Eleven

13 6 0
                                    

Limang buwan na ang nakalipas, Morris and I started working, at first, it was rough. Because it was our first time work. Dalawang beses akong nareject, dahil wala raw akong experience at mas pipiliin nila ang iba na may karanasan.



Eh paano ako magkaka-experience kung hindi nila ako tinatanggap?



Pero hindi ko iyon ininda. Hindi ako sumuko.. nagpatuloy ako kahit mahirap at nakakapagod.



Pero kahit ganon ay masasabi kong na-enjoy ko ang lahat kahit nakakapagod, okay lang mapagod, parte 'yon ng buhay.. Atleast, pagod ako pero nagagawa ko naman ang mga bagay na gusto ko.



Sa lahat ng pinagdaanan ko, nandyan si Morris para suportahan ako, at samahan ako sa lahat ng oras.



Nandyan siya nung mga panahong nanliliit ako sa sarili dahil sa mga nakakasama kong mga tao na walang duda na mas maganda sakin.. but he made me realize that I am too..



He motivated me to do well, so I did..



"How's work? Are you fine with that company?" Morris asked me about work.



Ihahatid ako ngayon ni Morris sa trabaho. Ganito kami lagi, tuwing free siya ay nagpepresinta siyang ihatid ako dahil kahit sa sandaling oras ay nagkakasama kami. Naging busy kaming dalawa kaya kahit maiiksing oras na magkasama kami ay lubhang ikinakasaya ng puso ko.



"Ayos lang, neutral lang.. wala akong kaclose pero okay lang naman. I don't need to please anyone there," I answered and gave him a reassuring smile.



Hinawakan niya ang kamay ko at lumingon saakin, "Hay, babe if hindi ka komportable dyan, bakit hindi na lang tayo maghanap ng ibang kompanyang pwede mong pagtrabahuhan?"



"No, 'wag na. Ayos lang ako. Ganon naman siguro talaga sa umpisa." ipinatong ko kabilang kamay ko sa kamay niyang nakahawak sakin at nginitian ko siya.


"Hay, basta babe, dito lang ako ha? Isumbong mo saakin 'pag may nang-away sayo!" Kumunot ang noo niya na para bang may kaharap na kaaway.



I laughed at what he said. It sounded childish but I felt what he wanted to convey.



"What's with that emotion? Kanina ka pa ganyan, Ivory!" Ms. Carina hissed.



Kanina pa niya ako binubulyawan sa mga poses ko. I don't know what's wrong.. pero hindi na ako nanlaban pa, bago lang ako rito kaya sinunod ko na lamang ang mga gusto niya dahil sino ba naman ako para magreklamo? Sino ako para sumagot?



"Yes Miss.."



"Oh, Damn! Do you really want this? Ha?!"



"Yes po.." mahina kong sagot pero sapat na para marinig niya.



Kitang kita ko ang mukha ng mga co-models ko at hindi ko maipaliwanag kung ano iyon.. awa ba? Ang iba pa ay nagbubulungan. Pero hindi ako sakanila nahihiya kundi sa mga photographer and some artists na nandito.



"What? I can't hear you! DO YOU REALLY WANT THIS?!" her face turned red.



Napatayo ako ng maayos, "Yes, Miss!" I answered loudly, with confidence.



"For today, that's your last shot! Or you could wait there," Turo ni Miss Carina sa mga upuan sa gilid. "Maghintay ka, malay mo magbago pa ang isip ko," She said before leaving.



Wala akong magawa kundi ipagpatuloy ang shots, after noon ay naupo na ako sa mga upuan sa gilid. I looked lonely here, pero that's fine. Itetext ko na lang si Morris para mabuhayan ako at makakuha ng inspirasyon.

Pixelated LoveWhere stories live. Discover now