𝒫𝒶𝒽𝒾𝓃𝒶 11

5.1K 412 105
                                    

Ilang minuto na ang lumipas ngunit nakatulala lang sa akin si Gail habang kaharap ko ito't pinag-gigitnaan kami ng lamesita niya. Nasa loob kami ng kaniyang silid kaya kampante akong walang makakarinig sa amin.

Dahil nakatulala siya sa akin ay naging malaya akong titigan din siya. Ang laki nang pinagbago ng katawan niya. Medyo payat kasi siya noong huli ko siyang nakita sa palasyo nila, pero ngayon ay nagkalaman na siya kahit papaano. Medyo naging light brown narin ang kulay niya kumpara noon na kulay bangkay siya dahil sa sobrang putla niya, pero nandoon parin ang bahagyang pamumula niya lalo na pag nainitan.

Iba talaga pag mestiza.

Simple na lang din ang suot niyang damit ngayon. Naka bestida na lamang siya na karaniwan kong nakikita sa mga taong nasa distrito kanina.

Malakas akong tumikhim nang mapansin kong unti unting bumaba ang tingin niya sa katawan ko.

Grabe pala siya manuri jusko!

"Paumanhin" tanging nasabi niya at yumuko.

Para namang ako 'yong nahiya dahil ang lamyos talaga ng boses niya, tila iyon lamang ata ang hindi nag bago sa kaniya. Napaka hinhin parin. Dalagang Pilipina si ate.

"Wala 'yon" saad ko.

Muling tumahimik ang aming paligid pero dahil hindi ako sanay ay muli ko rin itong binasag.

"Kumusta kana rito?" Muling tanong ko sa kaniya. Hindi niya kasi ako sinagot kanina.

Umangat ang tingin niya sa akin. Hindi ko mawari kung natutuwa ba siya sa presensya ko o ano, dahil ang seryoso lang ng mukha niya.

"Paano mo ako nahanap?" Balik na tanong niya sa akin without answering my question---again.

Huminga ako ng malalim at mariing pumikit. I need to calm and ready myself din kasi muna dahil pakiramdam ko ay hindi lang basta bastang usap ang mangyayari sa amin ngayon.

"Aksidente lamang kitang nakita kanina noong hinatid mo sa labas--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa mismong pagmulat ng mata ko ay nakatutok na sa akin ang tip ng fountain pen niya. Ang tulis ng dulo nito na bahagyang kumintab pa nang tamaan ng liwanag.

Umangat ang tingin ko sa seryosong mukha ni Gail. Hindi nakikitaan ng kahit anong emosyon ang mata nito at para bang sinasabi niya na maling salita ko lamang ay isasaksak niya ang pen niya sa akin.

Napalunok ako dahil sa kaba, pero pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Hindi ko siya hahayaang i-take advantage ang nararamdaman ko. Ako kasi ang lugi pag gano'n

"Hindi ako pumunta rito upang ipagkanulo ka sa iyong Ama" saad ko. Kita ko ang saglitang pagbabago ng emosyon niya pero mabilis niya rin iyong naikubli.

"Mayroon pa bang ibang nakaa-alam kung nasaan ako?"

Umiling ako sa tanong niya at unti unting hinawakan ang pen na nakatutok sa akin upang ibaba iyon.

"Hindi ko maililigaw ang mga kawal ko kung may alam sila" sagot ko.

Matagumpay ko namang napasunod ang kamay niya kaya tuluyan niya nang inilapag ang hawak niya sa lamesita.

The King's Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon