CHAPTER 26

51 8 0
                                    

MADISON POV

Pagkatapos ng klase ay nagpasama ako kay Russel na magbayad ng Bill ng kuryente at tubig dahil ayokong made lay sa pag bayad. Mahirap na dahil ako lang naman nagbabayad mag isa at walang ibang gagawa nun kundi ako lang.

Habang nasa sasakyan ako ni Russel ay hindi parin mawala sa isipan ko ang mga announcement kanina. Hindi sa naapektuhan ako dahil sa second lang ako for DL, dahil alam kong pwede pa akong bumawi sa second sem namin. Ang inaalala ko lang ay yung sa laban ng banda nila Russel dahil nga gaganapin yun sa dati kong school. Hindi alam ni Russel na doon ako nag aral dati at ayoko na talagang bumalik don.

pst! okay kalang?”tanong ni Russel habang nag dadrive

OO naman may iniisip lang”

“ay may isip ka?” pang aasar niya

Alam mo nakakaulol ka kausap! ha! suntukin kita diyan eh” napipikon sambit ko sabay amba sa kanya kaya naman natawa siya.

Ang seryoso mo kasi eh... Ano ba iniisip mo?”

“Wala yon, hayaan mo na... nababaliw lang siguro ako”

Kaya nagtuloy na lang siya sa pag drive dahil malapit na kami. Nang makarating na kami sa bayad center na malapit dito sa amin ay nag Park na siya ng sasakyan niya.

Oy gunggong! dito ka na muna mag antay wag ka na sumama sa akin sa loob, masikip na don eh” sambit ko sa kanya at nag dire diretso na sa pagpasok sa bayad center

Kumuha ako ng number at ka malas malasang pang 25 ako eh nasa 17 palang yung number na naka flash sa counter.

Habang naghihintay ako na tawagin ay napagdesisyonan ko nalang na mag cellphone. Matagal akong hindi gumamit ng social media ko almost 4years na dahil sa break up namin ni James. Maraming nagulat at marami ring naghahanap sa akin dahil umalis na lang agad ako sa San Antonio University ng hindi alam ng iba.

Tinignan ko ang Instagram ko dahil ito ang talagang na deactivate ng matagal. Ito kasi ang madalas kong gamitin noon. syempre kapag shala shala Instagram pero kapag mahirap lang fb fb ang gagamitin. Tinignan ko yung dati ko pang post don, Nakita ko ri doon na nadagdagan yung followers ko from 826 to 2486 followers. Tinignan ko lahat ng post ko, nandoon yung nakita ni Russel na Pic namin ni James naka back hug sa akin si James noon. Halos umabot na sa 1k likes yun dahil nga magkarelasyon kami at maraming sumoporta sa relasyon namin. Tinignan ko din yung mga comment don at nakita kong mga kaibigan ko parin na hanggang ngayon ay nag ko comment parin sa pic na yon. Maroon kasi akong squad noon Lima kami. 3girls and 2gays sila talaga ang mga kaibigan kong totoo kasama sa limang yon SI Kim. Mas close kami ni Kim kasi mas matagal kaming mag kakilala at si Kim ang bumuo sa grupong iyon.Ang balita ko ay nasa San Antonio parin sila nag aaral at baka makita ko sila roon kung kailan gaganapin ang laban nila Russel. Nakita ko pang Caption don sa last PIC namin ni James don ay “you're mine and I'm yours” kaya naman napangiti ako kapag inaalala ko kung gaano kami masaya noon. Pero ganun din ka bilis nawala ang mga ngiti sa labi ko ng maalala rin kung paano ako gaguhin ng taong yun. Tumingin nalang ako sa mga comment at may nabasa ako roon na recently lang na comment.

@Ty_rine: Oyyy Sis nasan ka na di ka parin bumabalik dito.... Miss U :(      Sept 26

@its_me_Justin: OY bakla, baka gusto mo mag pakita samin.... move on gaga hahanap nalang kita ibang lalaki... haha char   sept 26

@beautiful_vince: Oy apat na taon kang walang paramdam baka naman sis r u lost vinegar? HAHA charot miss u bakla  sept 27

Natawa naman ako sa mga comment nila,nakaka miss tuloy makasama tong mga sira ulong to. Si tyrine ayan yung babaeng napakaharot kung sino sino ka date. Si Justin naman siya yung beki friend ko na pala away kapag naapi ako ng ibang tao, nako! wag na silang magpapakita kay Justin dahil warla talaga yon. Si vince naman beki din siya pero siya yung joker samin, lagi kasi silang nag ookrayan ni Justin kaya walang tigil yung tawanan namin.

Terititia AmorWhere stories live. Discover now