CHAPTER 4

16 1 3
                                    

Jean's POV

"A-ako po?"

Totoo bang balak nila na ipanglaban ako bilang Mr. Valentine na yan?

Don't get me wrong, alam ko naman na may itsura ako, pero hindi naman ako kasing gwapo ng ibang kaklase ko. But I guess it's my time to shine (with evil laugh). Siguro sawa na rin sila sa mga mukha ng mga kaklase ko na palaging sila nalang ang ipinapanglaban, kahit walang nakukuha na title, kaya ako naman ang pinili nila. Baka suwertihin, you know. Pilingero ko naman na yata.

"Sure po ba kayo dyan ma'am?"

Huling tanong ko na to, baka kasi hindi siya sigurado na ako ang ipanglaban nila dun.

"Of course Mr. Corneus I'm sure about my decision, you have the looks after all sayang naman kung hindi natin pakinabangan hindi ba?"

"Okay po ma'am, kung sigurado na po kayo na ako ang ipanglaban niyo ay hindi na po ako tatanggi."

"Okay then it's settled, meet me at my office after this period."

Pagkatapos nga ng klase namin ay nagpunta na kami sa kanyang office para pag-usapan ang magiging preparation namin para sa event.

Pagkarating namin ay may nakita akong babae na naghihintay sa labas ng kanyang office. Sa tingin ko ay siya ang magiging kapartner ko, dahil sa ganda ng kanyang mukha na pinaresan pa ng maganda niyang buhok at ganda ng pangangatawan.

"Mr. Corneus I want you to meet Ms. Mendez ang magiging kapartner mo."

Pagpapakilala ni ma'am sa kanya.

"I'm Eril Jean Corneus from HUMSS 12-A, it's nice to meet you."

Naka ngiti kong pagpapakilala ko sa kanya at nilahad ko ang kamay ko sa kanya upang makipagkamay.

"I'm Amelia Heart Mendez from HUMSS 12-B, it's nice to meet you too."

Naka ngiti niyang sagot sa'kin at sabay abot niya sa nakalahad kong kamay.

Buti nalang pala at ako ang napili ni ma'am na ipanglaban at mas buti nalang at hindi ako umayaw sa alok ni ma'am. Kung nung una palang ay sinabi na ni ma'am kung sino ang makakapartner ko ay hindi na sana ako nagdalawang isip pa.

Sino ba naman kasi ang aayaw na makapartnet ang isang Ms. Mendez? Kilala siya dito sa school namin dahil sa taglay niyang kagandahan na kahit sino ay mapapalingon sa kanya.

"Shall we start our meeting for your preparation about the upcoming event?"

Ilang oras din bago matapos ang meeting namin tungkol sa preparation ng event. Kung ano ang susuotin, kung ano ang talent at kaunting practice sa q&a tungkol sa love.

Wala akong naisagot na matino sa mga tanong tungkol sa love na yan, wala naman kasi ako masyadong experience dun, yung last relationship ko nga sobrang nasaktan ako kaya hindi na ako sumubok ulit.

Isa pa iyon sa dahilan kung bakit bakit ayaw kong ipanglaban bilang Mr. Valentine kasi wala akong inspiration sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa love. Paano kung hindi ko masagot ng maayos ang tanong sa'kin, mapapahiya lang ako at matatalo.

Pero bahala na, hindi lang naman sa ibang tao makakakuha ng inspirasyon sa pagmamahal meron din sa pamilya kung saan nagsisimula ang pagmamahal na ibinibigay din natin sa ibang tao.

Pagkauwi namin sa bahay ay agad kong ibinalita sa kanila na ipapanglaban ako.

"Kuya wag ka ngang magbiro ng ganyan. Ikaw ipapanglaban bilang Mr. Valentine? Bakit wala na ba silang choice kaya ikaw na ang pinili? Kawawa naman ang batch niyo kasi matatalo ka lang naman."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Living In DreamsWhere stories live. Discover now