Chapter 10 - Coffee break

2.1K 78 25
                                    

xxxx

AX4

THE COFFEE BREAK

KAHIT medyo nahihiya sa kanyang suot ay sumunod pa rin si Michigan kay Rhanna na nauna ng naglakad papasok sa loob ng funeral house.

Kung titignan sila para lang sila rarampa. Lalo na si Rhanna na feel na feel ang suot na mini skirt na kulay itim, isama pa ang hanging blouse na kulay puti.

Huminga nang malalim si Michigan nang tuluyan na silang nakapasok sa loob. Agaw atensyon sila. Kaagad dumapo ang mga mata ng lahat ng nandoon sa kanilang dalawa na tila sinusuri na para bang isang bagay.

Napalunok ang dalawang dalaga nang bigla nilang naramdaman ang panlalamig. Malakas at nakatodo ang aircon sa loob. Ngunit hindi na lang nila iyon ininda at ipinagpatuloy ang paglalakad patungo kung saan naka-upo ang mag-asawang Fisco.

Mabilis na tumayo si Mr. Fisco nang makalapit na ang dalawang dalagang may balingkinitan na pangangatawan.

"S-sino kayo?" tanong ni Mrs. Fisco sa dalawa. Nakasuot ito ng itim na T-shirt at pantapon. Naka-ipit ang buhok, medyo may katabaan. Mapula-pula ang mata na halatang galing sa pag-iyak.

"Ano ka ba naman Marcoba, malamang mga kaibigan ng anak natin," biglang sabat ng matandang lalaki na kanina pa titig na titig sa katawan ng dalawang dalaga.

Nagkatingin naman sina Michigan at Rhanna dahil sa tingin na ibinibigay sa kanila ng matanda.

"O-Opo kaibigan po kami ni Margo, kaklase niya po kami. Ako po si Mi---"

"Siya po si Mila, ako naman si Rena," otomatikong napatingin si Michigan kay Rhanna dahil sa sinabi nito. Bakit nito iniba ang pangalan nila? Ofcourse, kasalukuyan silang nagsosolve ng kaso. Kailangan nilang itago ang tunay nilang mga pangalan.

"Ah, ganun ba?" anang matandang lalaki. "Napakagandang pangalan, Marcoba ikuha mo sila ng makakain. Ano'ng gusto niyo mga ineng?" tanong niya sa dalawa na tila may ibang kahulugan ang sinasabi nito.

Bahagyang napaurong si Michigan. "Fuck, I feel so abuse..." mahina niyang sambit sa sarili at napapangiwi na lang sa kanyang isip sa tuwing dadapo ang tingin sa kanya ng matanda.

"Anything sir," sagot ni Rhanna at ngumiti nang pilit.

Umalis naman ang Ginang upang ikuha sila ng makakain.

Pinalo ni Mr. Fisco ang upuan sa tabi nila.

"Maupo muna kayo," pag-aaya niya sa kanila.

Biglang umakyat ang kaba sa puso ng dalawang dalaga.

"S-Salamat po," tugon ni Michigan at umupo na.

Pinapagitnaan sila ng matandang lalaki.

"Kailan niyo nalaman na patay na ang anak ko?" tanong ng matanda. Nagkatinginan ang dalawang dalaga pero si Rhanna na ang sumagot.

Ngumiti ito. "Kanina lang po. Siguro, ang lungkot niyo ngayon. Anak 'yong nawala sa inyo, e," ginamitan niya ng malungkot na boses ang pakikipag-usap.

Tumango naman si Mr Fisco, "Sinabi mo pa iha! Sobrang hirap ng pinagdadaanan namin ngayon," sabay patong ng kamay ng matanda sa hita ni Rhanna. Nanlaki ang mata nilang dalawa ni Michigan nang gawin 'yon ng ama ni Margo. Ramdam na ramdam ni Rhanna ang init ng palad na nakapatong sa kanyang hita.

Nang nakabawi na siya sa gulat. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay nito. "G-ganun po ba?" 'yon nalang ang tanging nasabi niya dahil walang ibang laman ang utak niya kun'di kung paano babalian ang leeg ng matanda.

AX4 (Book 1 & 2)Where stories live. Discover now