Chapter 3

45 2 0
                                    

It's Wednesday na, and hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari sa Manila. I hate Dad nung naghiwalay sila ni Mom and I hate him more. Hindi niya ba iniisip ang nararamdaman ko? Importante pa ba ako sa kanya?

I went home kaagad pagkatapos nung eksena namin sa restaurant nila Dad. I even booked a flight kaagad, sinabi ko na lang kay Mommy na may project pa akong gagawin. She expected na mananatili ako until sunday night, pero umalis kaagad ako that night. I regret it tho, sana naglaan na lang ako ng oras kay Mommy. Babawi na lang ako sa kaniya, maybe I can just order her favourite dessert and ipadeliver na lang sa bahay.

Naagaw ng cellphone ko ang aking atensiyon nung bigla itong tumunog. Icacancel ko na sana nung inakala kong si tumatawag si Dad, I'm avoiding him since saturday. Pero pangalan ni Brandon ang nakita ko.

Brandon: Good Morning Miss President! Mamaya ha?

Oo nga pala, may lakad kami mamaya, gusto niya daw akong ipasyal okay na rin para hindi na ako masyadong malungkot. Naalala ko na naman yung epic fail na nagawa ko, akala ko si Kit yung nasendan ko ng text message. It turns out siya, nakalimutan ko kasi na siya yung nasa una sa mga messages kasi siya ang last na katext ko. Nasanay ako na si Kit eh, dala na rin siguro nang taranta ko eh di ko na natingnan ang pangalan. Noong mga oras na yun ay di ko alam ang gagawin ko, di ako nakapagsalita kaagad. Naka-nganga ako habang ang kaliwang kamay ay hawak ang cellphone kong nasa tenga at ang kabila naman ay napatakip sa bibig ko.

Brandon: "Hey, Porsh. Still there?"

Porshane: "uh... I'm sorry Mr. Ferrer, wrong dial ako."

Brandon: "May problema ba? May nangyari?"

Mga ilang segundo pa bago ako makapagsalita. Napahinga ako nang malalim.

Porshane: "Nagkasagutan lang kami ni Dad, but I think... I'm okay?"

Ayaw ko sanang sabihin sa kaniya ang nangyari, pero ewan ko pagkasabi kong okay lang ako napatulo ang luha ko. Napahikbi ako, inaalala ang mga sinabi ko kanina. Am I too harsh? Ayaw ko lang naman na maikasal si Dad, I'm not yet ready. Akala ko kasi baka pwede pa sila ni Mom, sino ba kasi ang anak na hindi gustong maging okay ang parents niya diba? I just want my family to be okay again.

Matagal akong natapos sa pag-iyak, Brandon's quiet. He just listened as I sobbed and cry my heart out. And naging okay ako konti dahil doon, sometimes we don't need advices we just need a listener. At hindi ko inakalang si Brandon ang magiging listener ko ngayon, he's the last person I think na makakadinig sa kadramahan ko sa buhay.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at pinunasan na ang mga luha ko.

Brandon: "okay ka na ba?"

Tumango ako kahit alam kong di niya ako makikita.

Porshane: "Yeah, uhh... thanks for... tonight Brandon."

Narinig kong buntong-hininga niya sa kabilang linya.

Brandon: "Oh sige na, uwi kana mamasyal tayo sa Wednesday."

Porshane: "huh? Bakit? Saan naman?"

Brandon: "basta ako na bahala dun, at iuwi mo na ang pasalubong ko".

Napangisi ako sa sinabi niya.

Porshane: "Yung bato ba?"

Brandon: "Anong bato? Yung sarili mo ang gusto kong pasalubong Miss President."

Porshane: "Buang jud oh! Bye ka oy."

Halakhak niya lang ang narinig ko sa kabilang linya bago ko ibinaba.

Painfully Beautiful (ON-GOING)Where stories live. Discover now