Chapter 14

3.2K 151 12
                                    

Brei's Pov

"Brei, gising na may
pupuntahan tayo"

Ms. Layar?

"Ms. Layar!" sabi ko at napa upo sa higaan k-- ni Ms. Layar

"Finally get dressed, may pupuntahan pa tayo" sabi niya

B-bakit ako nasa kama ni Ms. Layar?

Kahit sobrang nalilito ako at walang alam sa kung ano man ang nangyari kagabi ay sinunod  ko siya

Naligo na ako pero nasa isip ko pa rin kung bakit ako nagising sa higaan niya

m-may nangyari kaya samin?

Umiling ako

Hindi hindi imposible, sabi na nga dapat di ako uminom eh kaso kase yang I'm not asking you chena chena di naman ako makahindi

Bumababa na ako para batiin muli si Ms. Layar
"Let's go" maikli pero masaya niyang sabi, nakakapagtaka ang good mood ata niya ngayon

"Ms. Layar, A-anong pong nangyari kagabi?" tanong ko habang pasakay kami sa kotse niya

"It's fine, you were just drunk, hinatid kita sa kwarto mo pero pumasok ka sa kwarto ko tsaka niyakap ako" sabi niya at sinara ang pinto

Pumasok ako sa kwarto niya?!? Tapos niyakap ko pa siya?! Jusq ombeng palpak ka talaga pero at least walang nangyaring iba

"M-ma'am asaan p-po pala tayo pupunta?" nauutal kong tanong

"Why are you stuttering?" tanong niya habang sinusunog ako gamit ang titig niya

"Sorry po ma'am nahihiya lang"  sagot ko

"Ma'am, I'm sorry if I disturbed you last night" dugtong ko  "I already told you it's fine, you were drunk" sabi niya habang masaya ang tono ng pananalita niya

"Good mood?" tanong ko sakanya habang nakangiti at tumango nalang siya

Ano bang nakain nito? Bakit biglang naging ganito kasaya?

"We're here" masigla niyang sabi, lumabas kami at nang pagkakita ko ay nasa isang resort kami na ikinabigla ko

Simula nung bata ako gusto ko na talagang makapunta dito kasi kinukwentuhan ako ni Yuna tungkol sa lugar na to

"Wow, ang ganda dito" sabi ko "nung bata ako ma'am eto yung pinka gusto kong puntahan na resort" sabi ko sakaniya

"Well congrats, your here" sabi niya sakin habang nakangiti

Good mood ata to ngayon napaisip ako habang nakatingin sa nakangiting Ms. Layar

May babae agad na dumating at nag-guide sa amin at sinundan namin siya "uhmm bakit di to po tayo matutulog? May schedule po kayo bukas" nagtataka kong sabi sakaniya

"Mr. Kim's building is near this resort" sagot niya at dinala na kami sa kwarto na may iisang kama

"Ma'am this is it" sabi ng nag ga-guide sa amin habang nakangiti at umalis pagkatapos magpaliwanag ng mga kung ano ano, nang makalabas na siya ay tumingin ako agad kay Lara

"Isang kama lang?" patanong kong sinabi ng isara niya ang pinto "Oo, it's just 2 nights, sayang pera" sabi niya

parang kahapon lang binilan niya kami ng pamilya ko ng Jollibee ngayon sayang daw pera niya

"Ahhhh okay po" sabi ko nalang

May kumatok sa pinto at iniabot sa amin ang mga gamit namin

"May private pool, aren't you going to swim?" tanong niya

"Wala po akong swimsuit" sabi ko

"Here" sabi niya at nanlaki ang mga mata ko nang bigyan niya ako ng bikini "a-ah di po ako nagsusuot ng ganiyan, m-mag t-shirt nalang po ako" sabi ko at humanap ng t-shirt

"I'm not---" eto nanaman tayo

"asking you to wear it, I'm commanding you"

shit sabi na eh

Lumingon ako sakaniya at nakita siyang naka-ngisi

Kinuha ko ang bikini at pumasok sa banyo

Ilang minuto ang lumipas at naka-tingin pa rin ako sa salamin

"Brei, come out, it's fine, literally evebody that you will see today is wearing a bikini" sabi niya mula sa labas

Binuksan ko ang pinto at para niya akong sinusunog sa tingin niya

"Good, let's go" sabi niya tinignan ko ang suot niya

Naka-rash guard siya at shorts

grabe ah parang sinasadya niya

Lumabas na kami at naglakad papunta sa private pool

"Psst hey girl, come swim with us" sabi ng kano sa akin habang nakababad sa tubig

Yuck, kadiri nakakabastos naman

Kumunot ang noo ko at konti nalang mailulunod ko tong mga to wala kong pake kung maliit ako

Narandaman ko na hinila ako ni Lara papunta sa isang shop

"Wag ka na pala mag ganiyan, eto rash guard tsaka shorts, di bagay sayo" sambit niya, sinuot ko ang mga ito habang naka-ngisi

aba! Protective, jowa kita?
























hehe, sana

Ms. Arrogant's RulesWhere stories live. Discover now