XXVII

239 12 0
                                    

KABANATA 27

Nagising ako sa ingay na nagaganap sa labas, parang maraming tao ang sabay-sabay na naguusap. Sinalag ko ang braso ko sa nakakasilaw na liwanag. Mukang nakabukas na naman ang bintana. Bumangon agad ako at sinara ang bintana.

'Anong oras na ba?' nilibot ko ng tingin ang kwarto ko. nakabalik na ako, nakabalik ako ng buhay. Nakabalik ako pero si elizabeth hindi, duon na ang magiging libinga nya sa cavite. napabuntong hininga ako at pabagsak na umupo sa gilid ng kama.

Kakaiba sa pakiramdam, parang may kulang, parang may naiwan ako sa cavite na gusto ko na iyong balikan. parang may kulang sa bahay, sa kwarto ko, o di kaya ay may nawawala.

nabasag ang malalim na pagiisip ko sa sunod-sunod na katok sa pinto. tumayo ako at pinagbuksan ang kumakatok. nanlaki ang mata ko sa lalaking nakatayo sa harap ko. abot langit ang langit nito habang may hawak-hawak na kupeta.

"Kuya..." pabulong sa sabi ko. napayakap ako sa kanya at ganun rin sya. narinig ko ang pagtawa nya kasunod ng pagsinghot.

"Masaya ako na nakabalik ka ng ligtas, Amara."

"Masaya rin ako, kuya. mabuti at nakabalik ka na!." kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan sya ng mabuti. syang-sya ang nakita ko sa litrato pero mas gwapo sya sa personal, ang kinis pa ng muka nya.

"Ikaw talaga, mag-ayos ka na at nariyan sila lola."

Mabilis akong kumilos at naligo. nanibago pa ako dahil dati ay nariyan si libet para pagsilbihan ako, ngayon ay kailangan ng sariling sikap. Isa't kalahating oras bago ako natapos sa pag-aayos. mahirap isuot ang barot saya kaya naman natagalan ako, isa pa ay may sugat ako na kailangan na itago kela mama at papa.

Bumaba na ako pagkatapos. mula sa hagdan ay rinig na rinig ko ang tawanan ng pamilya ko at ilang tao na hindi pamilyar ang boses sa akin. Pinakinggan ko ang mga boses na iyon habang marahan sa pagbaba sa hagdan.

"Irene?" halu-halong emosyon ang naramdaman ko. halos takbohin ko ang mga pagitan ng hakdag at sala para makompirma ang hinala ko.

Huminto ako sa harap at natulala sa nakita. Naruon si lola, ang pamilya ko at ang pamilya ni irene. nakita ko si irene na tumatawa kasabay nila lola, napaatras ako sa takot at bumalik sa kwarto.

Napasandal ako sa pinto na sarado. Anong ginagawa nya rito?. bakit maging ang pamilya nya ay narito?. Natampal ko ang nuo ko sa inis. Hindi si irene, imposible, isa pa ay tatlo silang nakikita ko na sa tingin ko ay kilala ko mula sa panahon ko. Isa ay si heneral prico, irene at si tessa. Hindi ako sigurado kay heneral prico at tessa kaya nababaling ang hinala ko kay irene.

Napahugot ako ng malalim na hininga. kailangan na maging patas ako sa tatlo, sila lang ang nakikita ko na maaaring kasangkot rito. Napalunok ako ng may maalala, isa sa mga paraan para malaman kung sino ang pumatay sa isang biktima ay ang motibo. Kung ganon anong motibo ng bawat isa sa kanila-

"Amara, amara. hindi ka pa ba tapos riyan?." napahawak ako sa dibdib sa gulat. nanggigil na pinaghahampas ko ang dibdib ko sa inis. (Atleast may dibdib yung nagbabasa wala.) inayos ko muna ang sarili bago binuksan ang pinto.

"Kuya, ikaw pala." kunwari ay natutuwang bati ko sa kanya.

Isinukbit ko ang braso ko sa braso nya at sabay kaming bumaba. Kailangan ko na umakto ng tama, sa harap nila. Lahat sila ay tinawag ang pangalan ko, naiilang na ngumiti ako sa kanila isa isa. Bilang tradisyon ay nagmano ako sa magulang ko at magulang ni irene. Si lola ay nagbeso lang ako, lagi syang ganyan. Naniniwala kasi syang nakakatanda ang pagmamano kaya kahit na kanina ay ayaw nyang nagpapamano.

Tumabi ako kay lola pagkatapos nun. Nagpatuloy sila sa paguusap, tumatawa ako kapag tumatawa rin sila. 'In short gaya-gaya, lutang moments'. Nakikinig naman ako sadyang hindi lang kayang i-proseso ng utak ko ang mga pinagsasabi nila. Hanggang sa mapunta sa akin ang usapan, napangiwi ako at napakamot ng kilay.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraWhere stories live. Discover now