Chapter 2

56 4 0
                                    

"Porshane" napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Dad habang kumakaway sa may waiting area sa airport. 

"My Princess." niyakap niya ako ng napakahigpit. "Antagal kitang di nakita, dalaga ka na." naluluhang sabi ni Dad. 

Tinitigan ko lang siya "Anak naman, your Mom and I-"

"Bakit niyo po ba ako pinapunta didto?" I cut him up nung naramdaman ko kung saan patungo tong usapan namin. Ayokong marinig ng kahit na ano about sa relationship nila. I just can't... hindi ko pa rin kaya kahit na matagal na yun. Pinili nilang maghiwalay kaysa sa ayusin ang problema nila. They didn't keep the vows they made in front of the altar, and I hate it. That made me realized that love is a magic- it's not true, it's just an illusion. A perfect illusion. 

"uwi muna tayo, Porshane. We will talk about it tonight sa dinner." aniya sabay hawak sa balikat ko. 

"Kay Mommy ako tutuloy Dad, hatid mo na lang ako sa clinic." nauna na akong naglakad patungo sa kotse ni Dad.

Nakita ko kung paano nababa ni Dad ang balikat niya pagkatapos kong sabihin sa kanya yun. Nakokonsensya ako pero masyado pa kasing masakit eh. Alam mo yun? yung akala mo masaya sila, masaya ang pamilya niyo hindi naman pala. Minsan hiniling ko na lang na sana hindi na lang ako pinanganak. Naipit pa sila sa sitwasyon na kailangan nilang magsama dahil merong ako na dumating sa buhay nila. At first, ayoko ko silang maghiwalay pero minsanan na lang kasi umuuwi si Dad sa bahay namin at ang hirap lang, kasi gabi-gabi kong naririnig ang iyak ni Mom. Ni minsan, di ko sila tinanong kung bakit sila nagkaganoon. 

Hanggang isang araw sigawan nila Mom and Dad ang naabutan ko galing school may hawak na papel si Dad at parang pilit niyang pinapapirma si Mama. 

"Ano to? May babae ka na ba? Kaya pinapapirma mo ako nito?" hinampas niya ang papel kay Dad.

"Mas mabuti na maghiwalay tayo Jane!" sigaw niya kay Mom

"wala nang patutunguhan itong relasyon natin, Hindi na kita mahal." 

"Anong hindi mahal? Teka, may dapat ba akong baguhin sa sarili ko? anong problema?" nagmamakaawang sabi niya. 

"I just stayed here dahil kay Porsh." 

Putang-ina mo po. Gusto kong isigaw sa mukha niya, gusto ko siyang sampalin. Ang sama niya, naiiyak na ako pagkatapos kong marinig yun. 

"Hindi totoo yan. Ako ang mahal mo, you stayed because you love me."  iyak ni mommy habang hawak ang braso ni daddy. 

Napatingin ako sa kabuoan ni mommy--sabog ang buhok, kusot ang damit, mugto ang mata. First time kong makita ang Mom ko sa ganitong estado at magmakaawa. Doon ko narealize na kung ako nga nahihirapan, how much more si Mom? Habang nagmamakaawa ang Mommy ko sa harapan ng asawa niya. Naramdaman ko ang sakit, ang poot at pighati. Ayoko nang makita ang Mommy ko na ganito. Alam ko naman na nagtitiis lang si Daddy dito dahil sa akin, pero ang sakit pala kapag sa kanya mismo narinig. Ang akala kong perpekto at masayang pamilya ay isang maskara lang pala para ipakita at maipagmalaki sa iba. Pero di na siguro kaya ni Dad kaya siya na mismo ang nagdala nag-asikaso sa papeles at pirma na lang ni Mom ang kulang. Tss, love is ridiculous. It's not true, coz if it is true hindi ganito ang kahahantungan ng pamilya ko.  

"PIRMAHAN MO NA MOM!" gulat ang lumukob sa mukha nilang dalawa nang makita ako. Hindi nila pinapakita sa akin na nag-aaway sila para maisip ko na ayos silang dalawa. Pero hindi nila alam na naririnig ko ang sigawan nila kapag umuuwi si Dad dito sa bahay. 

"Porsh." tawag ni dad sa akin habang papalapit sa kinatatayuan ko. Hahawakan niya sana ako nang maglakad ako papunta kay Mom at nilagpasan siya. 

Painfully Beautiful (ON-GOING)Where stories live. Discover now