ALIEN

240 15 0
                                    

ALIEN
Isinulat ni Alex Asc

Nasa hapag-kainan kami nang mga sandaling ito. Kasama si Mama, Papa at Raffy.

Nang bigla na lamang yumanig ang kapaligiran. In just one second, parang katumbas iyon ng tila pagguho ng mundo sa lakas kung nagtuloy-tuloy lang. Parang may bumagsak na hindi namin mawari. Idagdag pa ang tunog na wari pagsabog.

Agad kaming sumilip sa bintana upang alamin iyon. May natatanaw kaming liwanag sa napakalayo. Sa may himpapawid kung saan yata bumagsak iyon.

Hindi namin ugaling magtanong sa kaptibahay o sumagap ng balita. Sabi ni Papa hinatayin na lamang daw ang balita tungkol roon. Para legit at makatotohanan kaysa malaman pa namin sa mga chismosang kapitbahay.

Natulog na rin kami pagkaraan ng ilang sandali. May pasok pa kami ni Raffy at ganoon din si Papa at si Mama sa opisina.

Kinabukasan, laman ng school ang nangyari kagabi.

"Gabriel! Spaceship daw ang bumagsak kagabi, pero wala namang Alien. Grabe ang lakas ng pagkakayanig ng lupa kagabi," ito ang salubong sa akin ng classmate ko.

Ang magaling naming Teacher pinatayo pa kami paisa-isa upang kunin ang side namin. Kung incase na may mga Alien ay ano raw ba ang mangyayari sa mundo.

"Gabriel Hashirama Senju."

Tumayo ako sa tawag ng teacher namin sa Science at Aralin Panlipunan.

"Ano ang sa palagay mong mangyayari kapag sinakop tayo ng mga Alien?"

Panandalian akong natahimik habang nag-iisip ng isasagot.

"A- Sir. Kung sakali mang dumating sila. Siguro baka may hatid din na maganda sa ating bansa. May mga kapangyarihan sila na maaaring pumuksa sa mga masasamang bagay. O baka makakatulong sila sa mas lalong ikakaayos ng bansa."

Tawanan ang mga kaklasi ko sa sagot ko pero sinita sila ni Teacher.

May point raw ako. Kasi malay natin. Baka may magandang hatid sa mundo ang pagdating nila. Basta't magkasundo lamang ang Tao at Alien at kung hindi masama ang layunin nila.

Naalimpungatan ako dis-oras ng gabi. Lumabas ako mula sa silid at bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay namin. Upang uminom sa kusina. Hindi pa ako tuluyang nakakababa nang magulat ako.

Si Papa, unti-unting umaatras habang may isang nilalang. Oo isang kakaibang nilalang. Isang alien. Yung itsura niya parang pinalaking Casper. Medyo kulay puti, bilog at medyo pahaba ang ulo, ganoon din ang malalaking mata na parang sa langaw. Payat ang katawan at mahahaba ang mga daliri. Basta para siyang Alien na minsan ay napapanood sa TV.

Tumingala siya sa akin at dahil sa takot ay napatakbo ako sa silid. Nag-lock ng pintuan at nagtalukbong. Ilang sandali ay bumangon ako upang alamin ang nangyari.

Bumaba ako pero wala na sa sala si Papa. Upang masiguro ay tinungo ko ang silid at kumatok. Pinagbuksan ako ni Mama.

"Oh, Gabriel? Bakit gising ka pa?" Sinilip ko si Papa. Tulog siyang nakahiga sa kama.

"Wala po, Mama." Bumalik na ako sa aking silid.

Kanina ko pa iniisip kung namamalikmata nga ba ako o hindi. Baka dahil sa usap-usapin tungkol sa mga Alien kaya't parang nakakakita na rin ako.

Kinaumagahan ay nadatnan ko si Papa na nagkakape habang naghahanda naman si Mama ng almusal namin ni Raffy.

"Pa, nakita kasi kita kagabi dito sa sala, may kasama kang Alien?" lakas loob kong tanong sa kaniya.

"Nakita? Hindi naman ako lumabas kagabi. At saka walang Alien? Haka-haka lang ng mga tao. Ang totoo niyan ay may spaceship na ginamit ng China upang maglakbay sa planetang Mars pero nabigo. Sa kasamaang palad ay bumagsak ang kanilang spaceship sa kagubatan."

MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon