Kabanata 19

344 10 0
                                    

Family

Buong maghapon akong nakatulala sa may sala at tawag ng tawag ang sekretarya ko ganun din si seb at tristan. Pero wala akong sinagot ni isa.

Maya't maya ay naramdaman ko ng pumasok ang pamilya ko, dahil iniwan ko nalang na bukas ang pinto.

"Anak..." agad akong niyakap ni nanay kaya umiyak nanaman ako sa balikat niya.

"Nay...masakit pala. Masakit"

Habang umiiyak din si ate fat dahil sa nangyare saakin pero mas minabuti niyang bigyan niya kami ng oras at hinila ang mga anak niya.

"Ano bang nangyare?" Nanay senda

"Nagmahal lang naman ako nay eh, bakit kailangan pang humantong sa ganito? Bakit kailangan pa akong masaktan sa isang pagsisinungaling? Sa isang kasalanang hindi ko naman ginawa?"

Napabuntong hininga si kuya at umalis, alam kong galit sya saakin dahil hindi ko sinabi agad sakanya.

"Alam mo anak, yang kuya mo aligaga yan kanina at akala niya anong nangyare sayo kaya naiwan namin ang bahay na bukas buti at andun ang kapatid kong si aurora. Alam mo Maria hindi masamang magmahal. At parte ng pagmamahal ang masaktan, dahil pag nasaktan ka ay nagmamahal ka. At wala kang kasalanan sila ang may kasalanan wag na wag mong iisipin na hindi ka sapat para sa pagmamahal na iyon. Matanda kana at ito ang unang beses na magmahal ka ng ibang lalaki bukod sa kuya mo pero ganun paman ay kailangan mo lang lakasan ang loob mo at giginhawa din iyan pagdating ng panahon."

Tumango tango lang ako at nagpunas ng luha.

"Ipagluluto nalang kita ng paborito mo at kailangan mo din kumain dahil nakita ko sa mesa na ang daming baso na mukhang nagkape kalang buong araw." Tumayo na sya at naglakad papunta sa kusina.

Maya't maya ay dumating si kuya at tumabi saakin.

"Alam ko ang problemang ganyan Celestine."

Pumatak nanaman ang luha ko bakit ang iyakin ko.

"Naalala mo ba nung high school at collage ka ay hindi ako pumapayag na may nanliligaw sayo hanggat nagtapos ka at may trabaho na. Dahil ganito! Dahil natatakot akong makita kang ganito Celetine nakakatakot makita kang nasasaktan ng dahil lang sa pag ibig na pinapaiwas ko sayo. Pero nasa tamang gulang at pagiisip kana at alam mo na kung paano magmahal ng iba bukod saakin saamin na pamilya mo."

"Kuyaa..." napapaos kong sambit.

"Inihanda ko na ang sarili ko kung sakaling dumating ang ganitong problema saatin, ganito sayo pero hindi ko padin maiwasan na hindi magalala dahil unang beses kang nagmahal. Unang beses ito Celestine."

Hinaplos naman niya ang aking ulo.

"You are now in the legal age, at hindi ko na maiiwasan na panatilihin kang bata. At alam ko din na totoo at lubos kang magmahal. Pero ngayon alam ko na kung paano kita mapapatahan."

Ngumiti ako sakanya ng mapait.

"Choose your self little angel, at bumangon ka ulit kung kaya mo na tyaka kayo mag usap ni Sebastian Trevor."

Nagulat naman ako.

"Pa-paano?"

"Duon palang sa laguna ay napapansin kong may namamagitan sa inyong dalawa pero may tiwala ako sayo at sakanya, kung magiging maayos kana kausapin at pakinggan mo na ang side niya. Dahil hindi ako naniniwalang masama ang batang iyon osya. Magbihis kana at para makakain na tayo."

Tumango lang ako. Tama.

Sweet Flames.Where stories live. Discover now