CHAPTER 5

6 1 0
                                    

Astounding

"Babalikan mo na?" ate Anna suddenly asked me after a long while.

My sister knocked me at my suite very early this morning. Alas-tres pa lang ay nag-iingay na siya. Well, I can't blame her. I didn't made myself present in our dinner last dim. Dahil muli na naman kaming naghapunan ni Vince sa Lake Wakatipu. Nawala na rin iyon sa isip ko, gawa nga ng dead batt pa rin ang phone ko hanggang sa maka-uwi.

Though, Ate Anna called Vince naman. Hindi ko nga lang alam kung saan niya nakuha ang numero nito. She told him na mukha ngang magkasama kami kaya hindi ako nakakasagot sa tawag niya, nalaman niya rin namang naubusan ng baterya ang phone ko.

So the ending is, sumama na lang si ate sa dinner party nila Joaqin dahil wala ako. And aside from that, Vince and my sister talked about something na hindi ko alam kung ano. Dahil medyo lumayo muna sa siya sa akin para masinsinang maka-usap ang kapatid ko. Hinayaan ko na lang 'yon, baka mga bilin lang naman ni ate.

At ngayon pa lang nakapagsalita ang kapatid ko mula sa mahabang pagkakatulala, dulot ng mga kinuwento ko. I told her the story from the first night I saw Vince as a stranger and up to what happened last dim.

"Kaya mo na ba ngayon? What are you planning to do? Ipaglalaban mo na?"

I stared on her eyes for a while. Ang mga mata niyang puno ng pag-aalala at 'di maitagong kasiyahan sa isang pagkakataon, ay humaplos sa puso ko.

Last dim, I had decided for myself. I already chose what I really love. I am now ready for this. Ready to trust myself again. Ready to replace my wrongs with the right ones. And ready for the second chance I will give to myself.

Oo, kaya ko nang balikan siya. Kaya ko nang ipaglaban ang pagmamahal ko sa pangalawang pagkakataon. Susugal na ako ngayon, hindi na magiging duwag sa laban ng pag-ibig, dahil...

"Mahal ko," tanging sagot ko sa mga tanong niya.

Ate Anna pouted at my answer. She looks like a concerned momma, sitting on my bed while wearing her own fabulous corporate attire. Habang ako naman ay nakapantulog pa rin at nakatihaya sa aking kama, tinatamad bumangon dahil sa puyat kagabi.

Nag-iwas ako ng tingin. Does she think that I could do wrong again this time? I hope not. Knowing her, my ate was always been supportive to me. But when in most particular and far-reaching time, she would always embrace me tightly within her sisterly protection.

"Mahal ko... pa."

I sighed. I remember how happy I am when he took me into his arms again, I remember how we cherished every moment under the moonlight, I remember his eyes which were passionately looking at mine, and I remember how I said to myself that I still love him, I will love him again for the second time around, and until my very last breath.

"Mahal na mahal ko... pa," I added again and brought my gaze back at her nang hindi pa rin siya nagsalita.

Ate Anna shut her brows up and slowly nodded.

"But, that wasn't my question..." sabi niya habang nakasimangot pa rin, "Mahal mo din siya noon, 'diba? Pero ipinaglaban mo ba? Anong kaibahan non sa ngayon? Sasabak ka na sa laban?"

Natahimik ako sa sinabi ni ate. Mahal ko siya noon pa man, ngunit hindi ko man lang na-ipaglaban. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at mas higit pa. Hindi nga lang ako sigurado kung sapat ba para lumaban. Pero... hindi ko na ba puwedeng subukan?

"Alam kong kaya mo na. Alam kong kakayanin mo, dahil may tiwala ako sa'yo... but I am scared na baka sobra kang ma-durog kapag naharap mo na ang mas matinding sakit. Dahil iba na ngayon, Xelleinna. Ibang-iba na sa dati ang lahat," si ate habang umiiling.

Chasing the Taste of Dims Where stories live. Discover now