CLARIBEL

278 15 0
                                    

CLARIBEL
Isinulat ni Alex Asc

Hindi makapaniwala si Gaston sa kwento ng kaniyang pamangkin na si Faustino.

Noo'y kasagsagan ng kanilang pakikipaglaban sa ilang tribong nakabangga nila dahil sa paghahanap nila ng kayamanan sa gubat.

Natamaan ng pana sa may bahaging paa si Faustino at nalaglag mula sa talon. Tapos ay tinangay naman ng rumaragasang ilog.

Akala raw niya ay tuluyan na siyang namatay. Makaligtas man siya sa tama ng pana ay paniguradong hindi siya mabubuhay sa malalim at malakas na agos ng tubig ilog.

Nagising na lamang daw siya sa piling ng mag-inang taga gubat. Isang babaeng sa tantiya niya'y nasa kwarintay singko gulang at isang dalagitang nasa labing-apat na taong gulang.

Nagulat daw siya dahil wala na ang sugat sa kaniyang paa. Ni hindi raw kababakasan at wala ni anino ng peklat. Nang tanungin niya ang mag-ina ay sinabi nilang ginamot raw siya.

Tumayo ang lalaki ngunit hirap humakbang. Mukang nabalian siya sa kaniyang hita. Agad naman siyang naakay ng Ginang. Tapos ang dalagita ay tinungo ang paa ng lalaki. Pumikit at hinagod ng kaniyang palad. Ilang saglit na pagpopokos ay bumuti na agad ang lagay ng lalaki. Bagay na ikinagulat ng lubos ni Faustino.

Humakbang pa si Faustino ng diri-diritso at walang masakit na nararamdaman sa kaniyang paa. Pakiwari niya'y kakaiba ang natuluyan niya. Baka mga maligno aniya, kaya't nagpaalam agad siya sa dalawa at tuluyang lumisan.

Nagtataka rin siya dahil iyon lamang ang bahay sa malawak na kagubatang kinaroroonan niya. Halos abutin siya ng ilang oras bago marating ang kalsada.

"Baka mga Engkanto, Boss..." ani Roderick matapos magkwento si Faustino.

Napapahawak naman sa panga si Gaston  habang tila may malalim na iniisip.

"Faustino! Natatandaan mo ba ang lugar na iyon?" tanong ni Gaston.

"Opo, Uncle! Tandang-tanda ko po..." agarang sagot niya.

"Bueno, maghanda kayo, dahil dadakpin natin ang bata! Isa siyang kayamanan!" Abot langit ang ngiti ni Gaston sa binabalak.

Naghanda ang grupo ni Gaston. Siya,  ang kanang kamay, pamangkin at mahigit dalawampung tauhan sa isang mission. Ang dakpin ang dalagitang si Claribel.

Nang mga araw na iyon ay nagwawalis ang mag-ina sa kanilang tahanan ng mahinto sila dahil sa pagdating ng mga armadong kalalakihan.

Linibutan sila ng mga iyon, samantalang napakapit naman ang anak sa ina.

"Hoy! Babae! Isang tanong isang sagot!" sambit ni Gaston.

"ho?" tugon ng kinakabahang Ginang.

"Kayo ba ay ordinaryong tao, o mga egkanto?"

"Tao po kami," sagot ng Ginang mula sa pagpapakumbabang tinig.

Sininyasan ng Boss ang mga tauhan at humakbang ang ilang tauhan. Hinawakan ang dalawa upang paghiwalayin.

"Maawa kayo!" pagtangis ng Ginang habang mahigpit ang pagkakahawak sa anak. Hanggang sa mapaghiwalay ang dalawa.

Pumulot ang Ginang ng kahoy na nasa paanan lamang at hinampas sa katabing lalaki. Isang malakas na putok ang nagpabulagta sa Ginang nang barilin ni Gaston.

Napasigaw si Claribel at akmang tatakbo patungo sa ina nang pukpukin ni Faustino ng baril sa ulo sanhi upang mawalan ng malay.

Agad nilang binuhat ang dalagita at iniwan ang bangkay roon ng babae.

Tumungo sila sa Mansion ni Gaston at doon nga nila inilagak ang dalagitang walang malay.

Nagising ang dalagita at nagulat pa nang tumambad sa kaniya ang isang binatilyo.

MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon