CHAPTER 20

41 8 1
                                    

MADISON POV

Bagong umaga para sa bagong haharapin sa buhay. Pagka gising ko pa lamang ay naalala ko kaagad kung ano ang nangyari sa amin ni James sa Court kahapon. Masyadong intense yung mga naging sagutan namin ni James kahapon hindi ko kinaya kaya nag madali na akong umalis. Meron sa akin na gustong unawain kung ano man ang namamagitan sa amin noon. Parehas kami ng tanong sa isat isa, Masyado kaming masaya noon pero bakit biglang nagbago. Masyado naming mahal ang isat isa para humantong kami sa paghihiwalayan.

Ngayon ay October 3 at ngayon ang birthday ko. Hindi ko masyadong sini celebrate ang okasyon na ito dahil para sa akin ay hindi naman na kailangan pag aksayahan ng oras ang petsang iyon. Madalas si Maxine lang ang kasama ko sa araw na ito. Siya lang naman nagpupumilit na paghandaan ang kaarawan ko. Masaya ako dahil si Maxine ang nakakasama ko sa mga importanteng araw sa buhay ko. Si Maxine yung tipong gagawin ang lahat mapasaya niya lang ako, Kaya gagawin ko rin ang lahat para sa kanya. Siya nalang ang meron ako ngayon kaya sana wag siyang mawala sa buhay ko. Kaunti lamang ang nakaka alam ng kaarawan ko halos nga ata lahat ay hindi alam na birthday ko ngayon. Kahit may social media ako ay nakabura lahat ng info's about sa akin. Wala masyadong description na nakalagay doon kaya halos lahat ay walang interesadong makilala ako.

Nag ayos na ako ng sarili ko at nagsimulang ayusin ang bahay namin. Matagal narin akong di nakapag linis sa bahay na ito dahil busy ako sa school. Nagsimula kong ayusin ang kwarto na halos iyon lang ang marumi dahil madalas naroon lamang ako sa kwarto. Pinunasan ko rin ang larawan ni Mama na nakalagay sa estante ng aking kwarto. Pagkatapos ko maglinis ay nagluto ako ng makakain ako para sa tanghalian. Hindi kasi ako madalas talagang kumain sa umaga, ewan ko ba di ata trip ng tiyan ko.
Nagluto ako ng itlog at ham para madali lang maluto dahil nagugutom na ako dahil sa pag lilinis ng buong bahay.

Pagkatapos ko magluto ay inihanda ko na yung makakain ko para masimulan ko ng lumamon. Habang kumakain ako ay tumunog yung cp ko. Pagkatingin ko roon ay tumambad sa akin ang message agad ni Maxine.

fr:Maxinepokpok^_^

Happy happy birthday Madison mylabsss!! 20 ka na!! Pwede na pasukin ang LAGUSAN HAHAHHAA charot!! Mahal na mahal kita Madison. Nandito ako lagi para sayo no. kahit saan mo gusto pumunta sasamahan kita. Nandito ako sayo parati kahit saang pagsubok mo sa buhay. Again iloveyou hehe. see you later bitch :)

Eto talaga si Maxine napakababoy ng bunganga Haha pero siya lang ang bumabati sa akin sa kaarawan ko. Siya lang yung taong hinihintay kong bumati sa akin kada taon.

Pinagpatuloy ko ng kumain para makapag ayos ako. Dadalawin ko kasi ngayon si mama sa puntod niya kaya kailangan kumilos na ako. Dinampot ko na ang twalya at sipilyo para maka ligo na ako. Pero bago ako makapasok sa banyo ay tumunog nanaman ang cellphone ko. Pagkadampot ko ng cellphone ko ah may unknown number na nag text sa akin. kaya binuksan ko kung ano ang nakalagay doon

fr:0961*******
Hoy manyak!! lumabas ka ng bahay niyo nandito ako sa labas!!

Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. Anong manyak siraulong to. Hindi ko nga kilala to eh. pano kaya nalaman ng taong to number ko.

Kaya nagmamadali aking lumabas ng bahay at nagulat ako kung sino ang taong yun.

Si Russel ang nasa harap ko ngayon nakasuot siya ng maroon na tshirt at naka blackpants at White shoes. Napaka gwapo niya ngayon. Oo gwapos siya araw araw pero kakaiba siya ngayon,siguro dahil ngayon ko lang siya nakita na hindi na ka uniform. Na patingin ako sa dala niya May dala siyang cake at isang supot na hindi ko alam kung ano ang nakalagay. Habang tinitignan ko siya ay...

Hoy ano ba pa papasukin mo ba ako o hindi?” naiiritang sabi niya“Sayang yung pormahan ko ngayon eh” nagdadahilang sambit niya.

Terititia AmorWhere stories live. Discover now