☠ tale 4

6.4K 616 308
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Category:

▣ Paranormal

□ Unexplained

□ True Crime


"My First Paranormal Encounter"

By: Hyperbea_x


Hindi talaga ako naniniwala sa kahit na anong paranormal, pero nagbago ang lahat last year. Siguro nga talaga, to see is to believe.

Isa nga pala akong college student. Para sa isang literature subject, kinailangan naming gumawa ng short film gamit ang isang makalumang kwentong-bayan. Napag-desisyunan naming mag-shoot sa farm ng kaklase naming si Jane, tutal medyo akma ito sa storyline.

Tinanghali ako ng dating sa farm lalo't may inasikaso muna ako sa University. Mabuti na lang at hindi ako naligaw o nahirapan sa paghahanap nito. Kaso 'yon nga lang, nasa kalagitnaan na sila ng shooting pagdating ko.

"Bea, kasama ka sa scene na susunod na kukunan. Magbihis ka na doon," bungad agad sa akin ng leader namin na siyang nagsisilbi naming director.

Nahihiya man, pumasok ako sa bahay at doon ay naabutan ko si Lola Emma na nanonood ng TV.

"Magbibihis ka rin, hija?" tanong niya kaya naman tumango ako ngumiti.

"Diretso ka lang sa kusina, Hija. Mayroong CR doon," sabi niya pa kaya agad akong nagpasalamat at sinunod ang direksyong tinuro niya.

Pagdating sa kusina ay naabutan ko ang isang batang lalakeng nakadungaw sa bintana. Medyo marumi ang suot niyang kulay puting t-shirt, pati na ang laruang robot na kanyang hawak.

Binati ko ang bata pero hindi niya ako nilingon. Nagtaka ako kung anong tinitingnan niya kaya nakisilip din ako, saka ko lang napagtanto na ang pinapanood niya pala ay ang mga kaklase kong nagsho-shooting sa hardin.

Pumasok ako sa CR at agad na nagbihis. Paglabas ay wala na ang bata. Hindi ko na ito masyadong inisip at nagtungo sa rin sa hardin kung saan naroroon ang mga kaklase ko.

Abala ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa, ang iba naman ay nanonood lang ng shooting. Tutal wala pa naman ang eksena ko, tumayo muna ako sa isang tabi upang magkabisa ng mga linya.

"Magandang araw po," bati ko nang makita ang isang matandang lalakeng nagwawalis. Siguro ay Lolo siya ng kaklase ko, o hindi kaya ay isang helper.

Huminto siya at tiningnan ako. "Para saan ba 'yang ginagawa n'yo?"

"Para po sa project namin." Nginitian ko ang matanda. "Kaklase po ako ni Jane."

Bigla akong nakaramdam na para bang may nakatitig sa akin. Nilibot ko ang paningin sa paligid hanggang sa dumako ang tingin ko sa bintana ng bahay. Doon ay nakita ko ulit ang batang lalake na nakasilip mula sa bintana ng kusina. Nakatingin siya mismo sa akin.

Nagsitayuan ang balahibo ko at nagsimula akong makaramdam ng kakaibang kaba. Something doesn't feel right.

"Bea, anong tinitingnan mo diyan?" Biglang lumapit sa akin si Jane, may nagtatakang ngiti sa mukha.

"Jane, bad mood yata ang kapatid mo, sama ng tingin sa akin," pabiro ko na lamang na sambit sabay tawa.

"Kapatid?" Naglaho ang ngiti sa kanyang mukha. "P-pero wala akong kapatid."

"Ha?" Napasinghap ako kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Nakaramdam na ako ng matinding takot. "Eh s-sino 'yon?" tanong ko pa sabay turo sa direksyon ng bintana kung saan naroroon ang bata.

"Ah..." Humalakhak si Jane at kumaway. "Pinsan ko 'yan, pansamantalang ibinilin kay Lola dahil may pinuntahan ang mga magulang niya."

"Shit..." Napabuntong-hininga agad ako at napahawak sa magkabila kong bewang. "Natakot ako bigla, akala ko kung ano na."

Tumawa si Jane at sinenyasan muli ang bata. Ilang sandali lang, patakbo itong lumabas ng bahay at lumapit sa amin. Yumakap agad ito kay Jane nang mahigpit.

"Grabe, hindi ka pa rin naliligo?" biro ni Jane at sinayaw-sayaw ito. "Nga pala ba't raw masama ang tingin mo kay Ate Bea?"

"Nagsasalita po kasi siya nang mag-isa. Parang baliw." Ngumuso ang bata at tinuro ako.

"Ako?" Natawa ako sa gulat. "Hindi ah! Kausap ko kaya si Manong na nagwawalis! Hayun oh!" Umikot kaagad ako sabay turo sa kanya, pero agad akong nagtaka nang wala akong ibang nakita kundi mga punongkahoy.

"Bea, that's not a good joke..." saway sa akin ni Jane na may seryoso nang ekspresyon sa kanyang mukha. "Puro babae ang helper dito sa farm, at itong pinsan ko lang ag nag-iisang lalae rito."

Nanlamig ang buo kong katawan dahil sa narinig. Sa sobrang takot ay tuluyan akong naiyak. Uuwi na sana ako pero pinigilan ako ng mga kaklase kong walang kaalam-alam sa mga nangyari.

Habang pinapakalma ako ni Jane sa loob ng bahay, kinausap ako ng Lola niya at pinaliwanag sa akin na baka ang nakita ko ay multo ng dating may-ari ng farm. Hindi raw ako ang unang nakakita sa matanda, pero ako raw ang una nitong kinausap.

Kinabukasan, nang nasa school na, doon ko lang na-kwento ang nangyari sa mga kaklase namin. Labis silang natakot, at kahit sila rin ay ayaw na ring bumalik doon.

This is my first paranormal encounter, and unfortunately, this isn't my last. 

I'll share it some other time.

Kayo? Ano ang first paranormal encounter n'yo?

#ScaryTalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon