Prologue

265 5 2
                                    

People come and go, sa ilang taon mo dito sa mundo marami kang makakasalamuha na iba't- ibang tao. Maaaring sila ay permanente o kaya ay leksyon lang para sa'yo, di natin maiwasang magtiwala, ang rupok natin pagdating sa mga bagong kakilala. Konting sanay lang sa atin na nandyan sila, konting magdamag na chat at text lang- wala na, hulog na hulog ka na lalo na kung it's your first time to feel some butterflies in your stomach, it's your first time to hear your hearts' beat kapag papalapit siya, maybe. 

It's been a week since I last time I saw him, he just disappeared like a ghost. Classmate ko siya dito sa sa isang subject pero hindi kami pareho ng course. He's an Architect student and I'm a Medical Technologist student sa Southwestern University-Phinma dito sa Cebu. We started as a normal classmate hanggang sa magchat siya sa messenger. At hindi ko inaasahan na maeenganyo niya akong magtiwala at dumepende sa kaniya. 

Late sila naipakilala sa class kasi late enrollees kaya they also got separated sa mga classmates nila. Since may mga groupings na for the subject and sila wala kaya pinag-aagawan. At gwapo din sila pareho kaya tila nagkagulo ang mga kaklase ko.

Ako ang leader ng grupo ko kaya ako rin ang nag-aasikaso ng mga members.

"oy, Porsh kunin mo sila para may gwapo naman tayo dito sa grupo."

"oo nga Porsh, di talaga ako aabsent kapag kaklase natin sila." Sabi ng mga kagrupo kong bakla na para bang ngayon lang nakakita ng gwapo.

Itinaas ko na lang ang kamay ko para mapansin ng prof namin.

"sir, tumatanggap po ng mga gwapo yung grupo namin." Sabay ngiti ko kay sir.

"HAHAHHAHA amaw ka talaga bata ka. Oh siya sige Mr. Ferrer at yung kasama mo punta na kayo sa grupo ni Porsh." Sabay tulak ni sir sa kanila.

"hala sir, bakit parang lahat ng gwapo napupunta sa grupo nila Porsh?"

"oo nga sir. Bakit ganun?"

"ano ba kayo, as you can see wala sila lalaki masyado. Meron nga pero di naman sure yung iba." Napatawa kaming lahat sa sinabi ni sir

Umupo na sila Mr. Ferrer sa upuan nila at nagsimula na kami sa meeting.

"oh okay na tayo?" tanong ko sa kanila habang tinitingnan sila. Naghihikgikan lamang yung mga kagrupo kong kinikilig dahil nakabingwit na kami ng gwapo. Medyo nailing ako nung tumingin ako sa gawi nila Mr. Ferrer. Eh ngumiti siya eh putcha siya lang ngumiti sa akin nung tiningnan ko mga kagrupo ko.

"okay, since mag mga bago tayong members. Is it okay to introduce yourselves first?" baling ko sa kasama ni Mr. Ferrer kanina.

Tumango lamang siya at ngumiti sabay hawak sa batok niya. Nahiya pa eh kanina pa kinikilig ang mga bakla at babae dito sa group namin. "uhm, hello my name is Vincent Juarez. An Architect student, I hope magkaclose pa tayo dahil sa subject na ito."

"of course, Vince. Bawal mahiyain dito sa grupo ko kasi maski ako na leader makapal mukha ko HAHHAHAHA." Sabi ko at napatawa naman yung iba.

"oh ikaw na Mr. Ferrer." Sabi ng kaklase kong bakla na kinikilig habang sinasabi niya yun.

Napatingin siya sa akin and he smirked "oh ako na ba?"

"ah.. of course." Sabi ko sabay yuko. Tila nahihiya ako, tang*na bakit naiilang ako. Eh sa kadami-dami ba naman ng mga gwapo kong kaibigan dapat di na ito bago sa akin na may makasalamuhang gwapo.

"My name is Brandon Ferrer. An Architectural student, please take care of me." Sabi niya sa kanyang buo na boses na nakakalilo sabay baling sa akin.

Painfully Beautiful (ON-GOING)Where stories live. Discover now