CHAPTER 5

776 139 45
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Maaga akong umalis ng bahay dahil andon si Plastic kong Fake Mom, mabuti na lamang ginising ako ni Inday kanina kung hindi anong oras na naman ako magigising.

Si Inday at si Manong Lito lamang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng katulong na naririto.

"Inday!"

"Po?"

Maraming bata na naririto habang nagbabasbas si Father bumulong ako kay Inday.

"May pupuntahan ako huwag kayong aalis hangga't wala ako"

Tumango naman siya tumalikod at sinundan ko ng tingin ang taong nakaitim nagtago ito sa malaking puno, mabilis akong gumalaw sa lawak ng sementeryo maraming pasikot-sikot.

Pinunit ko ang dress na kulay itim na suot ko ngayon dahil may palaso na dumaplis sa aking braso, itinali ko ito ng mabilis sa aking braso para hindi ako maubusan ng dugo, napapikit ako sa hapdi pero hindi ko na sinayang ang oras ko, mabilis akong gumalaw patungo sa kaniyang pwesto, lumilingon siya sa paligid na para bang may hinahanap, tumalon ako dahil nasa bubong ako, hinawakan ko siya sa leeg at ipinalupot ang aking binti sa kaniyang binti para hindi siya makakilos.

"Sino ka?! Sinong nagutos sa'yo?! Magsalita ka kundi hindi ka na masisikatan ng araw!!"

Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya dahil nagpupumiglas siya, naramdaman ko ang kaniyang lakas hindi ito lalaki kundi isang babae na mahina.

"Magpapakilala ka o ako ang magpapakilala sa sarili mo?"

Kahit hindi ko siya nakikita alam ko na kung sino ang hawak ko.

"Hampas lupang katulong akala mo ba maiisahan mo ako? Ako si Madam Macie walang taong magpapatumba at tatapos sa buhay ko, naiindihan mo ba ako?"

"Bitawan mo ako!"

Siniko niya ako kaya nabitawan ko siya, inalis ko ang pagkakaipit sa aking buhok humakbang ako ng isang beses at umikot, sa pagikot ko hinawakan ko ang aking mahabang buhok at mabilis na pinalupot sa kaniyang leeg, kinuha ko ang dulo ng aking buhok at umatras para mahigpitan ko iyon, sumigaw siya sa sakit dahil ang higpit ng pagkakasakal ko sa kaniya gamit ang aking malambot na buhok.

"Sumama ka sa akin!"

"A-ayaw ko!"

"Ayaw mo?"

Kinaladkad ko siya pumipiglas siya sa pagkakahawak ko pero hindi niya nagawang pakawalan ang kaniyang sarili.

Andito kami sa loob ng sasakyan n'ong una ayaw niyang sumakay pero mas malakas ako sa kaniya, nagawa ko siyang tadyakan para makapasok sa loob pumunit ako ng malaking tela sa aking suot at itinali ko 'yon sa kaniyang kamay, paa at kinuha ko ang duck tape sa lagayan at mabilis ko itong inilagay sa kaniyang bibig dahil ayaw ko ng maingay.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan, wala akong pakealam kung mababangga ako kung saan ang importante makadating sa patutunguhan. Naririndi ako sa ingay niya, binuksan ko ang system stereo tinodo ang volume, nakikita ko siya sa front mirror, ngumiti ako. Ilang oras lamang nakarating na ako sa bahay, kung saan ko pinaparusahan ang mga taong kumakalaban sa akin, binuksan ko ang pinto ng sasakyan at kinuha siya.

"Ang ayaw ko sa lahat ang maingay pero kahit anong ingay mo walang makakarinig sayo dito!"

Tinulak ko siya paupo, inalis ko ang duck tape na nakalagay sa kaniyang bibig.

"Ngayon ano ba ang gusto mong laro?"

Sarcastic na tanong ko ngunit tumawa lamang ako dahil binigyan niya ako ng masamang tingin.

