Chapter 1

10.5K 209 4
                                    

"MA! aalis na po ako malalate na po ako sa Job Interview ko" sigaw ni Brei na nag pa labas sa kaniyang Ina mula sa kwarto

"Sige anak mag-iingat ka, sasabihin ko nalang sa tatay mo pag ka uwi niya na umalis ka na" sabi ng nanay niya nginitian niya ito at nagmadali ng umalis

Ilang minuto lamang ay pumasok siya sa isang malaking building hawak hawak ang folder na naglalaman ng kaniyang resume, lumapit siya sa front desk upang mag tanong ng direksyon

"Excuse me po pero saan po yung Job interview?" tanong nito sa babaeng naka-upo sa harap niya

"Ahh ma'am--" naputol ang sasabihin ng babae ng may biglang tumawag sakaniya

"Ms. Binuya? right?" napatingin si Brei sa isang matangkad na babae, naka-yakap ang dress nito sakaniyang katawan

"Yes po, ma'am" buong pag-galang na sagot nito "you're applying for the Secretary as an intern, right?" sunod na tanong nito tumango nalamang ito

"Well good news for you Ms.Binuya and to everybody that will apply the chosen intern can have the chance to work permanently here as Ms. Layar's Secretary" nanlaki ang mga mata nito sa magandang balita

"So may I ask Ms. Binuya are you here for the internship only?" tanong ng babae habang nakangiti

"No ma'am, I would love to work here permanently" sagot nito "okay then nice to meet you Ms. Binuya, My name is Ella Amat former secretary of Ms. Layar, please take your seat at the lobby right there to wait for your turn" ngiti nito at nag kamayan sila

"Thank youuuu" masayang banggit ni Brei sakaniya at dumiretso na sa lobby at naghanap ng mauupuan

Nang maka-upo na ito ay di mapigilan marinig ang mga bulong bulungan nila na tungkol mismo sakaniya, napakunot ang noo nito sa mga salitang binabanggit ng mga babaeng na sa likuran niya

"Bakit ganiyan lang ang suot niya?"

"Kaya nga di niya ba alam na ayaw ni
Ms. Layar yung mga mukhang dugyot" bulong ng isa at natawa naman sila

Napa bugtong hininga nalamang siya naka pantalon at puting long-sleeve lamang siya kumpara sa suot ng mga babaeng nasa likuran niya

Mahirap lamang sila at di naman naaannyiyahan sa mga malalaking events kaya hindi na sila gumastos para makabili ng mga pormal na damit

Ilang oras ng pakikinig sa mga lait ng babae ay tinawag siya ng katabi niya na maganda rin ang ayos

Ano pag tatawanan rin ba ako nito?

Isip niya sa sarili niya

"Pst" tawag sakaniya at kinalbit siya "A-ano yun?" tanong niya sa babae na kumalbit sakaniya

"Grabe sila, ayos ka lang?" nabigla ito ng di siya nilait ng babae ngunit mukhang kinaawaan pa

Lumingon siya para makita na wala na ang mga babae na pinagtatawanan siya "nag-banyo sila" paliwanag ng babae

"Alice pala" sabi nito "ahh Brei, nag-aapply ka rin bang secretary?" tanong ni Brei sa kaniya

"Hindi doon ako" turo nito sa kwarto na katabi ng papasukan ni Brei mamaya "Anong ginagawa doon?" tanong ni Brei

"Mag-aapply para sa strat team, kung papakinggan mo parang ang dali lang travel tapos picture tapos info about sa lugar sulat mo mga uso tapos send mo report
mo " tumango si Brei sa sinabi ni Alice

"Pero sa tingin mo, bakit ako nag aapply eh ang laki nang kumpanyang to tapos 100 lang ang kailangan sa strat team" sabi pa nito "Bakit?" tanong ni Brei

"Kase every month halos may na sususante" napa kunot ang noo ni Brei sa sinasabi nito "huh? Bakit?"

"Isang maling info lang, tanggal ka pwede ka pang kasuhan" sabi nito "ang risky naman" sagot ni Brei "maraming privilege pero pwede kang makasuhan" dagdag pa nito

"Kaya talagang inaral ko at nag search na ako in advance anong mga nga uso ngayon sa mga bansa" sabi ni Alice

"Ms. Binuya" tawag ng isang employee "uy ako na yun" sabi nito at tumayo na "Goodluck, Brei!!" sabi ni Alice ngumiti ito

"Goodluck din sayooo" sagot nito at ngumiti

Ms. Arrogant's RulesWhere stories live. Discover now