Sixteen

15 6 0
                                    


"Ivy.. wake up.."



A familiar feminine voice woke up my exhausted system, I slightly opened my eyes to see where I am and who was it that was waking me up.



"Shamzy?"  I frowned and stared intently at the woman in front of me.



Wait, kwarto ko 'to ah? Luminga-linga pa ako at tama nga, nasa kwarto ko nga ako.. Paanong nakapunta ako rito? At paanong andito rin si Shamzy?



"Dinala ka rito ng kasama mong lalaki, si Fabio, Tinawagan niya ako gamit ang cellphone mo and told me what happened to you.." Shamzy told me like she knew what's on my mind.



"Did he left?" I curiously asked.



She nodded. "Gusto ka man niyang alagaan, pero hindi raw pwede.. Ayaw niyang magkagulo once na malaman ni Morris na walang malay kang inuwi ng isang lalaki sa condo mo at nakasama magdamag. Malaki ang respeto niya sayo, at sainyo ni Morris.."



Kahit hirap ay sinubukan kong bumangon, hindi pwedeng maging pabigat ako kay Shamzy.



"Don't force yourself, just sit a bit.. susubuan na lang kita, kailangan mong kumain kaya sorry kung ginising kita.." Iminuwestra niya ang Lugaw at tubig na may gamot sa likod nito, sa gilid ko at inalalayan akong sumandal sa head rest ng kama.



"Ayokong magpabigat sayo, ngayon na nga lang tayo nagkita tapos ganito pa ang sitwasyon," I sighed.



"Ayan, sige! Maglaro ka ulit sa ulan!" She teasingly said. "Nganga, Ah!" Itinutok niya ang kutsara sa bibig ko at ipinasok ito.



"Niluto mo ba 'to?" I asked and darted my eyes at the porridge, It gave me energy just by looking at it.



"No, Fabio cooked it. He said you need it since you looked like you caught a cold from dancing in the rain," pabiro siyang umirap at sinubuan pa akong muli.



Nang matapos kong kainin ang lugaw na inihanda ni Fabio ay agaran akong nakatulog, hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako. Pero nabawasan din 'yon kahit papaano nong uminom ako ng gamot.



Kinabukasan, tinanghali na ako ng gising. Ang pakiramdam ko ay umokay kahit papaano, hindi na katulad kahapon na parang pasan ko ang mundo sa bigat ng pakiramdam ko.



"Oh, nandito ka pa rin?" Tanong ko kay Shamzy na naabutan kong nanunuod sa salas.



"Oo, alangang iwan kita ritong may sakit," She sarcastically said. "Okay ka na ba?"



Tumango ako at umupo sa sofa, sa tabi niya. "Alam ba ni Morris?"



"Hindi ko alam, bakit hindi mo tawagan?" Suggest niya. "Kawawa naman ang isang 'yon, walang alam sa nangyayari sa girlfriend niya.."



Umiling ako, "Huwag na, hayaan mo siya,"



"Bakit? Ano bang nangyari sainyo? At ano ring nangyari sayo kahapon?" Taka niyang tanong.



"Bahala siya! Manloloko!" I spat.



Nanunumbalik nanaman lahat ng nakita ko nong isang araw. Lahat ng sakit at poot ay bumalik at patuloy na sinasaksak ang puso ko.



"Bakit? Anong ginawa?"



"Anong bakit bakit? Kailangan pa bang may eksplenasyon? Basta, manloloko! Tapos!"



Her brows furrowed at pabiro akong sinampal, "Gaga! May ebidensya ka ba ha?"



"Ayon, wala.. pero nakita ng dalawang mata ko! May liptint sa bag niya!" Umirap ako at agad nanggalaiti.

Pixelated LoveWhere stories live. Discover now