MOONSTER CHATMATE

260 15 0
                                    

MOONSTER CHATMATE
Isinulat ni Alex Asc

'Jaysan Señeres Fragada'

Iyon ang pangalan ng ka-chat-mate ni Loydie na tatagpuin niya sa isang motel.

Hindi siya nagkamaling napakaganda talaga nito sa personal. Hindi na naiwasan ng dalawa ang umaalab na init sa katawan. Kumawala ang halikan sa isa't isa.

Itinulak ng babae si Loydie at tumilapon iyon sa kama, bagay na ipinagtaka nito ang natatanging lakas ng babae.

Ngunit napawi ang iniisip nang daganan siya ng babae at sumubsub sa kaniya.

Sa una, nakikiliti at nasasarapan si Loydie nang bigla iyon mapasigaw. Pag-angat ng ulo ay ibang anyo na ang nakagapang sa kaniya.

Halos sunog ang balat, mahaba ang mukha na wari sa kabayo. Malaki ang bunganga, matatalas ang ngipin at tulo ang laway.

Pilitin man ng lalaki kumawala ay napakalakas ng babaeng halimaw.

Muling sumubsob ang babae sa tiyan nang lalaki at sinipsip ang dugo niyon habang nangingisay na ang lalaki.

Ngumisi ang babaeng halimaw at tumawa na ng malakas. Iniwan niya ang bangkay ng lalaking halos naubusan na ng dugo.

Dumating sa tinutuluyang appartment si Jaysan bago pumutok ang liwanag.

Naratnan niya roon ang apat niyang kaibigan na kasama rin niyang nangungupahan rito.

"Hmm... mukang busog na naman ikaw," pambibiro ni Mitch.

"Girl, hindi ka na nagpapaalam, ah," nakasimangot na turan ni Rose sabay balik ng mga mata sa loptop.

Pinasadahan lang ni Jaysan nang tingin ang apat.

Inaalaskador na naman siya ng magigiting niyang kaibigan. Naglakad siya patungo sa Cr. Sinalubong pa siya ni Elma.

"Masarap ba ang ka-date mo?" Sabay kagat sa dila nito.

"Oo, masarap na masarap." Tawanan ang apat.

"Basta, mag-iingat ka lagi," habol naman ni Rhea.

Gabi na ng muli siyang bumangon upang sumilip sa kaniyang PC. Hindi na muna niya kailangan gumala upang maghanap ng panibagong biktima. Sapat na ang dugo ng lalaking iyon upang mapuno ang kaniyang tiyan, kaya't hindi na rin muna niya kailangang kumain.

Naghahanap siya ng next target sa facebook. Muling tumama ang paningin niya sa lalaking nagngangalang 'Dave Pogatorio'

Matagal na niyang nakikita ang lalaking iyon. Katulad din kasi iyon ng mga biktima niyang puro mahilig sa magaganda. Panay din ang posting noon tungkol sa mga magagandang chix.

Lagi rin niya nakikita ang komento no'n sa ilang magagandang babae sa facebook. Pero nilalagpasan niya lagi. Siguro it's the right time na para iyon naman ang biktimahin niya.

Agad siyang nag-sent ng friend request. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang agad tanggapin nang lalaking iyon ang kaniyang friend request.

"Hi, kilala mo ba ako? Napakaganda mo?" anang lalaki.

"Nope, but i'm looking for someone na puwedi kong maging boyfriend
Not only in social media but also in reality. Can you be?" anang reply.

"O... napakabilis mo naman, miss. Hindi ba pweding getting to know each other muna?" responsed ni Dave.

Napatawa ng panandalian si Jaysan sa inasal ng lalaki.

"Loko! Eh obvious namang gusto!" turan sa sarili ni Raysan.

MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon