Chapter 6

68 3 0
                                    


Carter Pov


Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock mo.



it's already 9am, dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at agad na kinuha ang telepono ko.





i checked my messages, lahat galing sa mga taong hindi ko naman kilala.  ang ilan naman ay galing sa mga babaeng nakilala ko sa bar.




Agad kong binuksan ang email ko at tumambad sa akin ang isang mensahe mula sa Nostalgia.


.

"Fuck?!  am i accepted? " tanong mo sa sarili ko at muling binasa ang mensaheng ipinadala nila sa akin.






' Meet us @****** Nostalgia Headquarters, you will be formally introduce as a member of Nostalgia Organization. '






simpleng mensaheng nakapagpangiti ng lubos sa akin.





I've been admiring Nostalgia Organization, dati akong detective but i resigned in my work dahil na din sa hindi ko gusto ang pamamahal ng boss namin. Pinapaikot nila ang batas imbes na sila ang mag bigay ng hustisya sa lahat.




Nang malaman ko ang tungkol sa organisasyong ito at kung paano nila gawin ang bawat misyon na mayroon sila ay nag desisyon akong sumubok na maging miyembro nila. 





Ang sabi ng iilan ay hindi daw madaling makapasok sa organisasyon lalo na at sarado din ang impormasyon tungkol sa kanila, matindi din daw ang pagsasanay sa loob ng organisasyon.





Pero kampanti ako sa kakayahan ko,  I've been trained well lalo na sa ibat-ibang paraan ng pakikipaglaban kaya alam kong makakapasok ako sa organisasyon nila.





Agad akong tumayo at dumiretso sa loob ng banyo upang maligo,  they're expecting us to come.






Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako sa pag-aayos at agad na lumabas sa condo ko pagkatapos ay dumiretso ako sa aking sasakyan at agad itong pinaharurot sa lugar na ibinigay ng mga ito.






Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na din ako sa sinabing address, namangha ako sa ganda ng lugar.  Bukod sa malayo ito sa kabahayan ay napapalibutan din ng puno ang buong lugar dahilan upang mas maganda itong tignan.  Malaki din ang gusaling nasa loob nito habang may napakalaking electronic gate na nasa harap.  Mukhang kakaiba din ang teknolohiya sa loob ng Nostalgia.





Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang malaking pinto na nasa harapan ko.





dahan dahan kong pinaandar ang sasakyan ko papasok sa loob nito, nang makapasok ako ay agad ding sumara ang pinto.







Cool.




"Welcome to Nostalgia Organization Mr. Carter Cain Fierro! " naipreno ko naman bigla ang sasakyan ko ng biglang may magsalita ng malakas.





Fuck?  What was that?





"I am AC, the a program designed to welcome the guest in Nostalgia Organization. " muling salita ng kung ano man na hindi ko nakikita.

Nostalgia Series 3; Clymene De Silva[ON HOLD]Where stories live. Discover now