𝒫𝒶𝒽𝒾𝓃𝒶 28

4.8K 398 67
                                    

"Hello, Kath. Welcome home."

Pare parehas kaming natigilang tatlo sa isinalubong na bati samin ni Gail. Para pa ngang napa-nganga sina Trish at Abby at maya maya'y siniko ako na ikinalingon ko sa kanila.

"Hindi mo sinabing spokening dollar pala 'yan!" Mahinang sambit ni Trish pero may diin sa bawat salita niyang iyon.

"Sira! Hindi 'yan ganiyan! Baka naengkanto na 'yan!" ganting sambit ko bago muling hinarap si Gail.

Lumunok ako ng tatlong beses bago siya tinaasan ng kilay na ikinawala nang ngiti niya.

"Anong welcome home welcome home ka riyan? Anong ginawa mo rito sa kwarto ko? Saan mo pinagkukuha 'yang mga librong 'yan ha?" Asik ko at itinuro ang ngayo'y maayos nang nakasalansang mga libro.

Bahagya niyang kinamot ang noo niya at parang nahihiya dahil siguro sa sinisermunan ko siya kahit may ibang tao kaming kasama pero wapakels! Nagkalat siya sa kwarto ko!

"Paumanhin. Nag aaral lamang ako kanina at hinahanap kung nasaan ba ako. Hindi ko nais na dumihan ang iyong silid, Kath" nakayukong sagot niya.

Muli akong nakaramdam nang paniniko at si Abby na ngayon ang nilingon ko.

"Huwag mo naman pagalitan, girl. Mukhang baby pa pala 'yan tapos kung pagsalitaan mo..."

Hindi ko alam kung ako ba ang kaibigan ng mga 'to o si Gail eh. Pero parang nag over react nga ako.

Huminga ako ng malalim at tinignan muli si Gail na nakatingin narin sa akin, hinihintay kung anong sasabihin ko.

"Sorry" hingi ko ng tawad "Binibigla mo kasi ako sa pa-welcome home mo na 'yan"

"Nabasa ko lamang iyon sa librong nakuha ko sa inyong bodega. Nakasilid iyon sa mga kahon at lumang luma na. Sabi ng iyong Ama ay maaari ko iyong hiramin at ibalik na lamang doon kung tapos ko na itong gamitin." paliwanag niya. Lumipat ang tingin niya sa dalawa kong kasama na tsaka ko lang naalalang ipakilala.

"May kasama pala ako." Wika ko. Lumapit si Gail sa amin at tumigil sa tapat ko.

"Gail, si Trisha at Abby, mga kaibigan ko" kumaway sa kaniya ang dalawa na ngiting ngiti pa pero iba ang iginanti rito ni Gail dahil imbes na tugunan nito ang pag kaway ng dalawa ay yumuko ito, hinawakan ang magkabilang gilid ng suot niyang cotton shorts at bahagyang nag bend na kung saan ang right foot niya ay minosyon niya papunta sa likod ng kaniyang left foot.

"Anong ginawa niya?" Nawiwirduhang tanong ni Trisha. Nagkibit balikat lang ako dahil wala rin akong ideya.

"Kinagagalak ko kayong makilala." Sambit nito at tumunghay nang tingin sa amin at umayos nang pagkakatayo.

"Weird." Piping usal ni Abby. Kinunutan niya pa ng noo si Gail at pinasadahan niya ito ng tingin. "Iyong ginawa niya ay usually ko lang nakikita sa mga movie lalo na sa mayroong characters na blue blood"

"Like Cinderella gano'n?" Tanong ni Trisha.

"Hindi naman dugong bughaw si Cinderella, sira. Chimay lang kaya siya" komento ko. Nakatanggap tuloy ako ng suntok sa braso mula kay Trisha.

Eh totoo naman kasing muchacha lang si Cinderella. Tanggap ko pa sana kung si Princess Jasmine ang sinabi niya eh.

"Anyways, hi, Gail! Kamusta naman bilang jowa si Kath?" May panunukso ang himig na tanong ni Abby kay Gail.

Saglit itong natahimik dahil sure ako na hindi niya alam ang tinutukoy nitong si Abby. Sasabihan ko na sana ito na huwag pansinin 'yong kalokohan nitong isa pero hindi ko na naituloy dahil nagsalita siya bigla.

The King's Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon