailangan ring paghirapan at patunayan, hindi lang sa salita kundi sa gawa. Kaya rin siguro maraming taon na ang lumipas ay magkasama parin ang mga mag-asawa sa panahon na ito, matatag at sulido.

“Amara, tila nabibighani ka naman sa aking gandang paglalaki.” natatawang asar nya.

Napa-face palm na lang ako dahil bigla ay humangin na naman. Alam na alam nya talaga na gwapo sya ang kaso ay basta. Wala sa sariling napangiti ako ng makitang ngumiti sya pagkatapos tumawa. Kakaiba talaga ang gandang lalaki nya. Arghh, admit it or not gwapo talaga sya lalo na at matangkad sya, dagdag pogi points. Napailing na lang ako bago nagtatanong na tumingin sa kanya.

“Pano mo nga pala nasabing pinagtataguan kita at anong ginagawa mo rito?!” mataray kong tanong. Napataas ako ng kilay ng ngumiti sya ng malawak.

“Amara, tila nakakalimut ka. Nobyo mo ako at kilala kita. Isa pa ay ayaw mong pumapasok ng kusina pero dito mo parin nakuhang dumaan kung sakali ngang…. Napapalikuran ka?!” natatawa nyang sagot. Lumakas ang tawa nya ng sabihin nya ang huling salita.

‘Lahat naman tumatae ah! Anong nakakatawa dun?!’ naiinis na sinamaan ko sya ng tingin. Aba malay ko ba kung anong tagalog ng nac-cr. Wait nababanyo?!…. papalikuran?!…. Kakasilyas! What! Ay naku bat ba kasi yun ang pumasok sa isip ko? Parang gusto ko ng lamunin ako ng lupa sa kahihiyan. Ang mga babae sa panahon na ito ay dapat mahinhin at maayos ang mga salitang binibitiwan, in short mali ang sinabi ko, natatae? What the heck! Arene!

“Amara, mabuti pa ay mamasyal na lang tayo!” natatawa paring sabi nya.

Saan ko ba kasi nakuha ang salitang yun, ang sarap magpalamon sa lupa. Kung may brilyante lang ako nang lupa haytss. bakit kasi panahon pa na ito ako pinadala pwede namang sa mundo nila danaya.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraWhere stories live. Discover now