"Two choices lang ang meron ka
kaya huwag mong sayangin ang pagkakataon na ibibigay ko"

"Hayop ka!"

"Ako? Inborn na ako! Alam mo linta ka ba? Ang tibay ng kapit mo sa daddy ko"

"Wala kang pakealam! Hayop ka! Ang sama ng ugali mo!"

Umupo ako sa Golden Chair ko at pinagcross ang aking binti, tumingin ako sa kaniya na nakangiti habang siya'y....

"Sino ang masama ang ugali sa ating dalawa? ikaw na nagkulong sa batang walang muwang na kagaya ko o ikaw na matanda at pinapakinabangan ang pera ng magulang ko? Ngayon, sabihin mo kung sino ang masama sa'tin?!"

Wala siyang imik, tumayo ako para umikot sa kaniyang harapan.

"Akala mo ba hindi ko alam kung anong ginagawa mo sa pamamahay ko? Ikaw ang kumukuha ng mga alahas sa kwarto ni Mommy!"

"Wala kang ebedensiya!"

"Wala? Si Madam Macie walang ebedensiya? for your information lahat ng galaw o kilos ni Madam Macie maayos, malinis at higit sa lahat may pruweba,"

Kinuha ko ang baso at nilagyan ng tubig at naglakad pabalik sa aking upuan, mataray akong tumingin sa kaniya.

"Nakikita mo ba ang tubig na ito?,"

Hindi niya inaalis ang masamang tingin sa akin balik tingin ako sa baso.

"Ako ang tubig, patuloy sa buhay kahit puno ng sakit, galit, lungkot lalo na sa mga taong may atraso sa akin at isa kana don!  natatandaan mo ba ang mga pagmamakaawa ko noon? Kase ako.... tandang tanda ko pa, good luck sa anak mo kung makayanan niya ang ganti ko, by the way, hihintayin ko ang sagot mo sa tanong ko"

Tumayo ako at lumapit sa kaniya hinawakan ang kaniyang mukha.

"Ano ang pipiliin mo? Mamatay sa kamay ko o maglalaro na kasama ako?"

Tumawa ako ibinalik ko ang duck tape sa kaniyang bibig.

"Ipaparanas ko kung anong pakiramdam ng makulong, magpasalamat ka nga sa'kin dahil hindi kita kinulong sa kulungan ng aso. Ang pinagkaiba nga lang, habang buhay ka dito at dito kana mamatay hindi ka kakain, iinom at lalong hindi ka makakatakas dito"

Kinuha ko ang kandado at kadena saka naglakad pabalik sa kaniya.

Itinayo ko siya at idinikit sa pader, hinawakan ang kamay, itinali patiwarik, hindi ako nakaramdam ng awa dahil ibinabalik ko lahat ng ginawa niya sa'kin, ito na ang karma niya, ako ang magbibigay ng karma sa mga taong umapi sa akin.

"It's nice to see you  like that, Good byee Mang Delya."

Lumabas na ako, kinandado ang pinto at naglakad patungo sa sasakyan, mabilis ko itong pinaandar patungo sa Sm para mamili ng damit at magpalit dahil si Madam Macie, malinis ang trabaho at walang bahid ng dumi.

Mabilis akong nakarating sa Sm at nag ring ang cellphone agad ko itong sinagot.

"Madam Macie na saan po kayo?"

"Andito ako sa Sm, pumunta kayo dito"

"O--"

Naglakad na ako, binulsa ang cellphone at maraming nakatingin sa'kin tinaasan ko sila ng kilay at nagpatuloy sa paglalakad.

Kinuha ko na ang damit na napili ko at lumakad patungo sa dressing room.

Lumabas ako tumingin ako sa salamin, lahat ng damit bagay sa'kin dahil bukod sa perfect ang katawan ko, lahat na sa'kin, pera, alahas, kayamanan, at iba pa.

"13,458 pesos, ma'am"

"Call me Madam Macie not Ma'am understood?"

