Goodbye
Nakatulala padin ako hanggang ngayon dahil sa nangyare, dumating sina mom and dad habang nasa gilid kami ni troy.
"SEBASTIAN!!" Yan lamang ang tanging naririnig namin sa buong hospital.
Lahat kami ay nagdadalam hati sa nangyare, wala na. Wala na yung tanging lakas namin ni celestine.
"Where is Celestine?"
Naglakad kami paalis ng emergency room at pumunta sa tabi netong kwarto.
Bumungad saamin ang napakadaming doctor.
"Asan ang kapatid ko?" Tanong ni troy
"She's under ovservation and wait the result."
Halos di na kami makahinga nung masilayan naming puro sugat ang mukha ni Celestine.
Napaupo si troy sa sahig ng hospital.
"Hindi ko kaya ito Tristan."
"Hindi ko din kaya na ganito ang mangyayare." Napipiyok kong saad.
Ang sakit sakit.
DUMAAN ang ilang araw at hindi padin gumigising si Celestine at si kuya ay inuwi namin at hihintayin ang paggising ni Celestine bago sya ipalibing saad ni mommy at daddy.
And i agree of that.
"Celestine, please wake up." Naiiyak kong saad.
Pinagpahinga ko muna si troy at pinauwi na din namin ang pamilya nila habang inaalagan si Trina.
"Celestine, hindi ko na kayang pati ikaw ay mawala. Ayoko ng ganito please wake up."
Nakaluhod kong saad sakanya.
"I'm almost die nung nalaman ko ang nangyare, at hindi ko padin natatanggap ang lahat ng ito. Kailangan ka namin ngayon kailangan ka ng anak mo ngayon please wake up."
Hanggang sa makatulog na ako dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko.
NAGLAKAD lakad ako para lang malibang ang sarili ko sa nangyare pero hindi ko pading lubos maisip na nawala ang nagiisa kong kapatid, hanggang sa mapadpad ako sa simbahan dito sa hospital.
Pumasok na ako at nagsindi ng kandila.
Naglakad na ako at pumunta sa harap at lumuhod.
"Ang saya ng buhay namin ngayon diba? Anong kasalanan namin sayo? Anong kasalanan ni Celestina at Kuya sayo? Naging mabuti kami sa lahat diba? Lahat kami naging mabuti pero bakit?! Bakit mo ginawa saamin ito?! Kulang paba? Kulang paba ang pagkawala ng bata saamin?! Hindi paba sapat?"
Napahagulgol na ako.
"Sobrang hirap makita mo yung kapatid mong nasa loob ng puting kabaong na wala ng buhay, wala ng buhay...hindi na humihinga. Lord hindi kami nagkulang diba? Hindi. Pero sobra sobra yung sakit na dinulot mo saakin. Sobrang sakit ang binigay mong parusa saamin. At sobrang hirap na nakikita mo yung babaeng pinakamamahal mong nakaratay sa puting higaan na hindi mo alam kung buhay paba o tanging mga nakasabit lang sakanya ang bumubuhay sakanya."
Pumunta ako sa harap ng altar at duon lumuhod.
"Sobrang sakit yung nararamdaman ko kase nagpalaya ako ng tao noon para sa kapatid ko, pinalaya ko yung taong sobra kong minamahal at hindi na mapapantayan pa. Duon palang masakit na lord eh. Masakit na. Pero hindi ko makakaya na nakaratay sya dito at mas hindi ko kakayanin na makita niyang wala ng buhay yung kapatid ko."
Bumuhos lahat ng emosyong pinipigilan ko ng ilang linggo at buwan.
"Masakit ka magmahal...sobrang sakit! At hindi ko alam ang gagawin ko pag nalaman niyang wala na ang ama ng anak niya."
Duon na ako kinakapos ng hininga.
"Sana ako nalang yung nakaratay duon, wag lang sya kase inaasahan sya ng bata. Please nagmamakaawa ako sayo."
"Nagmamakaawa akong kahit si Celestine lang, kahit sya nalang ang iligtas mo. At iligtas mo sya sa sakit na mararamdaman niya kung sakaling makita niya ang taong minamahal niya ng ilang taon."
Nanghihina akong tumayo.
"Hindi ako pwedeng magalit sayo dahil ikaw padin ang diyos, pero humihingi ako ng tawad kung may nagawa man akong kasalanan at kay Celestine mo binibigay ang parusa. Nagmamakaawa ako."

YOU ARE READING
Sweet Flames.
Teen FictionMaria Celestine as known as Maria is a type of the best cardio doctor. Sebastian Trevor Montenegro as known as trevor is a type of cold and heartless Billionaire. Sebastian Tristan Montenegro as know as Tristan is a type of happy go lucky man and fa...