Kabanata 22

330 10 0
                                    

Accident

Isang buwan na ang nakalipas nung naging maayos na kami ni Tristan at araw araw padin siyang bumabawi saakin at ganun din si seb na tanging bulaklak lang ang naipapadala.

Nasa mall ako ngayon at nagtingin tingin dahil kailangan ko din daw mag mall at hindi bahay at hospital lang ako, wala akong kaibigan simula nung high school at collage ako dahil sa ayaw ni kuya dahil magfofocus ako sa school. Kaya ngayon mag isa akong naglalakad

Pumasok ako sa men's boutique at may nakita akong kulay sky blue at naalala ko si Seb. Kung si sebastian ang susuot niyan hapit na hapit sa katawan niya dahil sa laki neto.

Nilapitan ko naman at kinuha, ngumiti ako at inalala ang maamo nitong mukha. Na kahit kailan hindi ako nagsising mahalin ang gagong yun

"This one madam?" Sabi ng sales lady.

"Yes, that only one." Binigay ko na ang creadit card ko at naghintay, kaya ilang minuto ay dumating na ang naka paperbag at card ko.

"Thank you."

"Come again madam." Tumango ako at lumabas, naglibot ulit ako at bigla akong nakaramdam ng kaba. Ewan ko kung ano

Biglang tumunog ang aking telepono.

"Hello maxine?" Sekretarya ko

(D-doc...)

Ito nanaman ang kakaibang boses niya.

"Ano? I'm here at mall papunta na ako ng clinic."

Ibababa ko na sana ng magsalita sya.

(Sir Trevor is here doc.)

Bigla akong nanigas sa sinabing iyon ni Maxine.

Agad akong tumakbo at sumakay sa kotse ko.

PAGDATING ko sa hospital ay naiwan ko ang mga pinamili ko sa sasakyan at tumakbo agad ako sa emergency room.

Naabutan ko ang nakahigang si Sebastian na may tama ng baril sa balikat, Oh my gosh.

"Doc..." sinalubong ako ng mga kasamahan ko.

"A-anong nangyare?" Nabubulol kong saad

"Nakita sya sa labas ng bahay nyo at mukhang napaaway kaya nabaril." Doc abby

Lumapit ako at tiningnan ang itsura niya.

"Seb..." sa lahat ng pagkakataon na magkikita kami bakit nasa kalagayan pang ganito? mas gugustuhin ko pang magpadala na muna sya ng bulaklak kesa sa ganito.

"Doc...kailangan na namin siyang dalhin sa OR. Marami rami na ang nawalang dugo sakanya."

Nagpunas ako ng luha.

"Sasali ako sa operasyon."

PAGKATAPOS ng operasyon na yun ni seb ay tagumpay ang resulta, i'll call tristan at naghihintay sa clinic ko kaya papunta na ako dun habang inilipat na si seb sa isang private room.

"Doc, kamusta si kuya? Asan sya?" Salubong niya saakin

"His fine, hintayin nalang natin matapos syang ilipat sa magiging kwarto niya."

Niyakap niya ako.

"Celestine salamat." Niyakap ko din sya pabalik.

"Okay na yun, tara na puntahan na natin siya."

Lumabas na kami habang kikilig kilig si maxine akala niya siguro pinagpalit ko na ang sir trevor niya.

Pumasok kami sa kwarto niya at nakaratay padin siya at walang malay. Maya't maya ay magkakamalay na ito

"Kamusta na sya?" Tristan habang nakaupo sa sofa

"Okay na ang sugat niya at normal ang tibok ng puso niya maya't maya gigising na to."

Tumango lang sya, umupo naman ako at hinawakan ang malalambot niyang kamay.

"Ang dami dami kong gustong sabihin sayo pero hindi ko inaasahang ganito kita masasaksihan." Pinisil ko ang kamay niya.

"Miss na miss na kita, mas mamimiss kita kung didilat kana at makikita ko ang napakaganda mong mata." Hinalikan ko ang kamay niya

"I'm sorry Sebastian, I'm so sorry kung hindi ako nakinig sayo noon. Ayoko lang na pagsabayin ang galit ko sayo at sa pamilya mo. Pero tanggap ko na."

"Tanggap ko na ang lahat seb, please wake up."

Umiiyak ako habang nakatitig sa maamo nitong mukha.

"M-Maria C-Celestina..."

Sweet Flames.Where stories live. Discover now