"Yes po, Madam Macie"

"This is my credit card"

Ilang Segundo lamang umalis na ako sa harapan niya, lumabas at habang naglalakad may tumawag sa aking pangalan, lumingon ako nakita ko sila Inday at Manong Lito, lumapit sila sa akin.

"Inday, Birthday mo bukas hindi ba?"

"Opo Madam Macie, mag de-date kami pwede po ba?"

"Oo naman, kung gusto niyo magpakasal na kayo"

Tumalikod na ako niyaya ko sila kumain muna bago umuwi, hindi ko sila iniintindi dahil nagkukwentuhan sila, inaalala ko ang sunod na gagawin sa bibiktimahin ko, ilang oras lamang dumating na ang order namin.

"Madam Macie, may balita ako sayo"


Tumingin ako kay Inday at kita ko sa kaniyang mga mata kung gaano siya kasaya.

"Sinagot ko na si Lito Madam Macie at balak na namin magpakasal"

"Ako na ang bahala sa gastusin ninyo"

Nagulat sila sa aking sinabi.

"Pero Madam Macie"

"Manong Lito, hindi mo kailangan gumastos dahil ako ang gagastos sa kasal niyo basta huwag mong saktan si Inday"

Tumingin muna sila sa isa't-isa bago tumango at nagpasalamat sa akin. Andito ako sa loob ng sasakyan, habang hinihintay silang dalawa binuksan ko ang aking social account at tinignan ang account ng lalaking may atraso sa'kin.

According to post lagi siyang nasa bar, nagiisip ako kung paano ko sisimulan ang aking Mission.

"Madam Macie andito na kami"

"Umuwi na tayo dahil gabi na may pasok pa si Madam"

Pumasok na sila at pinaandar na ang sasakyan, habang nasa byahe nakatitig lamang ako sa video na aking nakuha, isusunod ko ang lalaking gumawa ng sunog sa bahay ampunan, pinagmasdan ko mabuti ang galawan niya at ang kaniyang marka sa gilid ng kamay. Binuksan ni Manong Lito ang pinto ng sasakyan at lumabas ako, sumunod sila sa'kin, narinig ko ang sigawan mula sa loob.

"Hanapin niyo si Nanay! humanda kayo sa'kin kung hindi niyo mahahanap ang nanay ko!"

Bumukas ang pinto at binigyan ko siya ng matalim na tingin ang babaeng anak ng hampas lupang isusunod ko.

"Umalis ka sa daraanan ko"

"Malawak ang daan"

Umiwas siya ng tingin.

"Ang pinto ay pinto, ang daan ay daan kaya kung hindi ka aalis sa daraanan ko, maaari kitang gawing daan para naman habang buhay kang nakaharang"

Aalis na sana siya pero hinarangan niya ako.

"Na saan ang nanay ko?"

"Mukha ba akong tanungan nang nawawalang carabao?"

Bumuntong hininga siya.

"Umalis ka kung ayaw mong makatikim ng hell na pinapangarap mo!"

"Oh! Macie you are here"

Pinacross ko ang aking kamay, yumuko si Gelyn dahil dumating ang fake Mom ko, lumakad ako papasok sa loob at sinagi ang hampas lupang katulong, pero tumingin ako sa humawak sa aking braso, tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala akong ganang makipag-usap, pero, wala ka talagang ganang kausap"

Tumingin siya sa'kin, pikon na naman siya panigurado magsusumbong na naman ito kay Dad at babaliktarin ako. Well, hahayaan ko muna siya pero sa huli siya mismo ang magmamakaawa sa akin.

"Don't waste my patience Macie will get to your Daddy"

"Do what you want, but I can only say one thing, you have a bad opponent in front of you!"

Umalis na ako sa kaniyang harapan at umakyat patungo sa aking kwarto upang magpahinga.


Nakakabobo ang mga tao ngayon. Simpling instructions hindi pa makuha kuha. Tss... Life!! Sometimes I want to ignore their idiots things but I can't help it.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
CHRISTMAS GIFT ( MADAM MACIE #1)Where stories live. Discover now