CHAPTER 2

9 4 0
                                    

Jean's POV

Lunch break namin ngayon sa school pero embes na pumunta sa canteen at kumain ay napagdesisyonan ko nalang na matulog dito sa loob ng room. Hindi naman kasi ako nagugutom kaya matutulog nalang ako.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakatulog na ako ng tuluyan.

"Hello Ej? You're here!"

Nagulat ako nang biglang may bumati sa akin mula sa likuran ko. Nang lingunin ko siya ay bigla nalang siyang nagtago sa mga halaman.

"Nandito ka na naman sa panaginip ko? Kahapon ka pa ah."

Inis kong tanong sa kanya. Sigurado akong nakatulog na ako kaya alam kong nananaginip lang ako.

Ito yata ang sinasabi nilang lucid dreaming, yung aware ka na nananaginip ka lang tapos kaya mong kontrolin ang panaginip mo.

Pero ako di ko kayang kontrolin, aware lang ako na nasa loob ako ng panaginip ko.

"Ahm, yeah? Nandito ulit ako. Surprise Ej?"

"Anong surprise ka diyan? Bakit ba nandito ka na naman sa panaginip ko? Stalker ka ba?"

"Ahm... I don't know?"

"Huh?"

Hindi niya alam kung bakit siya nandito? Pero pangalawang beses na to na nandito siya sa panaginip ko. Hindi naman siguro nagkataon lang to diba? Pero panaginip lang naman to kaya hayaan ko na nga lang.

"Pero teka nga, bakit ba Ej ka ng Ej? Hindi naman yun ang pangalan ko. Okay? Wag mo nga ako gawan ng nickname kasi hindi tayo close. ERIL JEAN. ERIL JEAN ang pangalan ko, hindi Ej."

Paglilinaw ko sa kanya.

"Pareho lang yun. Ej short for Eril Jean, ang haba kasi ng pangalan mo."

"Teka, lumabas ka nga diyan. Bakit ba nagtatago ka sa mga halaman? Pangit ka siguro kaya hindi ka nagpapakita sa akin no? Okay lang yan, wag ka na mahiya, lumabas ka na, hindi naman ako judgemental eh."

Ironic diba?

"Hindi naman sa nagtatago ako sayo, may tigyawat lang ako sa ilong ngayon kaya nahihiya akong magpakita sa iyo."

Sabi ko na nga ba pangit to eh kaya nagtatago sa akin.

"Lumabas ka na diyan hindi kita pagtatawanan kahit may tigyawat ka sa ilong."

"Wag kang tatawa ah."

"Promise hindi ako tatawa kaya lumabas ka na dyan."

Pagkatapos ko sabihin yun ay nakita ko siyang unti-unting lumalabas sa pinapagtaguan niya.

Handa na sana akong tumawa ng malakas-lakas pagkalabas niya Pero habang lumalabas siya ay dahan-dahan ko ding nilulunok lahat ng sinabi ko kanina at dahan-dahan ding nalalaglag ang panga ko. At palaki ng palaki, ang mga mata ko.

"Shet. Ang gandaa."

Bulong ko sa sarili ko nang makalabas na siya ng tuluyan sa pinagtataguan niya. Napalunok nalang ako at pinagsisihan lahat ng mga sinabi ko sa kanya kanina.

"Hala baka naturn-off na siya sa akin dahil sa mga sinabi ko."

Habang naglalakad siya papalapit sa akin ay inayos ko na ang sarili ko at umusip agad ng matinding banat na kahit sinong makakarinig ay mahuhulog agad.

Living In DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon