Chapter 2

1.1K 45 19
                                    

KASALUKUYAN
5 years later after the incident.

Tala's POV

***

Sakay ako ng taxi habang naiirita sa driver na kung makatitig sa akin sa front mirror ay animo'y huhubaran ako.

Ano ba kasing meron sa suot ko?
It's just a white bodycon dress. Bwesit! 'Bat kasi ito ang required na outfit ngayon sa shoot. Tsss.
Iniabot ko ang bayad at walang lingon-lingon na lumabas. Bahala siya! Keep the change. Singko pesos lang naman iyon. Nang makababa ako ay nasilayan ko ang isang building malapit sa kilalang mall.

Harrison's Modelling Incorporation.

Gosh! Napakataas ng building. Amaze na sambit ko sa aking sarili. Nalulula ako habang nakatanaw sa pinaka mataas na floor, tenth floor ang silid na dapat kong puntahan.

It's our photoshoot that day. Kaya naman, mabilis pa sa alas kwatro akong pumunta. Better be advance than late. Ika nga ni tita Nikita. Madali akong pumasok sa nasambit na building at nakipag unahan sa elevator, punuan ang elevator kasi sa mga oras na 'yun, rush hour kumbaga. Pinindot ko ang numerong 10 at naghihintay na bumukas ang pinto. Pansin ko ang kasama kong nakahalukipkip sa isang banda. Matandang babae ito na tila kanina pa tinitingnan ang aking pwet.

Insecure ba siya sa akin? Pagtatalak pa ng sarili ko.

Dyos ko! 'Bat kasi napakalaki ng biyayang ibinigay mo sa akin? Himutok ko sa sarili ko.

Nag-smile ako sa matanda at ang responde naman niya sa akin ay isang 'whatever eyes'.

Hala? Iba rin! Kaya pilit ko manang ipwenesto ang natatae kong smile. Bahala siya! Habang ang isa namang binatilyo sa aking kaliwa ay pasimpleng nagseselfie sa akin. Aba!
Pagsasabihan ko sana ito nang biglang nagbukas na ang pintuan ng elevator. Bumukas ang pinto. Nagmamadaling lumabas ang dalawa na tila may sakit akong nakakahawa. Tsss. Pasimple akong lumabas at natanaw ko ang napakalawak na office ng 10th floor.

Bumungad pa sa akin ang center aisle ng mga cubicle na desk, busy ang mga taong aligaga sa mga keyboard at may mga teleponong nakasiksik sa tenga nila habang nakikinig. May iilang naglalakad habang hawak hawak ang mga kagamitan ng photoshoot at mga naglalakihang tarpaulin aids. So, I bet mas maaga yata ang mga ito kaysa sa akin ah?

Inilibot ko pa ang mga mata nang biglang
may dumaan na isang babaeng matangkad at binati ako. "Hello Ma'am, good morning. What may I help you?"napakaganda ng tono ng pagtatanong nito sa akin halatang praktisado ang bawat bigkas.

"Uhmm..yes please, can you tell me where is the Fashionista Photoshoot area? I am.."

"Yes. You're Tala Legaspi, right?" Nakangiti pa ito sa akin. Tumango tango lang ako bago nagsalita.

"Yes." Sabi ko dito na may kaba, kung makatitig kasi siya sa akin ay parang may dumi ako sa mukha.

"Mas maganda ka pala sa personal," Ngumiti ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, na tila tinatantya ang quality ng kagandahan ko.

Ako lang naman kasi ang isa sa mga pambato nila ngayon sa magazine covers. How ironic, dahil five years ago, wala sa isip ko na magiging ganito ako kasikat na modelo ngayon.
Sino nga lang ba kasi ako noon? Isang dugyot na dalagitang kung tawagin nga nila ay nognog. Pero dahil sa pangyayaring 'yon, ay mas naging matapang ako at tumindig sa sariling paa. Dahil rin kay tita Nikita, naging mas arisgada ako at may tiwala sa sarili. Tinulungan niya akong magbago at maging si Tala Legaspi ngayon. Napasipat pa ako sa babaeng iyon na kanina pa nakatitig sa legs ko.

Bruha 'to ah! My mind speaks some terrible things.

"Well, halika..sumunod ka," ani nito na naunang naglakad na tila rumarampa sa Ms. Universe catwalk style. So, I did it also, magpapatalo ba naman ako? No way! Tagaktak ang mga takong namin papunta sa nasabing area. Halos nasa amin ang mga mata ng tao roon. Tumaas ang blood pressure ko dito na tila nakikipag kumpetensya talaga sa akin. Ugh! Mukha manang salumpwet ang mukha! Pagsasabi ng utak ko sa garapal na bobitang 'to. Sumunod ako at sa pinakadulong pinto ay kumatok ang babaeng nag assist sa akin. Nang mabuksan niya ang pinto ay bumungad sa akin ang ibang modelo sa loob na Nana cotton candy colored dress. Ang ilan ay suot din ang gaya kong bodycon dress na puti at may iilan ring kulay pink. "She's here.." She told everyone. Napakalandi ng awra nito. I can't hide my expression, kaya naman napa face-palm ako pero binawi ko naman ng sinulyapan nya ang gawi ko.

Loving Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon