2

35 2 0
                                    

"Sigurado kabang maayos ang kalagayan ni Ineng sa Maynila mahal?"

Abala ako sa pag liligpit nang mga dadalhin kung gamit sa manila, sabi ni Ina ay mababait naman raw ang mag asawang Fernandez.

"Mahal nasa mabuting pamilya ang titirhan ni Chesca wala tayong dapat ikabahala"

"Oo ngapo Ama, tyaka alam ko naman po pano ingatan ang sarili ko, dito nga sa bayan natin halos ligawan na ako nang anak ni mayor hindi nga po ako pumayag kasi nga po hanggat dikopa natutupad ang mga pangarap ko hindi muna ako mag b-boyfriend2 o mag aasawa"

"Yan ang gusto ko sayo anak eh nasubraan ng talino kaya pati pagaasawa naiisip muna"

Napa halak hak naman sina Ina sa sinabi ni Ama,napa puot naman akong tinititigan silang dalawa.

"Pero ma mi-miss ko kayo Ama Ina"

"Kami din anak"

Lumapit sakin si Ina at niyakap ako nang napaka higpit.

"Bago mo't maka limutan ang lahat lahat wag lang to"

Agad kaming napatingin ni Ina sa kamay ni Ama, nang buksan nya ang kanyang kaliwang palad ay tumambad sa akin ang kwentas na simbulo nang pag ka tao ko.

"Ama? S-san nyo po yan nakita?matagal kuna po yang hinahanap"

Nanubig ang aking mata dahil nang lumapat ito saking kamay ay tila mas lalo akung naging kampamteng aalis na dala dala ang ala ala nang nakaraan.

Ito ang kahuli hulihang bagay na naka suot sakin pag ka gising ko sa hospital wala akung ma alala kaya ang kwentas na ito ang makakapag bigay lakas loob sakin upang mahanap ko ang aking mga memoryang nawala.

"Matagal ko nang napulot iyang sa likod nang bahay, alam kung mahalaga yan sayo kaya ingatan moyan, yan lang ang natirang ala ala mo bago kanamin makuha,mag iingat ka roon anak lagi mung tandaan na kahit hindi tayo mag kadugo ang turingan natin dito ay isang matatag na pamilya"

Nanubig lalo ang mata ko dahil sa saya at pangungulila na nakikita ko sa mata ni Ama.

"Pangako po Ama"

"Tama na nga yan dadalawin mo rin naman kami dito, tama na nga yang iyakan natin, halika nat tapusin natin to para makapag pahinga ka nang maayos bago bumyahi bukas"

Patango tango kami ni ama at sabay pahid sa luhang namumuo ulit.

Napa buntunghininga ako bago bumalik sa pag aayos.

//kinabukasan//

"Paalammmmmm Ama Ina! Mag iingat din po kayo dito mamimiss ko kayo"

Nag yakapan ulit kami habang panag luha ang aking Ina.

"Tawagan mo kami anak ha"

"Ina wala papo akung cellphone hahaha pero makikitawag ho ako roon"

"Sige anak mahal na mahal ka naman balik ka ha"

Tinapik lang ako ni Ama bago ko inayos ang sarili dahil paparating na ang sasakyang susundo saakin papuntang Manila.

"Salamat Ama (yakap ko rito) at Ina (hinagod kupa likod nya) aalis na po ako"

Nang huminto na ang magarang sasakyan sa harap ko ay agad akung pinagbuksan nang matandang lalaki at tinulungan si ama'ng ilagay ang aking mga gamit sa likud nang sasakyan.

" aalis napo ako "

Kumaway silang dalawa sa akin nang maka pasok na ako sa sasakyan.

Nang makalayo na kami ay agad akung nanahimik habang tinatanaw ang mga punong nadaraanan namin.

Long LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon