☠ tale 1

12.7K 931 843
                                    


Category:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Category:

▣ Paranormal

□ Unexplained

□ True Crime


"Domeng De-Kadena"

by: NikoNotBellic


Nangyari ito nito lang nakaraang linggo, nang sumama kami sa ka-tropa naming si Dan nang umuwi siya sa probinsya nila para sa kanilang taunang pista. Matagal na naming gustong dumayo sa probinsya nina Dan, at sa wakas, pagkatapos ng ilang linggong pangungulit at pagpaparinig, inimbitahan na rin niya kami. Excited kami nina Buboy at Randy lalo't ayon na mismo kay Dan, napakasaya ng pista sa kanila at kaliwa't kanan pa ang kainan.

Sa isang liblib na bayan nakatira sina Dan at nasa gitna mismo ng palayan ang bahay nila. Kahit pa medyo may kalayuan ang mga kapit-bahay, hindi naman masyadong nakakatakot lalo't ang bahay nila ay nasa harap naman ng kalsada. May mga dumadaang mga motoriklo at tricycle kahit papaano.

Unang araw pa lang namin sa kanila, sobrang saya na lalo't sumali kami sa kung ano-anong mga contest - nandoon na 'yung nanghabol kami ng mga baboy sa putikan at naglaro pa ng palo-sebo.  Dahil sa sobrang dami ng ginawa, at sa dami na rin ng kainang dinaluhan namin buong araw, plakda kaagad kami pagdating namin sa bahay nina Dan. Idagdag pa na medyo nakainom kami.

"Walang susuka sa higaan ha? Lagot talaga tayong lahat sa Lola Celia ko," paalala ni Dan habang isa-isa kaming hinahagisan ng mga kumot at unan, palibhasa higang-higa na kaming lahat sa papag at walang tumatayo upang tanggapin ang mga ito.

"Oy, Randy. Lumabas ka muna at isuka mo lahat," biro ko lalo't sa aming lahat, si Randy iyong pinaka-mababa ang alcohol tolerance. Siya iyong tipong malakas magyaya ng inuman, pero siya rin naman ang unang tutumba.

"Psh... 'di ako susuka. Ako pa?" bakas ang antok sa sumusuray na niyang boses, ni hindi siya makadilat. Parang bangkay lang siyang nakahandusay sa gitna namin ni Buboy.

"Dan, may kulambo ka ba?" tanong ni Buboy na pulang-pula ang mukha at pangiti-ngiti na parang tanga.

"Bakit? May lamok ba?" takang tanong ni Dan. "Magsisindi na lang ako ng katol."

"Hindi lang talaga 'yan sanay matulog na walang kulambo sa mga paa niya," ako na lang ang sumagot.

"Siraulo.." humalakhak si Randy, pikit-mata pa rin.

"Hoy gago, walang basagan ng trip!" Panlilisik kaagad ni Buboy ng kanyang mga mata. 

"Mukha mo basag," pang-aalaska ni Randy.

#ScaryTalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon