CHAPTER 19

594 167 29
                                    

Habang naglalakad ako nakarinig akong sigawan, lumakad ako sa gawi sa bandang cover court

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Habang naglalakad ako nakarinig akong sigawan, lumakad ako sa gawi sa bandang cover court. May tumama sa aking ulo na siyang nilingon ko nakita ko ang mga tao na may binabato, lumakad ako sa gawi nang taong binabato nila sa gitna, tinutulak ko sila nang tumingin sila sa akin yuyuko at binibigyan nila ako ng daan.

Nakita ko ang babaeng basura huminto sila sa pagbabato nang makita nila ako. Tumingin sa akin ang babae na gulo ang buhok, basa ang kaniyang damit at may bahid ng dumi sa kaniyang mukha dahil sa tsokolate.

Tinulungan ko siya tumayo pumikit muna ako bago tumingin sa mga taong bumato, "Sino bang may gawa sayo?" tanong ko sa kaniya, nanginginig siyang tumingin sa maraming tao.

"Ituro mo!" nakayuko ang mga babae na tinuro niya at umiiling tinatanggi ang kasalanan na kanilang ginawa.

"Sinong nag Sabi na may karapatan kayong mang bully sa school ko??!" lumuhod sila sa aking harapan habang patuloy sa paghingi ng tawad pero hindi ko ito palalagpasin.

"Sorry Madam Macie"

"Hindi po namin sinasadya, patawarin mo po kami"

"Ako din po, hindi po namin sinasadya"

Tumingin ako sa babaeng basura yumuko ako at idinampot ang mga binato nila saka ibinigay sa babaeng kaharap ko.

"Gawin mo ang ginawa nila sayo" utos ko, pinacross ko ang aking braso at naririnig ang mga sigawan ng mga tao.

"Sorry na, Claire"

"Patawarin mo kami, hindi na mauulit"

Nag hihintay lamang ako na batuhin sila ni Claire, nagulat ako dahil ibinaba niya ang hawak niya saka hinagis kung saan, nakita ko ang dismaya sa mga taong nandito dahil hindi gumanti si Claire sa mga taong umapi sa kaniya, tumingin siya sa akin na may ngiti.

"Bakit hindi ka gumanti?"

"Hindi naman po sa lahat ng oras kailangan mo gumanti"

"At bakit matapang ka sa tuwing nagkikita tayo? Tapos sa kanila hindi mo mailabas 'yang tapang mo, natatakot ka ba sa kanila? kase, marami sila at isa lang ako?"

Andito na kami sa banyo nakatingin lamang ako sa kaniya habang nag hihilamos.

"Anong sagot mo sa pinag usapan natin before? Oo ba o hindi?"

"Oo, oo ang sagot ko dahil simple lang naman ang ipapagawa mo at saka para sa pamilya ko 'yang ibabayad mo, mag pasalamat ka gipit ako kung hindi---"

"Kung hindi ano?" Nagpunas muna siya ng mukha gamit ang panyo na pinahiram ko, "hindi ako papayag kase mali 'yang pinapagawa mo"

"Walang mali sa gusto, tandaan mo 'yan at huwag kang mag kakamaling magsumbong o kumanta sa mga tao, hindi mo alam kung anong kayang gawin ng isang Madam Macie na kaharap mo, naiindihan mo ba?"

CHRISTMAS GIFT ( MADAM MACIE #1)Where stories live. Discover now