Chapter 11 - Thinking out

2.5K 83 12
                                    

xxxx

AX4

THINKING OUT

"NIGGA! I think I'm gonna die! I'm so hungry!" reklamo ni Vinch nang makapasok na sila sa loob ng sasakyan.

"So, where are we off to?" tanong ni Rhanna at isinandal ang ulo sa bintana. Nakapagpalit na sila dahil kung magtatagal pa sila sa suot nila kanina baka sa ospital na ang tuloy nila dahil sa pneumonia.

"Base," sagot ni Waxx. "Naghihintay si Doc Alex."

"Gusto ko ng umuwi," biglang giit ni Michigan. "Seriously guys, I really want to go home. I'm tired. I had enough for this day. I ditched my class and then I discovered something not normal about myself. I'm really creep out," aniya at itinali ang buhok. "And you know what I think of myself now? A freak. A freaking freak!"

"Naiintindihan naman namin kung di mo parin-"

"Yeah right! Kung naiintindihan mo talaga kung anong nararamdaman ko. Bigyan niyo ako ng oras para makapag-isip. You guys and your stuff are cool but I can't just accept it all in just one click," singhal niya at tinignan sila. "Kailangan ko lang talagang mag-isip. Masyado akong nabigla sa mga pangyayari, parang hindi kayang i-absorb ng utak ko lahat."

****

"ANAK bakit ngayon ka lang? Nabalitaan ko yung nangyari sa kaklase mo. Nagpunta ka ba roon? Atsaka bakit hindi mo sinasagot mga text at tawag ko?" bungad ng kanyang Ina pagkapasok na pagkapasok ni Michigan sa kanilang bahay.

Mukhang kanina pa siya hinihintay nito. Hindi naman kasi ugali ni Michigan na magpalate ng uwi kaya't siguro nag-alala ito sa kanya.

Ibinaba ni Michigan ang bag niya sa sofa. At ibinaling ang tingin sa inang nag-aalala.

Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Yes ma, nando'n ako kanina. Sorry kung 'di ko nasagot mga tawag at text mo. 'Di ko na po kasi namalayan," aniya at napakagat ng ibabang labi.

"I told you Hon, wag kang mag-alala dyan sa anak mo. She's not a baby anymore," biglang sambit ni Chief Forteza mula sa kusina. May hawak pa itong isang tasa ng kape.

"How was your day kid?" tanong nito kay Michigan. Nasa kurenta na ang edad ni Chief Forteza ngunit maganda pa rin ang pangangatawan nito. Mistizo at matangkad. May bigote na nababagay sa kanyang mukha. Itim ang buhok at may magagandang mata.

"Yah, fine though," sagot niya at lumapit sa ama. "You're weird Pa! Alam mo 'yon?" sabay kuha ng kape sa kamay ni Chief Forteza. "Thanks." Pagkatapos ay naglakad na siya patungong kusina.

Ipinatong niya ang kape sa mesa. At naghanap ng pwedeng makain sa oras na 'yon. Nakita niya sa loob ng ref ang malamig na caldereta na paniguradong luto ng kanyang ina.

"Ugh, sana pala may powers din ako na may kinalaman sa apoy, para madali nalang itong uminit na hindi na ilalagay sa microwave," aniya sa kanyang sarili. Gutom na kasi talaga siya, masyadong madaming nangyari sa isang araw. Parang inubos lahat ng enerhiya niya sa katawan.

"So, alam mo na?" napahawak siya sa kanyang dibdib at halos mapatalon sa gulat.

"Ay kabayong bading!" Tinignan niya nang masama ang kanyang ama na nakaupo sa dining set nila. Nakapangalumbaba pa ito. "Pa! Ayan ka na naman e! You're really freaking me out all the time. You know that?"

Ningisian siya ni Chief Forteza. "I don't. You're just over reacting my kid."

"Ano Pa? So, sinasabi mo oa ako? Ako oa? Hella no!" inis niyang sabi.

AX4 (Book 1 & 2)Where stories live. Discover now