130

47 2 1
                                    

"Are you ready?" nanlalamig na hinawakan ko ang kamay n'ya. Nakita ko na natawa s'ya kaya sinamaan ko si Dave agad ng tingin.


"Tigilan mo 'yan" pikon na saad ko dahil tumawa na naman s'ya. "Okay, wife" hinila na n'ya ako palabas ng condo.



Ang sabi sa akin ni Dave ay kailangan muna namin ipaalam sa parents namin. 'Yun ang rason kung bakit ba nanlalamig na naman ako. I am so afraid.


"Hey calm down" nagulat ako dahil si Dave na ang nag-ayos ng seatbelt ko. Ngumiti ako sa kanya, kaya ganoon din ang ginawa n'ya bago pinaandar ang kotse n'ya.




"You want to play some music?" tumango ako dahil buong byahe kami tahimik. Nanginginig na talaga ako sa kaba. Ready na ba ako maulila? Huhuhu.




Itinigil n'ya saglit ang sasakyan tapos kinalikot n'ya ang cellphone n'ya. Maya-maya pa ay tumunog na ang With a smile na kanta. Napailing na lang ako at huminga ng malalim.





"Stop being so nervous. Ako kinakabahan para sayo eh" bahagya n'ya akong tinapunan ng tingin bago ibalik sa daan ang atensyon.





"Hindi ka ba kinakabahan? Akala ko ba dati hindi mo kayang makatanggi din sa parents mo?" I asked him. I saw the side of his lips rose.





"There is nothing wrong by breaking the rules. I need to know myself more, so I need freedom."




"Sana all" sumandal ako at tumingin na lang sa bintana. "Later, kailangan mo lang ilabas 'yung mga gusto mong sabihin sa kanila. Okay?" inabot n'ya ang kamay ko bago hinawakan iyon ng mahigpit.





"Kailangan mo lang sabihin lahat ng mabigat dyan sa puso mo. It's time for them to let you go. It's time for you to be happy. To be yourself. Okay?" tumango na lang ako.





"You looked not okay" natatawang saad n'ya. "Huh?"





"Look Diana, nandito lang ako.. okay?" napalingon ako sa kanya, "Wife, I'll stay through the bad times" pagsabay pa n'ya sa kanya. Napatawa ako ng bahagya.




At some point, it makes my heart calm.




Dumating kami sa bahay at dumoble ang kabang nararamdaman ko. Pero agad naman akong hinawakan ni Dave sa kamay, pinag intertwine n'ya ito at nginitian ako noong tumingin ako sa kanya.




"Good evening" nagbatian kami sa isa't isa. Kompleto na sila, at kami na lang talaga ang iniintay.




Naupo kami sa dinning area at si Dave ay hindi naman nagpaligoy-ligoy pa.




"Mom, Dad... Tita, Tito and Dylan..." napalingon silang lahat sa dereksyon namin.




"Napag usapan po namin ni Diana.." tumingin sa akin si Dave. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at tumungo.




"Na maghiwalay na.. we are planning to get annuled" napasinghap ang lahat ng nasa lamesa.





"Anong sinasabi mo hijo?" ramdam ko ang galit sa tono ng boses ni Daddy.




"I am sorry, but we have different plans and this is not right for the both of us" magalang na sagot ni Dave.




"Diana.." maawtoridad na tawag sa akin ni mommy.




"I am sorry.." 'yun lang nasabi ko bago huminga ng malalim. "Pwede po ba na kahit ito lang?" kinunutan nila ako ng noo.




"Kahit sa taong gusto kong makasama habang buhay ako naman 'yung magdesisyon?" I felt the tears flows in my eyes. "Please?"




"Let me live my life without your instructions. I want to take my own actions, without any hint of fear that you may throw me out and forget as your family" I choked up but I still I did my best to calm myself down.





"I promise.. I will make you proud,"





"Hija..." tawag sa akin ng mommy ni Dave.




"Diana had been enough, she had been a good daughter for the both of you. She's tough, by bringing the pain of her mama's loss by herself." tiningnan ko si Dave pero seryoso syang nakikipag usap sa mga matatanda.





"We'll talk about it" natahimik ang piging. I sighed, and get my senses back.





***



"See? You made it" malawak akong napangiti kay Dave. Pumayag sila, though hindi pa maayos ang meron kami nina daddy atleast, I told them everything I wanted to blurted out.



Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib.





"I am proud of you, soon to be ex wife" unti unting nabawasan ang ngiti ko sa labi.




Kapag talaga masaya ka, hindi pwedeng may kapalit na lungkot 'no? Ang unfair.





"Thank you"




"So what are your plans after we get annuled?" tanong nya at pinaandar ang sasakyan.





"I don't know" tarabaho siguro, at sarili.




"Ikaw?" tanong ko pabalik sa kanya. "California ulit, kapag hindi umayon ang lahat sa plano" nangunot ako dahil hindi ko naintindihan ang sinabi n'ya.





Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Can he just stay? Pero mukhang desidido na talaga syang umalis eh.






"Okay" 'yun na lang ang sinabi ko bago ibinalik ang tingin sa bintana.





"I am happy for you. Sana, masaya ka din para sa sarili mo" rinig kong saad n'ya. Pumatak ang luha sa pisngi ko, na agad kong pinunasan.





Ayun na nga eh, I should be happy.. but I felt sudden emptiness inside me.





I was longing for something that I don't know.

that evening (jungri ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon