CHAPTER 24

296 100 33
                                    

"Yuan mag pahinga na tayo pagod na ako!" pagmamakaawa ko, kanina pa ako nag mamakaawa sa kaniya pero hindi niya ako dinadapuan ng tingin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Yuan mag pahinga na tayo pagod na ako!" pagmamakaawa ko, kanina pa ako nag mamakaawa sa kaniya pero hindi niya ako dinadapuan ng tingin.

"Yuan! pagod na nga ako"

"Gutom na ako" natawa ako sa kaniyang  sagot  hapon na pero wala pa rin kami sa resort at wala man lang dumadaan na sasakyan

"Magpahinga na lang tayo tignan mo nga oh! ang haba ng nilagad natin tapos hindi pa tayo magpapahinga? gash!!"

"Alam mo kung sinasantabi mo 'yang laway mo para hindi ka nakaramdam ng uhaw at hindi mag salita na parang pwet ng manok edi sana hindi ka nag iinarte diyan!"

Uminit ang ulo ko huminto kami sa gilid ng kalsada natatanaw kona ang paglubog ng araw sa kalayuan at inis na tumingin sa kaniya.

"Nag rereklamo ka ba?! ano sa tingin mo sa akin? manikin? manikin na hindi nakakaramdam ng guton? pagod at uhaw!" Bulyaw ko sa kaniya.

"Ano tingin mo sa akin? Hayop? hayop na pwedeng pag artehan mo at sisihin mo dahil andito tayo? kung sisi ka ng sisi diyan wala 'yang mapapala dahil nanyari na! kung mag iinarte ka umalis kana at mag solo ka!"

"Ako? No! ikaw ang nag dala sa akin dito, pwes, ikaw ang magbalik sa akin 'don!"

Ilang irap ang binigay ko sa kaniya simula nang mapunta kami dito hindi na tumigil ang bunganga ko sa kakasisi sa kaniya, so , kasalanan niya tanga kase sino ba naman ang driver na walang gas? Punyetang buhay 'to mamatay ako sa gutom!

"Ano? natahimik ka?" tanong niya at nagsimula na kaming maglakad habang akay niya ang bulok niyang mottor.

"Huwag mo ako kausapin 'di tayo close."

"Tapos ganiyan ka? kung tinutulungan mo ako akayin itong mottor edi sana may pakinabang ka! hindi 'yung sisi ka ng sisi dahil wala akong gas!"

"Bakit ba kase hindi ka nag pa gas? alam mo naman na malayo ang pupuntahan tapos dinamay mo pa ako! itapon mona kase 'yang mottor mong bulok!"

Tumingin siya sa akin sabay iwas napahawak ako sa aking bibig dahil naramdaman kong nasaktan siya sa aking sinabi.

"Pasensya hindi ako mayaman kagaya mo at wala akong magandang mottor, at saka wala akong pera kaya hindi ako nag pa gas, sorry 'ah mahirap kase ako."

Nakunsensya ako sa aking mga sinabi, nag lalaban ang aking isip at puso ko kung hihingi ako ng tawad pero ginusto kong huwag na lang dahil ang salitang patawad ay malabong sabihin ko iyon kahit kanino.

Nabuhayan ako dahil may sasakyan akong natanaw humarang ako sa kaniya saka sumenyas na may parating, "ano? nguso nguso ka pa diyan!"

"Ang sunget naman, tinuturo ko 'yun oh! may sasakyan parahin mo dali!"

"Ikaw na! hindi mo ba nakikita? may hawak ako habang ikaw? prinsesa at walang ginawa kundi utusan ako."

Inabangan ko 'yung sasakyan hindi na ako tumingin sa kaniya dahil ang seryoso niya pero hindi 'yun umepekto sa akin.

CHRISTMAS GIFT ( MADAM MACIE #1)Where stories live. Discover now